Jay’s POV
Ano ba tong katangahan na pinasok ko? Nagpatira ako ng isang babae! No, isang taong mapanakit ng kapwa! But It was a nice opportunity dahil sa bibigyan na ako ng business ni Dad need ko ng mga mata sa labas at gagamitin ko ang babaeng ito sa isa ko pang problema kaya di masasayang perang ibabayad ko. Tsk akala ba niya babayaran ko siya ng ganon kalaki just for my P.A? NO WAY! Napaka-gullible naman niya tsk but I found her interesting. Yesterday before she left ehh pinakita ko na ang aking mukha sa kanya tutal magkakasama naman kami ng medyo napaka-tagal, nastarstruck ata sa kagwapuhan ang babaeng yon hahaha.
Jamie’s POV
WTF! Totoo ba tong nangyayari sakin? Una, halos wala akong mahanap na trabaho tapos ngayon eto biglang nagkatrabaho pangalawa, di biro ang laki ng perang se-swelduhin ko at panghuli, PAKSHET NA MALUPET! ANG POGI NG BOSS! Lahat ng pinapangarap ko matutupad na!. Andami naman pinabili ni sir sakin parang hanggang bukas na lang mabubuhay tsk mauubos ba niya tong karami?. First time kong mamalengke sa mall grabe ang lamig don sobra tas madaming pagkain at sariwang sariwa ang mga gulay at prutas don. Nakauwi na ko sa bahay ni Sir grabe ambigat ng dala dala ko, akalain mo 2 paper bag ang yakap-yakap at isang box na malaki ang hawak-hawak ng kanang kamay ko at ang kaliwa naman ay isang plastic at box ang bitbit ko WTF! Tas anlayo ng grocery dito sa bahay kaya niya. Naabutan ko si Sir sa may sala na nakawheel chair at nagbabasa ng libro, di familiar sakin ung libro dahil di naman ako mahilig don pero minsan nagbabasa ako.
“Sir nandito na po ako” sabi ko at inilapag ang mga bitbit ko sa ibabaw ng lamesa sa tapat niya
“Bat diyan mo nilagay? Kusina ba ito?” pagsusungit niyang sinabi sakin
“ay pasensya na po sir, sige ilalagay ko na po mga toh sa kusi—“
“Wait!” pagpigil niya sakin, inilapag niya sa couch yung binabasa niyang libro at lumapit sakin habang iniikot ung gulong ng wheel chair niya, bakas sa mukha niyang nahihirapan siya “Hmm nabili mo ba lahat ng sinulat ko sa papel?”
“opo sir at dinagdagan ko pa ng iba”
“Good, sige ilagay mo na yan sa kusina”
Tsk! Akala ko pa naman tutulungan niya ko kahit papano pero hindi! Arghhh!. bat ba kasi andami niyang pinabili? Andaming klase ng cheese at gatas na nandidito, nagpabili din siya ng napaka-raming creamy delight at quaker cookies at mga chocolates tskk bumili na rin ako ng mga karne,gulay at prutas para may stocks kami dito at di ako mahirapan magluto.
Napagpasyahan kong magluto ng pork steak para mabigat sa tiyan dahil di pa kumakain ng breakfast at eto hinahanda ko na yung pagkain na niluto ko sana masarapan siya.
“Sir luto na po ung pagkain niyo!” pero walang sumasagot “Sir nasaan po kayo?” paguulit ko medyo may pagkabungol pala yung amo ko noh kaya napagpasyahan kong hanapin siya, lumabas ako ng sala ngunit wala siya don tanging yung libro lang niya ang nandon, napasilip ako sa bintana dahil may nararamdaman akong tao na nasa labas at baka si Sir yon na nagpapahangin lang sa labas, pano naman kasi sino bang architect na gagawa ng bahay na dalawa lang ang bintana haystt. Binuksan ko ang pintuan para makita ko ng maayos
“Hmm Sir halika na po luto na yung pagkain pwede na po kayong kuma—“ wait? Hindi si Sir ang nakita ko! “OY SINO KA AT ANONG GINAGAWA MO RITO?” dali dali ko siyang pinuntahan sa may gate pero nang makita niya ko bigla siyang umakyat sa gate at sumakay sa kotse, hinabol ko toh dahil alam kong may masama siyang balak dahil akalain mo inakyat itong napaka laking bahay, pagbukas ko ng gate nahuli na ko dahil medyo malayo na ang kotse pero natandaan ko ang plate number ayos na yon para makapagreport. Isinara ko na ang gate para ipagpatuloy ang paghahanap ko kay Sir nang may nakita akong isang brown envelope di kalayuan sa pintuan ng bahay, dinampot ko ito dahil baka kay sir at baka importante ito sa kanya.
“Anong ginagawa mo sa labas?”
“ANAK NG PUTING TUPA!” wth! Bat ba siya nanggulat? Lumabas si Sir sa library room kaya siguro di niya ko naririnig dahil soundproof ang kwarto na iyon “Ay sir! Nandyan na po pala kayo, tara na sa kusina at kumain na po kayo” itinulak ko ang wheel chair niya papuntang kusina at inayos ko ang kanyang pwesto
“Di mo pa sinasagot ang tanong ko, ano ginagawa mo sa labas kanina?”
“Ay sir kasi nakita ko po itong envelope na ito” inabot ko sa kanya yung napulot ko
“Envelope? Bat naman magkakaroon ng envelope sa labas?” binuksan niya ito pero bakas sa mukha niya ang pagkagulat
“Sir may problema po ba?” sabi ko nang mabitawan niya ang envelope, kinuha ko ito tsaka tinignan, puro litrato ang nakita ko, puro mga litrato sa hospital kung saan nakahiga si Sir, ehh bat naman siya magugulat dito? Eh normal lang naman yon sa baldado na nasa hospital
“San mo yan nakita?”
“Actually sir may napansin kasi akong lalaki sa labas kaya hinabol ko ito tas doon ko siya nakita”
Inangat ko uli ang envelope at may nahulog na isang pirasong papel at may nakasulat dito
'YSAH-OTLU-UIIH-RLV-ELE , TEAES-HTYG-ESSA-NPOM-LLME, JADO-UISR-STEI-TAET-WNF'
Kinuha ito ni Sir at binasa “Ehh sir alam niyo po ba kung ano yan?” di ko mabasa ang nakalagay sa papel dahil halo halo ang letra wala atang makakabasa niyan
“Get some paper and pen, faster” pagkautos ni Sir agad akong sumunod sa kanya, pagkabigay ko ay agad siyang may sinulat, hinatak ko ang kahoy na upuan sa tabi ni sir at doon ako umupo, hayst nagmamadali pa naman ako magluto dahil nagugutom na ko
“Sir ano po ang ginagawa niyo?” tanong ko
“Matalino ang nagiwan nito dito” nang pagkasabi niya nito nilabas niya ang kanyang salamin at isinuot ito “Isa itong code”
“wahh? Code? Pinagsasabi mo?”
“oo code, ang di ko lang alam ay kung anong klaseng code dahil wala siyang iniwan na kahit na anong clue sa papel na ito”
“nababaliwa ka na nga”
“pero ita-try ko ang pinaka-kilalang code, ang caesars box”
“Huh? Caesar salad?”
“halatang gutom ka na eh noh? Teka? Bat nasa tabi kita? Sinabi ko bang dumikit ka sakin?” inurong niya ng kaunti ang kanyang upuan tsk ang arte niya kala mo naman kung sinong pogi argghh
“eh ano ba kasi yang caesar na yan? unggoy ba yan?”
“I already told you before, it’s a code, a cipher code. Look at this letters para ma-decrypt mo ito using a caesar’s code you need to arrange it like stack and read it from top to bottom per letter, since the caesar’s code is only a 5 rows it means 3 sentence ang nakalagay sa papel” da hek pinagsasabi niya? Ito na siguro sinasabi ni Sabel, may saltik sa utak ang amo ko, tinitignan ko lang ang ginagawa niya sa papel
“Sir alam niyo na po ang nakasulat diyan?” pagtatanong ko sa kanya
“Eto nakaayos na ang mga letra” inangat niya ang papel at pinakita ito sakin”
YSAH
OTLU
UIIH
RLV
ELE
TEAES
HTYG
ESSA
NPOM
LLME
JADO
UISR
STEI
TAET
WNF
“Ayan ang pagkakasunod sunod ng mga letters, at basahin mo ito from top to bottom at isulat ito dito sa papel” ano toh tinuturuan ba niya ako? Seryoso ba siya?, dahil sa curious ako sinunod ko na lang ang utos niya
“teka lang po sir ahh” medyo mahirap to parang grade 1 ako kung magbasa ng letra pano naman kasi pababa ang basa haystt konti na lang matatapos na. te-teka ano to? I-big sabihin hindi ito m-maganda
“Tama ang nasaisip mo hindi nga ito maganda” shems bat niya nahulaan ang iniisip ko? Wala naman akong sinabi sa kanya na ganon ahh “wag ka na magtaka dahil bakas ito sa mukha mo” ang creepy niya kaya siguro may nagbabanta sa kanya “alam ko na kung bakit ssiya nagpadala ng gantong sulat”
'You’re still alive huh, then let’s play some games, just wait and see for it'
Ayan ang na-decrypt mula sa code na galing sa envelope at sa tingin ko may kinalaman ito sa mga pictures kung saan siya ay nagpapahinga sa hospital
“Ano ang natandaan mo sa lalaking nakita mo kanina?” medyo seryoso na ang boses niya, nang tignan ko siya inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang salamin
“Ah sir nung nakita niya kasi ako agad siyang tumakbo at sumakay sa itim na kotse”
“itim na kotse? Nakita mo ba ung plate number?”
“opo sir wait ano nga ba yon? Ahhh! Naalala ko na1 PYG626 po sir ung plate number”
“PYG626? Parang nakita ko na ang plakang iyon dati ahh”
“nako sir gutom lang po yan di ka pa kasi kumakain” nilagyan ko na ng mga pagkain ung plato ni sir
“nga po pala sir bukas po pagpasok ko kasama ko na ung kapatid ko tsaka mamaya aayusin ko na rin ung kwarto na tutulugan namin”
“Do what ever you want as long as ginagawa mo duty mo” tsk sungit. Hinubad na niya ang kanyang salamin at susubo na siya ng pagkain nang bigla siyang natulala
“Sir okay po ba kayo?” tinignan niya ako at ibinaba niya ang kanyang kutsara
“Alam ko na! ung plate number ng kotse na iyon, yun rin ang plate number ng kotse na nakasagasa sakin! It means ang nagpadala ng letter na ito ay ang killer or ang master mind! Pero ano ang intensyon nila?”
WTF?! May nagbabanta sa buhay ni sir! Baka madamay kami ng kapatid ko kung sakali! Pero ano nga ba talaga ang intensyon ng killer? Bat siya gustong patayin? Dahil sa pera? Pwede din, pero di kami pwedeng masali sa problema ni Sir mahirap na
YOU ARE READING
MISMATCH - Mr. Inrovert meets Ms. Witty [On-Going]
Novela JuvenilJay Faudet is a son of well known business tycoon but no one knows him even saw him. He always hide in the darkness because he's afraid of everyone but one day a girl came named Jamie Estrella who will change his life and motivate him. But the past...