(4) NALUNYZ

3.5K 103 0
                                    

Inayos ko ang jacket na suot ko at naghanda ng flashlight para sa gagamitin ko mamaya sa dagat..

"Anak ito baunin mo" may ibinigay saakin si inay ng isang balot na tinapay.

"May palaman yan ng cocojum at isa pa ito oh.. may pera na akong maiaabot pandagdag sa gamot ko"

Napakunot ang noo ko ng may inabot saaking pera si nanay

Hindi ko itinanggap iyun..bagkus may inis na tinanong ito..

"Nay saan mo kinuha ang perang yan?" Nagtataka kong tanong..

Agad naman nawala ang ngiti sa mga labi ni inay..

"N-naglabada kasi ako kanina" si inay..

Agad napahampas ang kamay ko sa lamesa na ikinagulat naman ng nanay..

"Nanay naman diba sinabi ng doktor na wag mong papagurin ang sarili mo!? Lalo pat humihina ang puso mo!! Ano ito!? Bakit ka tumanggap ng mga labada!! Kaninong labahan naman ang tinanggap mo!!" Na iinis kong angil kay inay..

"Anak naman dinaman mahirap na trabaho ang paglalabada.. isa pa wala nam-"

Nasipa ko ang upuang pinapatungan ng paa ko na nagpatili sa kapapasok lang ng bakla kong kapatid..

"Oy bruha ano meron at nag wawala ka!? Kaya ka pumapangit eh.." mapang asar sakanya ni saint..

Sinamaan ko ito ng tingin..

"Bwisit kang bakla ka.. saan kananaman naglalandi kanina at iniwan mo si nanay dito sa bahay ayan naglabada sya!!" Sigaw ko kay saint..

Nakita kupa kung pano namutla si saint sa takot..

"Anak pasensya kana wala lang kasi ak-"

"Nay naman.. mas maigi nayung wala kang ginagawa kesa naman na may gagawin kanga sa ospital naman ang bagsak mo! Wala na tayong perang pam paospital nay.. kulang panga ang perang kinikita ko para sa mga gamot mo at para sa pang tuition ng baklang yan!"

Inis kong sigaw..

Nanahimik ang dalawa sa mga salitang binitawanan ko..

Naiinis na nilisan silang dalawa at padabog na sinara ang pinto pasara..

Kingina makakasuntok ako pag may nakasalubong ako ng kahit sino..

Naglakad lang ako sa pangpang at ng matanaw kuna si mang ben agad akong pumunta doon..

Nag aayus na ito ng mga lambat na ipanghuhuli sa isda at mga cooler box para sa isda na mahuhuli..

"Oh.. iha buti andyan kana, sa may isla banayog tayo mamimingwit ngayun at Pagdating naman ng alas 3 doon sa pwesto natin"

Nakangiti anya ni mang ben na diko manlang natapunan ng tingin ni sagot ay diko binigyan

"May problema ba iha?" Tanong sakanya ni mang ben..

"Wala mang ben.. tara na umalis na tayo" malamig kong anya..

Pasensya na mang ben kung nadadamay ka sa init ng ulo ko..





Pasakdol kong inihagis ang lambat ng pang isda at ilang minuto bago ko inangat muli iyun..

"P*ta bat walang mga isda" bulong ko saaking sarili..

At inihagis muli ang lambat sa dagat

Napaupo ako sa dulo ng bangka

"Iha kainin mo ito may mainit akong kape"

Abot saakin ni mang ben ng tinapay at kape na nangagaling pa sa maliit nyang termos

Inabot ko iyun at galit na kinain..

Napadaing ako sa sakit ng inumin ko ang kape ng mainit papala..

"T*ngna ang init" inis kong turan at tinapon ang basong may laman ng kape..

"Spica kanina kapa ganyan.. ano bang Problem mo? Natatakot ang mga isda sayo nyan ee" Napapabuntong hininga ni mang ben..

Umiling ako dito at napabuntong hininga nadin..

"Spica.. kung ano man ang kinagagalit mo.. mas maiging palipasin munayan dahil sa totoo lang ikaw lang ang mahihirapan anak.. may tao kang nasasaktan ng dimo alam at higit sa lahat mas doble pa ang nararamdaman mong sakit.. yung tayo na nga ang nag aalala tayo payung naaagrabyado pag may nangyari sakanila.. isa pa nagawa na eh.. palipasin munalang dinaman na siguro uulitin kung alam nyang magagalit ka.. pwera nalang kung iisipin mong may magandang sulusyon sa problema mo  para dina nya ulit gawin"

Mahabang paliwanag ni mang ben at aaminin nyang gumaan ang pakiramdam nya sa pangaral ng matanda..

Tahimik lang ako at inisip ang mga masasamang sinabi kay inay pati narin sa kapatid nya..

At doon lang nya napagtantong lumagpas sa limitasyon nya ang galit sakanyang puso..

Diko naman ginusto na magbitaw ng ganung salita sadyang nag alala lang ako..

Ngunit sakabila nun, nagsisisi ako dahil sinaktan ko ang damdamin ng taong malapit sa buhay ko..

Napabuntong hininga nanaman ako.. tyaka tumingin sa kalawakan ng karagatan..

"Salamat mang ben" wala sa sarili kong anya sakanya..

"Walang anuman iha.. basta ikaw wag kang mahiyang mag open saakin ng dinaramdam mo"

At parang isang gatilyo si mang ben ng binitawan nya ang salita nayan..

Dahil nagsimulang magsipaglandasan ang masasagana kong luha..

"Mang ben natatakot ako n-na b-baka mapagod si inay sa trabaho nya at dahilan pa para kunin sya s-saamin ng taas"

Iyak kong turan..

Hindi nagsalita ang matanda nakikinig lamang ito saakin..

"Ayaw kulang na mawala sya saamin ni saint mang ben..  natatakot akong mawala sya saamin"

At buong oras ako humagulgol at mukang nakikisama ang mga isda saakin..

Paano banaman kasi andaming isdang pumasok sa lambat ko..

Ng makahuli kami ng madaming isda at handa ng lumipat sa pinaka pwesto namin ni mang ben ay may biglang dumating na yate..

Nakunot ang noo ko alas 3 palang aa sinu naman kaya ito..

Ng makarating na ang yate sa harap namin ganun nalamang ang gulat ko..
Ng makita ang taong presko sa suot na puting vneck T-shirt at kaki short na puti din..

Habang nililipad ang malambot nitong mga buhok..

Light....

Reach for the star (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon