Maaga sya sa site. He lit a cigarette, pampalipas-oras habang hinihintay ang ibang kasama. He was about to puff one smoke pero sandaling natigilan nang maalala ang usapan nila ni Julie. He could still remember the momentary pained look in her eyes nang marinig nito ang huli nyang sinabi. Alam nyang mali ang ginawa nya. He knew that he could have said it the nice way but it was too late. Nasabi na nya.
Hindi sya nakatulog ng maayos dahil doon. Hindi rin kasi nya maiwasang mag-alala tungkol sa kung ano ang maging pakikitungo ng dalaga sa kanya dahil sa tagpong iyon. She seemed to be a genuinely nice girl at napapansin nyang gustong-gusto ito ng halos lahat ng mga kasama nila sa team. And now he can't help but wonder how she would behave towards him.
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga kasamahan sa team kaya minabuti nyang pumunta na sa tent para simulan ang gawain. He was supposed to liquidate all the current expenses sa ginawa nilang project.
Uy, bro. Ang aga mo. Bati sa kanya ni John. Hindi kasi ito sanay na nauuna sya dito.
Haha. I woke up early and had nothing else to do kaya dumiretso na ako dito.
Oh I see. Tipid na sagot nito habang nagbukas ng laptop.
Napapansin ni Elmo na halos nakarating na ang lahat pero wala pa rin si Julie. Kabisadong-kabisado na kasi nya ang oras ng pagdating nito at madalas na mas maaga itong dumadating kesa sa kanya. He got out of the tent and looked at the space where they park their vehicles. Wala ang kotse nito.
Ahem.
Napalingon sya nang marinig si John na lumabas rin pala sa tent para sundan sya. Tumabi ito sa kanya at bahagyang tumawa.
Mali-late sya. Tipid na sambit nito.
Huh?
Si Julie. She'll be late. Sagot nito na ngayon ay malapad ang ngiti na tila ba nanunukso. John is the contact person pag may emergency sa mga members ng team nila kaya alam nito kung sino ang mali-late or sino ang mag-a-absent.
Minabuti nyang hindi na sumagot. He got lost for words dahil tama kasi ang hula nito. Hinintay talaga nya ang pagdating ng dalaga. Gusto kasi nyang makita kung ano ang mood nito.
.....
He was busy doing some paperworks sa loob ng tent nang marinig ang malutong na halakhak ni Julie. He automatically stood up and peeped through the tent's entrance para tingnan ito but he was disappointed nang makitang nakarating na ito sa malayo kasama ang isa pang babaeng teammate nila.
Napakunot-noo sya nang mapansing may suot-suot itong mask.
......
It was lunchtime at gaya ng dati, may kwentuhan na namang naganap. Napansin nyang pumwesto si Julie sa pinakadulo ng mesa di tulad ng nakaugalian nito na parating nakaupo sa gitna. Akala nya iniiwasan sya nito.
But when he saw her constant sneezing and coughing, parang nasagot na rin ang katanungan sa isip nya.
Pagkatapos ng tanghalian, nakita nyang umupo ito sa may gilid ng tent na tila nagpapahangin kaya minabuti nyang lapitan ito.
For a moment, he hesitated to approach her pero nang nag-angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya, medyo kumampante ang loob nyang kausapin ito.
Hi, Julie. Medyo nahihiya nyang pagbati dito.
Hi....Ha-chooooooo. Hehe. Excuse me. Hehe. Hi, Elmo. Ha-choooooo.
Napakunot-noo sya habang tinitingnan ang mukha nito. Her nose had become red and swollen from sneezing and her eyes were teary dahil na rin sa kakasinga.
Sipunin ka pala. He commented.
Hindi naman palagi. Allergy lang. May allergic rhinitis kasi ako eh. Sagot nito at pagkatapos ay nag-excuse para suminga ulit.
Nang makabalik ito sa pwesto ay nanatili itong tahimik na tila nag-iisip.
Kelan ka pa nagkaganyan? I mean, your condition? Tanong nya dito.
Uhm...Matagal na. Since I was small. Ito lang talaga ang pinakamalala kong sakit. Other than this, I'm pretty well and healthy. Sagot nito at pagkatapos ay nag-excuse ulit para suminga na naman.
Ah I see.
Sandali silang natahimik. He thought of other things to say.
Uhm...What triggers rhinitis nga pala? Tanong nya. Na-curious kasi sya tungkol sa sakit nito because she seemed very uncomfortable and unwell at tila hirap huminga.
Bahagya itong ngumiti na tila nag-aalangan.
Marami eh. Yung dust. Tapos yung mga strong odors. The smell of bleach, perfume, and...and...most of all, cigarette.
