CHAPTER TEN

13.8K 336 16
                                    

PAGKARAAN ng isang linggo ay bumalik na sa Maynila si Katrina kasama si Didith at ang pasyente nito.

Hindi pumayag sina Didith at Josh na mauna na siyang bumalik sa Maynila. Ipinagamit sa kanya ni Josh ang laptop computer nito para lang matapos niya ang kanyang deadline sa magazine. At kahapon ay nai-e-mail niya ang mga iyon sa kanilang publication.

Alas-sais na sila nakarating sa apartment. Pareho silang nakatulog ni Didith at sabay na nagising bandang alas-diyes.

Si Josh agad ang tinawagan ni Didith nang magising. Naghanda naman siya ng mapagsasaluhan nilang pagkain.

"Miss mo na agad ang pasyente mo," buska ni Katrina sa kaibigan nang makalapit sa kanya. Inagaw ni Didith ang sandok na hawak  niya at tinikman ang nilulutong adobong manok na may pinya.

"Ang sarap!" bulalas nito. "Eh, ikaw naman diyan, kumusta'ng feelings mo kay Aidan?"

Alam na ni Didith ang mga pangyayari. Pinayuhan siya nito na bigyan ng pagkakataon ang lalaki. Malay raw niya na baka totoong in love sa kanya si Aidan.

"Ayoko muna siyang isipin," kaila niya.

Tumirik ang mga mata ni Didith. "Hindi mo siya maiiwasan, Kat. Aminin mo na sa 'yong sarili na gusto mo siya. Bakit mo iintindihin sina Rachel at Roldan?"

"Didith, baka nakakalimutan mong may girlfriend 'yong lalaking 'yon. Remember 'yong nakita natin?"

"Malay mo, break na sila. Katrina, hindi sa ibinubuyo kita sa lalaking 'yon. Ang gusto ko lang namang mangyari ay matutuhan mong i-handle ang mga kagaya ni Aidan. Hindi mo naman siya forever na maiiwasan."

Alam naman ni Katrina ang bagay na iyon. Pero naisip niya na kung hindi  makikita si Aidan ay baka mabura na ito sa kanyang sistema.

Narinig nilang tumunog ang telepono sa sala. Nagkatinginan sila ni Didith.

"Ikaw na ang sumagot, Kat."

Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ni Katrina nang damputin ang receiver.   Bumungad agad sa kanyang pandinig ang pamilyar na boses.

"Thank God at may sumagot din sa telepono n'yo," anang boses na kababakasan ng relief.

"Ano'ng kailangan mo?"

"Ikaw. Gusto kitang makita."

"Sinabi ko na sa 'yong ayaw na kitang makita. Mahirap bang intindihin 'yon?"

Narinig ni Katrina ang buntong-hininga ni Aidan at pagkuwan ay nagpaalam na. Ibinaba na niya ang receiver.

"Pinahihirapan mo ang sarili mo, Katrina," bulong niya sa sarili. "Ay ewan!"


SUMAPIT ang araw ng kasal ni Roldan. Nasa opisina sa Sikatuna si Katrina, kasama niya ang dalawa pang kasamahan na sina Patty at Soc. Tinatapos nila ang gagamiting props dahil naka-schedule sila bukas sa Museong Pambata.

Silang tatlo lang ang naiwan dahil ang lahat ay tumuloy sa reception ng kasal ni Roldan.

Gabi na nang matapos sila sa ginagawa. Tamang-tama, nag-text sa kanya si Didith at tinatanong kung gusto na niyang sumabay sa pag-uwi. May pinuntahan itong kaibigan malapit sa kanyang kinaroroonan. Nag-reply siya agad at sinabi niyang pauwi na talaga siya.

Sumabay na rin sa kanila sa pag-uwi sina Patty at Soc. Bumaba ang mga ito sa EDSA.

"Daan muna tayo ng book shop bago umuwi. Curious ako sa sinabi mong renovation ng book shop. At saka, hindi ba,  nakailang tawag na sa 'yo yung staff no'ng book shop, nando'n na 'yong pina-reserve mong books. Bakit hindi mo pa kunin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE STORY OF US 1: KATRINA AND AIDAN Published under PHR #1836Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon