CHAPTER 6

553 16 3
                                    

Katulad nang sinabi niya ganoon nga ang nangyari. Kinabukasan nga ay sinimulan niya ang panliligaw sa akin. Katulad kahapon ay may bulaklak at chocolates sa ibabaw nang desk ko may notes din na ang nakasulat ay..

Good Morning princess .. Hope that you like the flowers and chocolates.

See you at lunch :)

P.J

Napangiti nalang ako. Seryoso ba talaga siya? Napatingin ako sa mga classmates ko na mga nakakunot ang noo.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag type nang text para sa kanya. Pero pagopen ko ng phone ko ay may nakalagay na.

1 New Message

From: P.J

Good Morning princess .. Did you like the flowers? Lunch later ha don't forget. :)

Sheeet. Ano ba to .. Kinikilig ako sa simpleng text lang niya na iyon.

nireplyan ko siya ..

To: P.J

Good Morning din. Maganda ang mga bulaklak. Salamat. Lunch? Kailangan ba talaga nang ganito?

Pagkasend ko ay napatingin ulit ako sa mga bulaklak. Maganda at mabango.

*Beep.Beep*

From: P.J

Yes, Gusto ko sabay tayo maglunch. Sunduin ulit kita later ha. ILY princess ..

ILY??? What the hell is that?

nagreply ako.

To: P.J

Ok.

Pagkareply ko ay itinabi ko na yung mga bulaklak sa isa pang desk at inilagay na sa bag ko yung chocolates at cellphone ko. Sakto naman na pagdating nang teacher namin.

Dumaan ang mga oras. At kahit na madaming mga tanong na gumugulo sa isip ko ay pinilit ko pa rin magconcentrate sa klase. Ayoko kasi na bumaba ang mga grades ko baka mawala pa pagkascholar ko.

"Class inform ko lang kayo na pwede nang mag sign up sa mga Clubs na gusto niyong salihan for this year. Just go to the bulletin board para malaman niyo ang details. Ok Class dismiss" Anunsyo nang teacher namin pagkatapos ay lumabas na.

Tinatamad akong lumabas nang classroom. Ang bilis nang oras lunch time na pala. Bitbit ang bag at yung flowers ay pumunta ako sa locker room para doon ilagay yung bulaklak.

Naisara ko na ang locker ko nang nakita kong paparating si Madel. Mukhang nagmamadali siya ah. Bakit kaya?

"Alliyah nandito ka lang pala.. Si Prince  nasa harap ng room hinahanap ka." Sabi niya sa akin pagkahinto niya sa harapan ko.

Si J-Jared?

"Bakit naman niya ako hinahanap daw Madel?" tanong ko. Naramdaman ko ang cellphone ko sa bag ko na nagbebeep at pagkakita ko ay kasalukuyan na tumatawag si Jared dito.

When NERD turn into oh so HOT SEXY LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon