CHAPTER 2

688 13 1
                                    

Alliyah's POV

"HAHAHAHAHAHAHA"

"ANG GANDA MO GRABE HAHAHA BAGAY SAYO HAHAHAHA"

"NERDY GIRL HAHAHAHA"

Yan lang naman ang bungad sakin ng mga classmates ko paggising ko.

Ang dami narin palang estudyante. medyo nakaidlip  ako kaya diko namalayan ang pag dating nila.

Pero teka nga bakit nanaman kaya ako pinagtatawanan nang mga taong to?

Hello Alliyah may bago ba dun?

Para namang hindi ka pa nasanay. sermon ko sa sarili ko.

Tss makapunta  nanga muna sa restroom.

Habang naglalakad ako papuntang restroom ay panay ang sulyap at bulungan ng mga estudyante. Yung iba naman bigla nalang tatawa. mga baliw. Ano bang problema?

Ano kaya? Gumanda na kaya ako kaya sila nagkakaganyan? Siguro nga nagandahan na sila sakin hihihi

Mukha na siguro akong dyosa sa paningin nila (^___^) ang saya saya naman.

Napakalaki nang ngiti ko habang papasok sa Girls restroom. Excited na akong makita kung gaano ako kaganda hihihi

*tingin-tingin* walang tao .. Okayyy

*harap sa salamin then BOOM!!* Ang ganda-ganda---- ko eh??? ... sa sobrang ganda ko kulang nalang talaga ay yung mas makapal na salamin ni Betty La Fea para maging ako na siya tssss

"Isa ... dalawa .. tatlo .. apat ... lima ..anim ..pito .. walo... " bilang ko sa mga hugis nunal na sinulat nila gamit ang marker sa mukha ko. At hindi lang yon may mga drawing din na parang wrinkles sa noo ko.

Sinimulan ko nang maghilamos para burahin ang mga nakadrawing sa mukha ko. Haist napagtripan na naman ako.

Inis na inis akong lumabas nang restroom. Kailan ba ako masasanay sa ganitong panunukso ng mga kapwa ko estudyante?

Saktong pagkapasok ko nang classroom ang siya ring pagpasok ng teacher namin. Nasa likod ko na pala siya kanina hindi ko man lang napamsin dahil nakatungo ako.

Umupo na ako sa pinakadulo. Nakita ko pa ang mga mapanuksong tingin nang mga classmates ko habang papaupo ako.

"Iyah anong nangyari sayo? Bakit parang pinagbagsakan nang langit at lupa yang mukha mo?" Tanong sa akin nang seatmate ko na si Madeline.

"Wala to Madel. Masama lang pakiramdam ko" Pagsisinungaling ko. Tumingin na ako sa teacher namin dahil nagsimula na siyang magdiscuss sa harapan.

Si Madeline lang ang medyo close ko sa mga classmates ko dahil bukod sa mabait siya sa akin tulad ko madalas din siyang ibully nang mga estudyante mas madalas pa kaysa sa akin.

"Ok Class Dismiss .." matapos sabihin ay umalis na ang teacher namin. Lunch time na .

Naglakad na ako papunta sa School cafeteria. Pagdating ko ay umorder lang ako nang Carbonara, Burger at coke. Nang makahanap ako nang bakanteng lamesa ay agad na akong pumunta roon at nagsimula na akong kumain.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang may marinig nanaman akong mga tilian at bulungan kaya nag-angat ako nang tingin para malaman kung anong nangyayari.

"Hi ." bati sa akin nang taong umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"J-Jared?" Hindi ako makapaniwala ..Ang Prince Charming ko (O.O)

When NERD turn into oh so HOT SEXY LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon