Sa sumunod na araw ay lalo akong naging mailap sa mga tao. Hindi pala .. mas tamang sabihin na naging mailap ako lalo para hindi ko makita si Jared.
Matapos nang nangyari doon sa rooftop. Hindi ko alam kung paano ako pag nakasalubong ko siya. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
Kaya eto nasa Garden lang ako ng school. Walang masyadong estudyante ngayon. Nakaupo ako ng pa indian sit sa bermuda grass at nagbabasa habang ang mga libro at bag ko ay nasa harap ko.
"Hi .. You're Alliyah Villarica right? from section A?" biglang may umupo sa harapan ko at itinanong sa akin yan.
Nag-angat ako ng tingin para makita ang mukha niya. "Y-y-yes.." hindi ko alam kung may lumabas bang boses galing sa bibig ko dahil mas naririnig ko ang sobrang lakas na pagkabog ng dibdib ko. "A-ako nga. B-bakit?" hindi ako makapagsalita nang maayos. Letse naman oh!!
"May nakapagsabi kasi sa akin na mahilig ka magsulat nang stories. Is that true?"
"M-medyo.." Sh*t. Act normal Iyah!!
"We have this final requirement in Values subject. And I need you..I want you to write a love story for me. I want it to be Unique. Extraordinary but Realistic. Bahala kana kung sino ang magiging girl. Mag isip ka nalang ng name. In exchange. I will give you 10,000 pesos every week until you finish the whole story." Paliwanag niya habang inilapag sa ibabaw nang gamit ko ang ilang libong piso. "This will be your budget for the materials. And for your snacks for today. I wouldn't take No for an answer Alliyah." Marin niya akong tinitigan sa mata.
Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. 10,000 a week para lang sa isang story? Grabe pinupulot lang ba niya ang pera niya at kung makapagwaldas siya ay ganoon nalang?
Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo na siya. Pero mukang may nakalimutan kaya bumaling ulit sa akin.
"And oh .. meet me at the parking lot mayang 4PM sharp. See you .. Bye." pagkasabi noon ay tumalikod na siya. Iniwan nanaman akong shock parin at laglag na naman ang panga habang pinagmamasdan ang pagalis niya.
4PM? Parking Lot? Bakit? Anong gagawin namin doon? Bakit kailangan pa namin magkita?
Napatingin ako sa paligid ng garden. Iilan lang ang mga estudyante at mukang mga busy lahat at hindi naman ako napapansin. Nasa sulok kasi ako. Sa hindi masyadong kita dahil may isang malaking puno sa tabi nito.
Tinignan ko ang perang inilapag niya sa harapan ko at binilang ito. Limang libo. For snacks and materials? eh 100 lang naman ang kakailanganin ko for materials at 50 lang sa snacks. Baon ko na nga ito for a month tapos sa kanya pang snacks lang ito NGAYON? Ano ba sa tingin niya yung kakainin ko GINTO????
Naiiling nalang akong inilagay sa bag ko yung pera. Mamaya isosoli ko sa kanya yung sukli. Kukuha lang ako nang 200 para narin sa transportation ko.
Pumasok na ako sa klase ko. Iniisip ko parin ang nangyari kanina. Totoo ba talaga yun? Pero bakit naman ako pa? Bakit naman love story pa niya? hindi ba pwedeng love story namin? hayyyy Jaredddd. Napabuntong hininga nalang ako.
*beep.beep*
Nagvibrate yung cellphone ko. Naghihintay nalang kami sa teacher namin para sa last subject namin. Tinignan ko ito.
From: Nicole
Iyah best .. may practice pala kami later. 5PM ang start. I'm sorry Ok lang ba na magtaxi kana lang?. Ayaw ko naman na maghintay ka dahil matagal yun. sorry again. :(
BINABASA MO ANG
When NERD turn into oh so HOT SEXY LADY
Любовные романы"I courted you just to win a BET. I don't Love you. I'm sorry" paano kung marinig mo yan sa mismong bibig nang taong minamahal mo? anong mararamdaman mo? at ano ang magiging epekto nito sa buong pagkatao mo? A story where in the Nerd girl turn into...