CHAPTER 3

507 10 1
                                    

Tahimik akong nagbabasa ng mga notes ko sa isa sa mga bench dito sa garden.

Vacant period namin dahil nagkaroon nang biglaang meeting ang mga teachers. Kaya maraming mga pakalat kalat na estudyante sa school.

"Woahh .. Look who's here .. the nerdy freak!" biglang sulpot ni Ruby sa harapan ko kasama ang mga alipores niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at aalis nalang sana nang hinila naman ako pabalik nang mga kasama niya.

"Where do you think you're going nerdy? I'm not yet done with you."

"A-ayoko nang g-gulo R-Ruby" 

Napangiwi ako sa sakit nang pagkakahawak nila sa akin.

"Ayaw mo ng gulo? Sana naisip mo yan bago mo nilapitan si Prince!" dinuro duro na niya ako. 

Nabitawan ko na yung mga notes ko dahil  hawak na nila ako sa magkabilang braso.

Tinawag niya yung isang estudyanteng nakatayo sa gilid at nanonood lang. May dala itong mga pagkain. S-si Madeline!

At bago pa makasagot si Madeline ay hinablot na ni Ruby yung juice sa kanya and to my surprise bigla niyang binuhos sa mukha ko yung juice!

"Woaaaahh"

"opppsss I'm sorry .. I didn't know na kulang pa pala yung isang juice para dyan sa mukha mo. Hahahahaha"  Ang sama niya talaga. (TT^TT)

Bakit ba laging may kontrabida sa isang story? Pampaganda nang flow ng story? Nararamdama ba ng author kung ano ang nararamdaman nang bida tuwing inaapi siya nang kontrabida?

"W-Wala akong g-ginagawang m-masama Ruby. S-Siya ang lumapit sa akin." katwiran ko.

"YOU freak! Ang kapal nang mukha mo para sabihin yan!" At akmang sasampalin na ako ni Ruby nang ...

"Hurt her and you'll see the Hell Ruby"

Nabitin ang kamay ni Ruby sa ere dahil sa narinig ay natigil siya bigla sa pagsampal sa akin.

Tinignan niya nang masama ang mga kasama ni Ruby na may hawak sa akin. Kaya mabilis pa sa  segundo ang pagbitaw sakin nang mga ito.

Nakikita ko ang takot at pagkabigla sa kanilang mga mata. Kahit ako ay natakot at nabigla din sa nangyari lalo na sa nakikita kong galit sa mga mata niya.

"P-Prince ... She's a Flirt! T-Tinuturuan ko lang siya ng leksyon!"

"How many times do I need to tell you that it's not her fault. It was MY fault." kuyom ang kamao na sabi ni Prince sa kanya.

Sa bigla ko ay hinila niya ako palapit sa kanya. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.  "Next time matuto kang lumaban. Paano ka kung wala ako? Now.Get out of here..." bulong niya sa akin sabay ngiti.

(•____•)

I'm speechless .. I'm surprise..

Napatingin ako kila Ruby. Shock. Confused. Yan ang makikita sa kanilang mga mukha. Maging sa mga taong nanonood

Sinamantala ko ang pagkakataon para makatakbo. Walang lingon likod akong tumakbo paalis sa lugar na yon.

"Hey anong nangyari bakit ka tumatakbo?" takang tanong ni Nicole nang makasalubong ko siya sa Hallway.

"H-ha? Ah eh ... nagmamadali kasi ako papuntang Restroom. Naiihi na kasi talaga ako." pagdadahilan ko.

"Ok. Sabay tayo maya ha. I'll wait for you. See you around byee"

"Si-sige. Bye"

Dinala ako nang mga paa ko sa rooftop. Kung saan ako laging naroon pag gusto kong mapag-isa.

When NERD turn into oh so HOT SEXY LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon