CHAPTER 1

15 4 4
                                    

CATH POV

"Ma wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para gumaling ka, kaya mo iyan. Ikaw nalang ang natitirang pamilya ko at ayokong may mangyari pang masama sayo." gusto ko mang ipakita na malakas ako, hindi kaya ng puso ko na makitang nag-aagaw buhay ang mama ko. Kusang tumulo ang luha ko.

"Wag kanang mag-alala sa akin, magpapalakas ako" pag-aaral at pagta-trabaho ang inaatupag ko ngayon, dahil kailangan.

"Ma aalis na ako ah babalik lang ako mamaya kapag tanghali, maghahatid ako ng pagkain" ngumiti lang sya, ayoko syang iwan doon at gusto ko lang syang bantayan maghapon.

Dalawa nalang kami ni mama sa buhay, si papa at ang mga kapatid ko ay kinuha ni papa at hindi ko alam kung saan sila pumunta.

"Sir saan ko po ilalagay ang mga ito, pasensya na po talaga nagmamadali ako kailangan ko po kasing maabutan yung klase ko" masungit ang boss ko pero tinitiis ko dahil mahirap maghanap ng trabaho, isa pa studyante lang ako.

"Sa susunod na ganito ang ipinapakota mo sa aking trabaho, ayoko nang makita yang pagmumukha mo. My nahanap na din akong kapalit mo kaya hindi na rin ako mahihirapang sesantehin ka" halos maiyak ako sa sinabi nya, hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho

"Sir please wag naman maawa kayo, kailangan ko po talaga ng permanenteng trabaho" sumisinghot singhot na ako, at nagbabadya nang tumulo ang sipon ko, hindi ang luha.

"Last chance mo na ito ms. Fabro at kapag sumablay ka sa trabaho mo, sisisantehin talaga kita!!" nakayuko ako, wala akong magawa. Sa mundo natin ngayon hindi na pantay ang trato ng tao, nakabase ito sa kung ano ang estado mo sa buhay.

"Salamat po! salamat gagawin ko po ang lahat para hindi nyo na po ako sesantehin" tumingin ako sa relo ko, wala akong cellphone. ten minutes nalang at late na ako. Private ang school na iyon, dahil nga private school segundo lang na ma-late ka hindi kana pwedeng pumasok.

Scholar lang po ako...

"Ano pang ginagawa mo layas na akala ko ba male-late kana!" nagbigay galang ako at agad na tumakbo palabas.

Malapit lang naman dito yung school kaso ang problema malayo ang room ko, nakakapagod umakyat sa hagdan.

"kaya mo yan cath!!" takbo lang ako nang takbo, malayo pa

6 minutes nalang...

takbo paakyat sa hagdan, para mabilis akong makarating tatlong steps ang pinapatungan ko.

3 Minutes...

Malapit na konti nalang!

"Hephep saan ka pupunta kutong lupa!" si Princess, dakilang bully yan sa school at tsaka walang may balak na kumalaban sa kanya palibhasa magulang nya ang may-ari ng school na ito.

"please wag ngayon late na ako!" pagmamaka-awa ko kung pwede lang lumuhod na ako para lang padaanin nya

"I don't care!" inaasahan ko talagang yan ang isasagot nya, wala talaga syang pake-alam sa lahat.

"Please..." hindi ko alam ang gagawin ko kung malate ako, hindi pala, hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ako naka focus sa pag-aaral ko. Kasi isang araw lang na absent siguradong maa-out of place ka sa topic.

"oh...Kawawa ka naman! alam mo hindi ka bagay dito! ang pangit pangit mo, mukha kang basura, yang damit mo galing sa basurahan, yung amoy mo ang sangsang ewww!!" hindi ko talaga maiiwasan ang kamalasan sa isang araw.

"Sorry...please padaanin nyo na ako" kumuha ng stick yung kasama ni Princess na si Rica at ibinigay kay Bakulaw.

"Hmm...Ano kayang gagawin ko sayo?" ipinalo palo nyang ang stick sa kamay animong tinatakot ako.

LUCKY SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon