JHANA POV
"Hoy! loko ka ah!!" dalawa sila at mukhang mga mayayabang.
"Hello" kumaway si Camile doon sa cute na lalaki, hinila ko sya palapit sa akin at tiningnan ng masama.
"yes po..." bulong nya
"Ano bang kailangan nyo?, bakit kayo nanggugulo?!" ako na ang makikipag suntukan dito hindi naman marunong sa suntukan si Camile kaya ako nalang ang super hero nya!
i'm a new super hero anpanman~~
"We're here to challenge the two of you" tumango ako.
"Hindi namin kailangan ng challenge nyo, may sarili kaming plano kaya kung ayaw nyong masaktan ibalik nyo sa amin ang bola!" madali naman pala silang kausap dahil binigay nya kay Camile ang bola.
"Shooo!! layas mga istorbo!" Sigaw ko mismo sa pagmumukha nilang dalawa, pero ikinagulat ko nang ngumisi sya at inagaw ang bola.
Tumakbo silang dalawa sa court kaya sinundan din namin sila, nasa malayo palang kami ni Camile kita na namin na nag e enjoy talaga sila sa paglalaro. Ms binilisan ko pa ang lakad ko dahil sa inis
"Maghintay ka nga!" lakad takbo nya akong sinundan, ito ding camile kong kaibigan nakakita lang ng pogi sus kung maka-asta parang dyosa, wala pa sya sa stage na iyon ganda palang haha!. pero hindi ko naman maikaila na maganda talaga sya.
"HOy!!! akin na yang bola!!" napalingon sila sa akin ng ilsng segundo at tinuloy ang paglalaro na parang walang nangyari.
Lumapit ako at pilit na inagaw ang bola, pinagtulungan pa namin ni Camile na agawin pero ngayon ko lang naramdaman ang pagkatalo. Imposibleng matalo nya kami, pambato kaya kami ni Camile kapag Basketball girls.
Napakagaling nyang mag dribble ng bola, napaka bilis ng kamay nya at ang nakaka-inis may kasama pang ngisi sa akin kapag nakatingin ako sa mukha nya. Loko ka!
"Ibabalik lang namin yang bola kapag natalo nyo kami!" sigaw nung isa
"Kahit manalo man o matalo pagmamay-ari namin yan at hindi nyo pwedeng agawin ng basta basta nalang. Ano yun maganda lang yung bola aagawin na tse kayong dalawa akin yan!!!" iniwas-iwas ang bola hanggang sa sumuko nalang ako.
"Parang love lang yan, Kung may nagmamay-ari na wag mo nang tangkaing agawin pa dahil sa huli may taong masasaktan na higit pa sa iyong inaakala." bwiset din itong kaibigan ko eh palovers!
"Tumigil ka nga Camile hindi ka nakakatulong"
"Ang pinupunto ko kasi best na paborito mo yang bola na yan at kapag inangkin ng iba na hindi naman sa kanya syempre masasaktan ka at iiyak ka na parang bata! parang ganito 'mama yung bata inagaw yung bola ko!!' hahahahahah!!" hindi talaga magandang kasama si Camile sa public dapat sa kanya ikulong sa kwarto kasama yung mga ipis na kinakatakutan nya.
"Papayag ako na tanggapin ang challenge nyo na sinasabi kanina pero wag nyong aagawin ang baby ball ko!!" narinig ko namang humagikhik nang tawa si Camile.
Ano bang nasabi ko?
"Best may pangalan pala yung bola mo" pakainin ko kaya ito ng papel para tumahimik na sa katatawa.
"Ok, magpakilala muna tayo sa isa't-isa"
"Ayoko!"
"ako nalang hayaan nyo sya! hello i'm Diane Camile Toledo ang magandang kaibigan ni JHana Lorenzo, si Jhana ay pusong bato!!! 'hindi mo alam dahil sayo ako'y di makakain!!' matapang yan at sobrang tapang ulit!" Wala na akong nagawa dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko.
"I'm Tristan Alonzo and this is my friend slash brother Saiko Amado"
Nang matapos ang pagpapakilala sa mga bwiset na istorbo na ito nagsimula na kaming maglaro ang matatalo ay may kaukulang parusa.
BINABASA MO ANG
LUCKY SEVEN
FanfictionSa mundong ito madami tayong nakikilalang tao...Sabi nga nila sa milyong tao sa mundo isa dito ang mamahalin mo ng totoo. Paano kaya nila makikita ang taong mamahalin sila ng sobra?