Hazel POV
Hindi na kaya ng pagmumukha ko na harapin ang kahihiyan sa harap ng taong kina-iinisan ko.
Pumunta ako sa coordinator para ipaayos ang schedule ko, mga coordinator kasi ang gumagawa ng schedule namin. Bawat grade level ay may coordinator.
"Goodmorning ma'am hazel"
Sya si Sir Jonathan,pogi mabait at matalino. Crush ko sya noon at hanggang ngayon kaya minsan nahihiya akong lumapit sa kanya kapag may party ang mga co-teacher ko.
Ngayon nawala ang lahat ng hiyang tinatago ko dahil sa kagustuhang maayos kaagad ang schedule at para hindi ko na din makita ang pagmumukha nung Richkyle na yon.
"Sir gusto ko lang po sanang ipaayos ang schedule ko, may guro po kasi akong naistorbo kanina. Akala ko doon ang first class ko eh sinundan ko lang naman itong ibinigay mong schedule" binigay ko sa kanya ang hawak kong papel.
"Sige ma'am hazel aayusin natin mamaya yan kapag nandito na yung guro na naistorbo mo kanina, sino ba ang gurong tinutukoy mo?" natameme ako
"ma'am hazel?" natauhan lang ako nang marinig ulit ang pangalan ko
"Si Sir Richkyle" tumango sya at itinago ang schedule na hawak ko kanina
"Sige wag kang mag-alala aayusin natin iyon mamaya" tumango ako, kung ganon magkikita pa kami mamaya. Makikita ko nanaman ang nakakaasar nyang mukha.
"Sige po" mas matanda sa akin ng dalawang taon si Sir Jonathan, 24 na sya at ako ay 22 palang. Sabi nga ng iba mukha daw akong 18 years old dahil sa batang bata ang itsura ko.
Ako namang sobrang nasayahan pumalakpak ang dalawang tenga ko.
"Maiwan ko na po muna kayo kung ganon, tutulong nalang ako sa Canteen para mag tinda" ngayon kasing bago na ang kurikulum ng iskwelahan, mga guro na ang nagtitinda sa paaralan. Pero may tagaluto naman para sa pagkain ng studyante.
marami ang bumabati sa akin sa daan, tumatango lang ako at bumabati rin sa kanila. Nang makarating ako sa canteen binati ako ng ibang guro.
"Goodmorning ma'am" tumango ako at umupo sa upuan sa harap ng counter.
"Wala ba kayong klase ma'am?" ngumuso ako, matanda na ang gurong kausap ko kaya hindi ko sya pwedeng chikahin. Hindi ko naman sya ka-edad kaya nandoon parin ang respeto ko.
"Wala ma'am may problema kasi ang schedule ko, eh gusto ko sanang sabihin kay sir jonathan na ngayon na ayusin kaso nahihiya na ako kasi nakita ko na marami syang ginagawa baka maistorbo ko pa sya" tumango sya, nag-aasikaso ako ngayon ng mga bumibiling studyante.
"Sige maiwan na muna kita kasi kay klase ako, wala talagang bakante ngayon ang ibang guro kaya bihira ang magbabantay dito, naku buti nalang dumating ka." ngumiti ako at pekeng tumawa
"HA.HA.HA" so wala pala akong makakasama dito, wala talaga akong makakausap at mag-isa lang ako.
nakayuko ako habang kinakalikot ang cellphone ko, wala pa masyadong studyante dito kaya hindi pa naman ako mahihirapan.
"Ay naku Sir buti at dumating kayo walang kasama si Ma'am Hazel doon, bakante nyo po ba?" napataas ang ulo ko nang marinig ang boses ni Ma'am Basco
"Bakante ko ngayon po ngayun ma'am kaya napag-isipan kong dumito muna" ano?! bakit naman nandito sya, my god kung kailan iniiwasan ko sya saka naman sumusulpot sa eksena.
"sige sir mauna na ako" nagtago ako sa ilalim ng counter para hindi nya ako makita.
naririnig kong malapit na sya dahil sa sapatos na naririnig ko.
BINABASA MO ANG
LUCKY SEVEN
FanfictionSa mundong ito madami tayong nakikilalang tao...Sabi nga nila sa milyong tao sa mundo isa dito ang mamahalin mo ng totoo. Paano kaya nila makikita ang taong mamahalin sila ng sobra?