MARY KATHLEEN POV
"Please maghintay nalang po kayo, nandyan na rin sila mamaya" kanina pa ako naghihintay dito, ang isang tulad ko ay hindi dapat na pinaghihintay. Sino ba sya para ganituhin ako.
"Sino ba yan at mas importante pa sa akin" ayoko nang nasasayang ang oras ko kapag nasa trabaho na ako, mahalaga ang bawat oras.
"Arrrghhh!!! kapag wala pa yang partner ko within 1 minute aalis na ako sa ayaw at sa gusto nyo" nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, dahil sa sobrang lakas, mas lalong ikinainit ito ng ulo ko.
"Huh?! ngayon papasok pasok ka dito nang walang pahintulot, ayoko nang naiistorbo ako!" napayuko nalang sya
"Nandyan na sila..." yan lang ang narinig ko sa bibig nya, walang sorry, walang kahit anong salita na lumabas sa bibig nya para mawala ang inis ko.
"Sino ba yan?!" inis akong lumabas
"pasensya na Miss kailangan nyong maghintay dito" aba ang kapal ng mukha nyang sabihin sa akin yan, ako?! ang pinaka sikat na model at artista sa buong mundo.
"Kailangan kong makita kung sino yang pinagkakaabalahan nyo at parang mas mahalaga pa sa akin"
"Pasensya na po..."
"Hindi ko matanggap na ginaganyan mo ako, ikaw ang pinaka---" may kamay na humawak sa balikat ko.
"Ano?!!!-" inilagay nya ang kamay sa bibig ko na mas ikinagulat ko. Ito ang pinaka ayoko ang basta nalang hawakan ang kung saan man sa parte ng mukha ko, ito ang pinaka precious sa lahat. Dito nababaliw lahat ng lalaki sa aking kagandahan.
"Masyado kang maingay para simulan ang trabaho" ahh...Sya na iyon, what?! walang panama sa akin ang isang 'to.
"Hoy Mr. Ang pinaka-ayaw ko yung hinahawakan ako ng ganito" nilagay ko ang kamay ko sa bibig para malaman nyang ayoko yung ginawa nya kanina.
"Ayoko din ng pinahihintay ako, hindi mo ba ako kilala ako ang---""Ikaw ang pinaka-maganda, magaling at sexy na model. Isa ka ding artista na hindi ko naman kilala. Ngayong nakita na kita, alam kong yung mga sinabi ng iba hindi naman tumutugma" tumawa ako, yung parang witch.
"Hoy! Sa oras na marealize mong ako talaga ang ini-idolo ng lahat, wag na wag kang magpapakita sa akin. Ayokong makita kahit na anino mo"
"Hindi mangyayari yang sinasabi mo dahil kahit saang lupalop ng mundo makikita mo ang kagwapuhan ko" natapos lang ang pagtatalo namin nang magsimula na kaming kuhanan ng picture.
Naka wedding attire kami ngayon at nagsisisi akong kinuha ko pa ang trabahong ito, hindi ko naman kasi alam na isa palang mayabang na lalaki ang makakatrabaho ko.
"Masyado kayong malayo sa isa't-isa" lalapit na sana ako pero nagulat ako nang hilain nya ang bewang ko at hinawakan ang mukha ko.
nilabag nya nanaman ang ayoko.
Kapag model ka alam kong hahawakan talaga ang mukha, pero dahil iba ako ayoko non!
Inilapit nya ang mukha sa akin at bumulong "Kinilig kaba?"
Hindi ako magpapatalo sayo.
Iniba ko naman ang pwesto namin at hinila ko ang neck tie nya, nilagay ko ang isa kong kamay sa balikat nya, nakatingin ako ng deretso sa mata nya. Inaakala kong magugulat sya sa ginawa ko pero sinakyan pa nya ang ginawa ko.
Hinapit nya ang bewang ko papalapit sa kanya sabay tingin sa labi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing ganyan sya sa harap ko. Naiinis ako sa ginagawa nya sa akin, pakirandam ko ako ang hindi professional sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
LUCKY SEVEN
FanfictionSa mundong ito madami tayong nakikilalang tao...Sabi nga nila sa milyong tao sa mundo isa dito ang mamahalin mo ng totoo. Paano kaya nila makikita ang taong mamahalin sila ng sobra?