Chapter 3: Walter
Hellaine pov,
DALAWANG araw na pala ang nakalipas.
Nakaharap ako sa salamin at kasalukuyang tinitignan ang aking sarili.
Maganda daw ako sabi ni lola at dapat hindi daw tinatakpan ang aking kanang mata.
Nakita niya na rin ilang beses ang pagbabago ng kulay ng aking mata ngunit hindi siya natatakot sa akin.
Sa halip ay ngingiti ito at yayakapin ako.
Saglit na panahon nga lang na nakasama ko si lola ngunit masaya naman dahil nakilala ko ang isang tulad niya.
*Tok *Tok *Tok
Agad akong pumunta sa kwarto at bumungad sa akin ang lola ni safarie.
"Bakit po?"
"Kumain kana hija at katatapos ko magluto." Ngumiti naman ako sa kanya at sinundan siya sala.
Nilagang baka.
Umupo na ako sa lamesa at nagsimulang kumain.
"Ano nga palang pangalan mo hija?" Tanong nito at bahagya pang binaba ang salamin.
"Hellaine Zone Xyori po."
"Ano ang kapangyarihang napunta sa iyo?"
Ngumiti ako sa kanya. "Galing po ako sa normal world, at wala po akong kapangyarihan na sinasabi niyo."
"Aba eh, mag-iingat ka hija. Mataas ang ihahatol sa iyo kapa nalaman nilang tagalabas ka." Wika niya saka tumayo. Dahan dahang ito naglakad sa pintuan.
Hindi rin ito tuwid maglakad dahil sa katandaan.
"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko at bahagya naman itong huminto sa tumingin sa akin.
"Pupuntahan ko si Safaria, dalawang araw na siyang hindi umuuwi at baka nasa Eskwelahan iyon." Wika nito at nangpalabas na ay hinawakan ko siya.
"Ako na po, magpahinga nalang po kayo." Wika ko at humarap sa pintuan.
"Baka mapahawak ka hija--"
"Hindi po, ako na po bahala." Wika ko saka kinuha ang itim na hoodie ko sa upuan at lumabas.
Nakikita ko lang sa kanya si lola at hindi ko maiwasan mag-alala. May katandaan na ito at iniiwan-iwan nalang ni safaria ang kanyang lola.
Tss.
Agad kong sinuot ang hoodie ko at tinaklob sa ulo ko.
Dare daretso akong maglakad at masasabi kong madaming tao dito sa bayan ng Clerion.
T-teka? Nasaan nga pala ang eskwelahan ng Clerion?
Agad kong nililibot ang paningin ko at nagsimulang maglakad.
Masyadong maraming nagkalat na mga tao at mga bata. Ang iba sa kanila ay makukulit at tumatakbo pa.
May nakita naman akong mga grupo ng mga lalaki at nakasuot ito ng itim at tinernuhan ng gintong kulay. Mukhang mga walter ito.
Agad akong nag-iba ng direksyon at lumapit sa isang babae.
"Hm, saan ang clerion academy dito?" Tumingin naman siya sa akin nang nagtataka at itinuro ang likod ko.
"Daretsuhin mo lang iyan at makikita mo na agad ang nagtataasang gintong pader, ayun iyon." Ngumiti ako sa kanya at pinuntahan ang tinuro niya.
Hindi naman mahirap hanapin ito dahil nakikita ko na agad ang gintong pader.
BINABASA MO ANG
Clerion Academy: The Eyepatch
Fantasy[ON-GOING] #310 Rank A MAGICAL SCHOOL She's Hellaine Zone Xyori. Yep, hindi niya alam kung ordinaryo siya. Isa siyang babaeng nag-aaral sa mundo. Ang tanging mali lang sa kanya ang laging pagtakip ng kanyang kanang mata at ayon lang ang nag-iisang...