Chapter 2

67 7 0
                                    

Chapter 2: The Hidden World.

W-What the hell!

WHERE the hell am I?

"Tignan mo nga safaria, kung gising na ang ating bisita." Wika ng babaeng may kantandaan na boses.

Nilibot ko ang aking tingin. Nasa isang bahay ako at hindi masyadong kalakihan.

Ang mga gamit ay mga luma na at mukhang inaalagaan ang mga ito.

Wala ba silang Ref? Tv? Washing machine? Electricfan?

"Oh, gising ka na pala. Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Isang babae ang pumasok na hindi lalayo sa edad ko.

Tinignan ko siya at tumawa naman siya.

"N-nasaan ako?" Tanong ko at ngumiti naman ito.

"Nasa bayan ka ng Clerion." Sagot nito na kinakunot ng noo ko.

Bayan ng clerion? Saan iyon? Saang lugar iyon? Bakit ngayon ko lang narinig iyon?

"Ang ganda naman ng mga mata mo. Bakit tinatakpan mo ang isa mong mata?" She asked.

"Mainit ba?"Dagdag na tanong nito at sa isang kumpas ng kamay niya ay biglang lumamig ang paligid.

Nanlaki ang mata ko saka ngumiti naman ito. "Wag kang matakot, hindi kami nananakit." Saka siya umupo sa upuan.

"Ako nga pala si Safaria Denson. Nag-aaral sa Clerion Academy. Ang kapangyarihan ko ay hangin. Ikaw? Anong kapangyarihan mo?" Tanong niya na ikinakunot lalo ng noo ko.

"Are you crazy? Are you in drugs?"

"Sorry haha, hindi ako nagdadrugs. Hindi rin ako baliw. Pero matanong nga? Saan ka nag-aaral at marunong ka nang mag-salitang Ingles? Saka anong pangalan mo?"

"Ang pangalan ko ay Hellaine Zone Xyori, and i don't care to you." Saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Bumungad sa akin ang maaliwalas na sala at sa inaasahan ay mga luma rin ang mga gamit dito at punong puno ng mga libro.

Nakita ko naman ang matandang babae na ngayon ay nakaupo sa kahoy na mesa at nagbabasa ng lumang libro.

Nang mapansin nito ang prisensya ko ay ngumiti ito.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo hija?" Tanong nito at bahagya pang binaba ang salamin.

Hindi ko siya pinansin at lumabas ng bahay.

Mga dikit dikit na bahay ang bumungad sa akin.

Mga batang naglalaro at madudungis ang mga suot at kamay.

At napatingin ako sa naglulutong ale na sa isang kumpas ng kamay ay nagkaroon ng apoy ang uling.

W-what the fvck.

W-Where the hell Am I!

Pansin din ang mga nagkalat na tindera at tindero na mabilis kumilos at parang hindi sila napapagod.

"Hey!" Napatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa akin. "Pumasok kana at kumain." Safaria said

Tahimik akong nagpatianod sa kanya papasok ng bahay, saka niya tinuro ang isang upuan kaya umupo ako rito.

Tumingin naman sa akin ang matanda at ngumiti ito saka pumasok sa isang kwarto.

"She's my grandmother." Wika ni safaria na ngayon ay naglalapag ng ulam at kanin sa harap ko.

Adobo? Menudo? Sinigang?

Mukhang normal naman ang mga ulam dito at sila lang talaga ang abnormal.

Clerion Academy: The EyepatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon