Chapter 9

50 6 0
                                    

Chapter 9: The Voice

Hellaine pov,

KASALUKUYANG bumababa sa hagdan si Izzy ng nakangiti.

Kinawayan namin siya at nag Thumbs-up.

Nangmakalapit siya agad siyang inakbayan ni Xen. "Bakit hindi mo man lang tinagalan, babes?"

Pilit tinatanggal ni Izzy ang pagkaakbay ni Xen. "Eh, kasi madaya maglaro ang isang iyon. Baka matalo pa ako."

"Next! Mr. Zenix Flatir and Mr. Woel Bana."

"Oh, ikaw na!" Tinulak naman ni Izzy si Xen at umakyat naman ito sa hagdan habang kumakaway sa amin.

Naging maingay ang crowded habang sinasigaw ang pangalan ni Xen.

"Senior din ba ng group b ang kalaban ni Xen?" Tanong ko at napatango naman sila.

"Si Calin din ay isang senior ng group b ang nakalaban kanina." Wika ni Eloiny habang nakayuko. "C-congrats nga pala." Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ni eloiny.

Hm, i smell something fishy.

"Sayang hindi ko napanood laban mo." Wika ko kaya ngumiti nalang ito.

Nabaling na ang tingin ko sa malaking screen ng natapos na ang tatlong segundo.

Umaandar narin ang numero sa kanilang likuran.

Nang matapos ito ay ngumisi naman si Xen bilang pang-asar sa kalaban.

Xennix - 999
Woel - 900

"Oh, sayang hindi umabot ng 1000." Sabi ko kaya natawa sila.

"Kaya naman namin umabot ng 1000, pero dahil kabilin-bilinan ay normal way muna."

"Woah! Ang galing! Ano kayang magiging number ko diyan kapag tumapak ako mamaya!" Wika ko habang nakatingin sa screen.

"I'II know, you will do it." Sabi naman ni Eloiny at binigyan ako ng thumbs-up.

Muli akong bumaling sa Screen at nakita ko namang nag yeyelo ang paa ni xen.

"Ice din ang mahika ng kalaban?"

"Yeah, parehas sila."

Napatingin naman ako sa mukha ni xen na ngumingisi ngisi pa.

Damn, hindi ba siya lalaban?

"Very good." Pagbati pa ni xen saka kinumpas ang kamay at saka nasira ang yelo sa paa niya.

Naglabas ng yelo sa kamay ng kalaban at ginawa niya itong pana.

Woah.

Pinatamaan niya ito ng pana. Ngunit agad ding nakaiwas si xen sabay ngisi.

"MILLION RAIN!"

Maraming lumabas na arrow na kumikislap papunta kay xen.

Kumumpas ng kamay si xen at saka nagkaroon siya ng harang na gawa sa yelo.

Tila naasar ang kalaban at may binulong sa kanyang pana.

Tinapat niya ito kay xen at saka mabilis na pinakawalan ito.

Sa sobrang bilis ay nadaplisan nito sa pisngi si Xen.

"Ow, tha'ts hurt." Wika nito saka pinahid ang sugat na nasa pisngi.

"Bakit hindi mo kasi iniwasan! Tanga!" Sigaw naman ni Izzy na halos marinig sa buong arena.

Humarap naman sa kanya si Xen at nag flying kiss.

Clerion Academy: The EyepatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon