KABANATA 102: Protective Brother

2K 71 5
                                    

"Baby, tara na. Alis na tayo dito." sabi ni Zxhe-Zxhe sabay hila sa bata paalis.

"Zxhe-Zxhe teka lang!" pagpigil ko kaso bumalik na siya sa pagiging brutal niya at ganun nalang kadali para sa kanyang tabigin ako.

Ngayon ay naiwan kaming dalawa dito ni Ayi na kapwa hinahatid ng tingin ang dalawa palayo. Gusto ko sanang humingi sa kanya ng tawad para sa nagawa ko kaso nakaalis na siya agad.

"Zxhe-Zxhe? So siya iyong ex mo, tama ba??"

dO___ob

Taena!

Hinarap ko siya kaso sobrang seryoso ng mukha niya. Lumapit ako sa kanya't hinawakan siya sa kamay kaso dali-dali niyang tinanggal iyon.

"Ayi, kung ano man iyong nakita mo--"

"Kung ano ang nakita ko ay iyon na iyon, Timothy." pagpuputol niya sa sinasabi ko at nagsisimula na akong kabahan pucha. "Nakita ko lang naman na hinalikan mo siya, iyon lang 'yun." walang emosyon pang dagdag niya dahilan para mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko.

"Ayi," mahinang sambit ko.

Napangisi siya at napatingin sa kung saan. "Gustong-gusto ko magalit Timothy, alam mo ba 'yun? Gustong-gusto ko magalit ngunit anong magagawa ko? Nakaraan mo iyon! Nakaraan na hanggang ngayon ay dala-dala mo pa rin! Ang akala mo ba hindi ko alam na mahal mo pa rin ang ex mo kahit na ginawa ko pa ang lahat? Iyon ang masakit Timothy e! Ako ang kasalukuyan at siya ang nakaraan. Nakaraan na pinakamatinding kalaban ng kasalukuyan!" matigas na sabi niya at ramdam na ramdam ko ang panggigigil. Hindi ko siya masisisi dahil gago akoe e! Bakit ko nga ba naman lase hinalikan si Zxhe-Zxhe? Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sa mismong harap pa ni Ayi at ang mas malupet may anak na iyong tao! Tangina Timothy umayos ka!

"Ayi, p-patawarin mo ako. Hindi ko s-sinasadya.." senserong sabi ko saka hawak sa kanyang mga palad.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ngunit ramdam ko don ang matinding inis at galit na nararamdaman niya para sa akin.

"Mahal mo naman ako diba?"

dO__ob

"Oo naman! Ano bang klaseng tanong 'yan??"

Napangiti naman siya at ngayon ay kita ko na ang maganda niyang mukha.

"Hindi mo naman ako iiwan diba kahit pa bumalik na siya?"

dO___ob

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Hindi mo naman ako iiwan diba kahit pa bumalik na siya?

Hindi mo naman ako iiwan diba kahit pa bumalik na siya?

Hindi mo naman ako iiwan diba kahit pa bumalik na siya?

Tila nagpang ulit-ulit sa akin ang sinabing iyon ni Ayi. Paano ko nga ba naman makakalimutan ang taong sobra kong minahal? Paano ko makakalimutan ang taong nagturo sa isang gago kung paano magmahal at mahalin? Paano ko makakalimutan iyong isang babae na sinamahan ako magbuo ng mundo kasama ang limbag na mga pangarap namin? Hindi siya mahirap kalimutan kahit pa sinaktan niya ako. Oo hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawala sa akin kahit pa nalaman kong may anak na siya.

"Timothy??" napatingin ako kay Ayi nang sabihin niya iyon. Naghihintay siya ng isasagot ko kaya naman hindi ko na pinatagal pa.

"Hindi kita iiwan, Ayi. Hindi kita iiwan sa ano mang dahilan at kahit saan pang paraan." sensero at seryosong sabi ko tapos ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

SHINEAPPLE [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon