KABANATA 114

1.2K 32 3
                                    

SPG!!

*AZI'S POV!*

Napakalalim na talaga ng gabi na ultimo itong mga kasama ko sa bar ay pawang nakatulog na dala sa kalasingan. Wala pa sila sa akin e. Ako itong may pusong nawasak pero ako pa 'tong mas matatag sa kanila. Pucha naman o, pero ang sakit talaga. Kanina ko pa napapansing parang may nakatingin sa amin--akin mula sa malayo ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi pa siya kumikilos lalo pa't ngayon na mag-isa nalang ako at may tama pa. Napakahina nila kung ganom dahil ako na nga itong mag-isa pero hindi pa rin sila makalapit. Puro sila mga walang kwenta, hindi ko naman sila papatulan e. Hahayaan kong bugbugin nila ako dahil panigurado wala nang mas sasakit pa sa ginawa sa akin ni Sunshine. Ginamit niya ang kahinaan ko para lang saktan ako ng matindi at sa paraang unti-unting nadudurog ang puso ko. Kahit lahat na ata ng inumin kong gamot ay hindi tatalab sa tindi ng iniwan niyang sugat.

She lost the moon while counting stars.

Hindi ko siya masisisi dahil sinaktan ko siya't iniwan ng walang paalam pero tama rin bang saktan niya ako? Alam ko wala akong karapatang magreklamo pero bakit ako nasasaktan kahit wala namang kami? Parang gago lang pero kase minahal ko na yung babaeng yun kahit pa muntik ko na siyang ma-rape dahil lang sa kagustuhan kong mapasakin lang siya at hindi na kay Miguel. Kung bakit ba naman kasi nakilala pa ni Yuki si Miguel, sana wala nalang siya para hindi ako nakaramdam ng matinding selos at sana hindi ko muntik magahasa si Yuki. Siguro nga karma ko na ang lahat ng ito at sa pangunguna iyon ni Sunshine. Karma na saktan niya ako sa paraang alam niya para lang makabawi sa lahat ng kasalanan ko. Sorry Sunshine.

Nagpunas ako ng luha ko saka ngumiti ng peke kaso kumirot na naman yung mabigat sa dibdib ko. Kung pwede ko lang dukutin iyong puso ko para hindi na ako masaktan ngayon ay ginawa ko na. Kung pwede lang patahanin 'tong nararamdaman ko ginawa ko na. Bakit ganun? Nagmahal lang naman ako. Bakit kapag nagmahal kailangan dapat pang masaktan?

Sumandal ako sa may couch saka napabuntong hininga. Ramdam na ramdam ko ang alak sa aking katawan dahilan para sumakit ang ulo ko. Gusto ko nang matulog dahil iyon nalang ang nakikita kong paraan para matanggal ng panandalian itong sakit na nararamdaman ko kaso bakit maging sa pagpikit, dinadalaw ako ng imahe ni Sunshine kasama ang boyfriend niya? Bakit ganito sobrang sakit. Anong laban ko sa taong yun? Ako nga hindi niya pinayagang manligaw sa kanya noon tapos ngayon may boyfriend na agad siya. Sobrang nakakaselos Sunshine kung alam mo lang pero kahit magpakamatay pa ata ako ngayon dito sa harap mo ay wala ka nang paki dahil masaya ka na sa bago mo. Matangkad rin siya at batay sa mga kinikilos niya handa ka niyang protektahan laban sa akin. Sobrang nakakaselos bakit ganito? Pumikit ako Sunshine kahit alam kong mas marami pang nakakahigit sayo. Pumikit ako para sayo, para hindi sila makita pero ikaw bakit hindi mo man lang ako hinintay? Napakadaya mo naman e.

Lumuha lang ako ng lumuha hanggang sa maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nanlalabo ang mga mata ko dala na rin ang hilo kaya nang naimulat ko ito ay hindi ko siya maaninag.

"Azi, nandito lang ako. Hindi kita iiwan kahit pa pinagpalit ka ni Sunshine--"

"Sunshine?" pagputol ko.

Nandito si Sunshine? Alam kong lasing ako pero sabi niya siya si Sunshine.

*SAMANTHA LANDE'S POV!*

Pagkabigkas niyon ni Azi ay napalunok ako ng paulit-ulit. Ramdam kong lasing na siya batay sa kanyang nga kinikilos at mapupungay na mata at isa pa napakarami na niyang ininom. Aaminin ko sobrang mahal ko pa rin si Azi kaya to think na nagawa siyang lokohin at ipagpalit ni Sunshine ay hindi katanggap-tanggap. Binabasura niya ang lalaking pinapangarap ko. Ipinaraya ko sa kanya noon si Azi pero anong ginawa niya naglandi siya! Dapat pala ipinaglaban ko nalang noon si Azi para hindi ko nakikitang nasasaktan siya ng ganito dahil sa babaeng yun. Gigil na gigil ako sa kanya to the point na bakit si Sunshine pa ang minahal ni Azi? Bakit hindi nalang ako? Ya, Flirty ako sometimes pero the fact na si Azi lang talaga ang gusto ko. I knew it na hindi ako magagawang mahalin ni Azi dahil nariyan si Sunshine pero sinubukan ko pa rin and the same time nakipag-flirt ako. Nakikipagflirt ako pero damn it si Azi lang talaga ang gusto ko at wala nang iba kaya how come na sasaktan lang siya ni Sunshine? She's son of a bitch! Ngayon ay hindi na ako makakapayag na saktan niya ulit si Azi, ako na ang bahala kay Azi at hindi ko hahayaang mapalapit ulit siya rito. Handa akong masaktan para lang kay Azi, 'wag lang siya. Hindi ko na hahayaang lumuha pa ang mga magagandang mata ni Azi sa walang kakwenta-kwentang tao lalo na kay Sunshine. Ipapakita ko kung ano at sino ang sinayang niya na kailanma'y hindi na niya makukuha pa. Magsisisi ka Sunshine dahil hinding-hindi ko na bibitawan si Azi, hinding-hindi ko na hahayaang masaktan ulit siya sayo. Ikaw ang pangarap ng lalaking pangarap ko tapos gagaguhin mo lang? How dare you! Sa nakikita ko ngayon palang ay gustong-gusto ko na agad bombahin ang pagmumukha mo nang sa gayon ay mamatay kana at mabawasan na ang pabigat sa buhay ni Azi. Hindi ko alam kung bakit nagagawa mo pang saktan iyong lalaking pinapangarap ng lahat, iyong lalaking gustong-gustong makita, mahawakan, madikitan, matitigan at mahalin ng mga babae. Ang tanga-tanga mo! Sobra kang tanga dahil hawak mo na nga ang ginto naghanap ka pa ng bato. Huwag na wag ka lang iiyak at magmamakaawa sa harap niya dahil ako mismo sasampal sayo hanggang sa marealize mo na ang tanga-tanga mo. Gagawin ko ang lahat para sa akin nalang ibaling ni Azi ang pagmamahal niya sayo.

SHINEAPPLE [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon