❝ c h a p t e r : 6 ❞

2K 64 0
                                    

- Drunk -

• Kaori pov's •

Simula nung nangyari ang paguusap namin ni linus, hindi na kami nag papansinan. Pag lumalabas ako ng kwarto ko gankn din ang pagpasok nya at padabog na isinasara ang pinto.

Ano ba naman ang pakealam ko sa isang demonyong mamatay taong kagaya nya diba?

" Pst oi " napadapo ang tingin ko sa likuran ko at nakita ko si leo may dalang. Teka beer? 

Nandito kasi ako ngayon sa may likuran ng bahay, nagtatampisaw sa swimming pool habang nakaupo. Hindi ko akalain na matutonton nya ako dito?

" Bat ikaw lang mag isa dito? May problema ka nanaman ba? " tanong nya habang nakangiti sakin, napailing nalang ang ulo ko bilang sagot. 

" Oh gusto mo? " tanong nya habang inaalok sakin ang isang bote ng beer. Ewan ko pero ibang klaseng beer yata to? Buong buhay ko wine palang ang naiinom ko dahil pinagbabawalan ako ni daddy na uminom this kind of alcohol.

" N-no thanks " sagot ko dito pero umusog lang ito papalapit sakin.

" Ano kaba naman step sister, uminom kana " 

" Isa lang ha " sagot ko dito bago ikinuha ang bote, napalunok muna ako ng isang beses bago laklakin ang bote habang nakapikit.

" Wooooh! Peste ampait ! " sigaw ko habang nanggigigil. Nakita ko naman ang gulat na gulat na mukha nya habang tinititigan ako 

Ummm teka ? May nagawa ba ako?

" Umm leo, may dumi ba sa mukha ko? " tanong ko dito.

" Bat mo nilaklak lahat?!?!?! Malakas ang tama nyan ! Binigay ko lang sayo ang bote at kukuha sana ng pang shot pero tangina nilaklak mo at inubos lahat?!?! " pasigaw nyang tanong 

" Aba aba, hindi ko kasalanan yon ha. Dapat nung una palang pagbigay mo sakin sinabihan mo na ako para hindi ko nilaklak, alam mo namang first time ko uminom ng ganito, malay ko ba na kailangan pa ng shot yan " sagot ko dito habang sya ay ginugulo ang kanyang buhok.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagiinit sa tiyan at kalamnan ko. Wooh ang init na

" Hoy leo, b-bat mainit ang pakiramdam ko ha? " tanong ko dito sabay hampas. Tumawa lang ito sa akin pero hindi manlang pinansin ang tanong ko.

Nakita ko pa ang isang bote na nasa gilid nya at kukunin ko na sana ng bigla nya namang inilayo ito sakin.

" Tama na kaori! Lasing na lasing kana ngayon dahil sa ginawa mo. Ayan wala pang isang minuto namumula na ang mukha mo. " natatawang saad nya bago nya binuksan ang isang bote at saktong naagaw ko yun.

" Kaori !!! " sigaw nya kasabay non ang paglaklak ko ng beer. Wooooh ansarap na ! Masarap pala to kahit medyong mapait e. Lasang mansanas na ewan?!?!

" Give me that ! " sigaw nya at biglang hinablot ang bote sakin habang may laman pa. Bastos nito

" Akin na yan ! " pag sisigawan ko dito at kaagad na sinubukang abotin ang bote habang sya naman ay pinipigilan tong noo ko para hindi kaabot tong beer.

Those Four Possessive Badboys are my StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon