❝ c h a p t e r : 5 ❞

2.6K 66 1
                                    

- Batanggas -

• Liam pov's • 

Tumutugtog ako ngayon ng gitara ng biglang may kumatok sa pintoan ko.

" Liam? " kaagad naman ako tumigil at tumungo kaagad sa pintoan, kaagad kong nakita si kuya luke. Halatang nag alala ito.

" Oh? Bakit? May nangyari ba? " tanong ko dito.

" Nawawala si kaori " pagkasabi nyang yun ay kaagad ako nakaramdam ng kakaiba.

" Si tanda, dumating naba? " tanong ko dito pero umiling lang ito.

" Mga gago, baka ano na ang nangyari sa babaeng yun. Hindi natin alam tumakas na pala yun. " sagot naman ni leo.

" We cannot blame her leo, i think naglayas sya dahil sa mga pinang gagawa ni tanda sakanya. " sambit naman ni luke.

" Hindi nyo pa ba nahalata? Wala pa si tanda hanggang ngayon ganon din si kaori. I think magkasama sila ngayon at.... Shit " mura ko at kaagad kinuha ang susi ng motor ko at tumakbo kaagad palabas.

" Hoy! Liam ! Saan ka pupunta?! " sabay habol nila luke at leo.

" Hahanapin. Hahanapin silang dalawa " sambit ko at kaagad ko nang isinuot ang helmet bago na pinaandar ang motor ko at mabilis nang umalis.

Baka ano na ang ginawa ni kuya tanda sakanya. Nag alala na ako

• Kaori pov's • 

Nakatulala lang ako dito sa kwarto nya habang nakahiga parin, habang ang demonyo nasa ibaba. Ni ayaw nya akong palabasin dito sa kwarto nya, ayaw nya ring tumayo ako. Ano ba akala nya sakin? Na comatose? 

" Goodmorning ija " kaagad ako tumungo sa pintoan at nakita ko ang isang matanda na nasa edad na 40+ sya siguro ang sinasabi ni linus na maid nya, at ang pumalit sa damit ko.

" Magandang araw din po manang " bati ko dito at kaagad akong umupo.

" Mabuti naba ang kalagayan mo ija? " tanong nya na ikinangiti ko naman at kaagad nang tumango.

" Opo manang, btw ikaw po ba ang nagpalit ng damit ko kagabi? " tanong ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin bago sagotin ang tanong ko.

" Oo ija. Kung tutuusin nga ang ganda ng katawan mo. Parang katawan ko lang noong ako'y dalaga pa " kwento nya na ikina pula ng pisngi ko. Nako si manang maganda talaga mambola no. Pero nakakahiya lang, dahil never ko pa ipinakita ang katawan ko pwera sa mommy ko na yumaon na.

" Hahahaha si manang talaga palabiro. " 

" Nagulat nga ako ng sobra, hindi ko akalain na may dadalhing babae dito si sir, simula noong bata palang sya hindi yan mahilig sa mga babae. Lalong lalo na sa mommy nya " kwento ni manang sakin habang ako ay nakikinig lang.

" Ang batang yan ay sobrang mabait, kaso nag iba lang ang ugali nyan ng biglang iniwan ni senyorita veronica ang asawa nya dahil palagi itong sinasaktan ni senyorito dolvido, kaya simula noong bata pa si sir linus naging iba ang pakikipag tungo nya samin, pero kahit na ganyan sya nagawa parin nyang respetohin kami bilang isang pamilya nya na rin. " 

Sa kinwento ni manang ngayon parang ayaw kong maniwala, ganon ba talaga si linus? Parang imposible naman na mangyari ang lahat ng kinikwento ni manang sakin.

" Maiba po muna tayo, ka ano ano ka po ba ni sir? " tanong nya na ikina tigil ko.

Anong isasagot ko? 

Those Four Possessive Badboys are my StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon