Chapter 6

1.2K 46 3
                                    

Genesis

Pagdating ng umaga ay agad akong bumangon. Mag-isa na lamang ako sa kwarto at mukhang umalis na ang lalaking yun. Inis talaga ako pag naiisip kong tumatabi siya sakin. Pero di ko maiwasan na makaramdam ng kilig dahil duh ang gwapo niya.

Napailing ako sa naisip ko. At tuluyan ng tumayo paalis sa kama.

"Kelangan ka pa na attract sa lalake gen. Eh araw-araw ka nga nakakakita ng half naked na lalaki dahil sa pictorials." Bulong ko sa sarili ko. Bwiset! Mababaliw na ko.

Ah basta! Napabuga ako ng hangin dahil naisip ko nanaman ang pakiramdam na sa kanya ko lang naramdaman. Kapag nandyan siya sa malapit parang ligtas ako lagi. Kahit pa mukha siyang masungit at laging magkasalubong ang kilay niya.

Napukaw lang ang atensyon ko ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang maliit na babae. Nakasuot siya ng cute na maid uniform. Parang sa anime. Mukhang mga nasa 14 pababa siguro siya

"Ah eh. Goodmorning Luna. Oras na po ng pagkain kaya bumaba na po kayo."bati niya sakin. Ayan nanaman sa pagtawag sakin ng 'Luna'. Ngumiti siya kaya't lumabas ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi kaya napangiti din ako at pinisil ang pisngi niya. Mukha siyang nagulat sa inakto ko at yumuko na parang nahihiya.

"Hello goodmorning din. Ako si genesis. Gen nalang. Ang cute mo naman! Anong pangalan mo at ilang taon ka na?"magiliw kong tanong. Tumikhim muna siya bago sumagot.

"Ako po si alice. At 13 years old palang po ako luna. Naninilbihan po ako sa palasyo pati ang pamilya ko."aniya.

"Ang sipag mo naman pala alice. Ate Gen nalang ang itawag mo sakin ha? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit 'luna' ang tawag niyo sakin. Hindi ko naman kamag-anak si pauleen luna."saad ko. Napahagikgik siya sa sinabi ko.

"Kayo talaga luna. Nakakatawa po kayo. Maswerte ang alpha sa inyo."sambit niya. Napakunot noo naman ako.

"Hah? Anong alpha?" Tanong ko. Natigilan naman siya at napaiwas ng tingin.

"Ah.. Eh."magsasalita na sana siya ng may tumawag sa kanya at sabay kaming napalingon. Isang may katandaang babae ang lumapit sami ni alice at mabilis siya hinila palayo.

"Paumanhin po luna. Hindi po sinasadya ni alice na makipagkwentuhan sayo."paghingi niya ng pasensya at yumuko.

"Hindi ayos lang. Ako nga po pala si genesis. Hindi po luna ang pangalan ko. Saka wala naman pong problema kung makipag usap sakin si alice."ani ko. Tila nagulat naman siya sa sinabi ko at napasinghap.

"Isa kang tao?"mahinang saad niya. Hindi ko alam kung patanong ba yun o hindi.

"Mukha po ba akong alien sa paningin niyo? aling??"tanong ko sa kanya kaya napahagikhik ulit si alice. Kinurot naman niya si alice kaya napatigil ito.

"Criselda. Ako si Criselda luna. Ang ina ni alice."pagpapakilaka niya. Tumango ako at ngumiti.

"Kayo po pala ang mama ni alice. Nabanggit niya po sakin kanina. Saka bakit po pala niyo natanong kung tao ba ko?"tanong ko ulit. Sasagot na sana siya ng isang tinig ang umalingawngaw sa paligid. Biglang nabuhay ang mga paru paro sa tyan ko at tila alam nila kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon.

"Anong nangyayari dito?"saad ng isang baritonong tinig.

"Magandang umaga alpha"sabay na bumati at yumuko ang mag-ina.

"Ako na ang bahala dito. Bumalik na kayo sa inyong mga trabaho."utos niya. Agad namang tumalima ang dalawa at naglakad na papalayo. Kumaway naman ako kay alice at ngumiti ganun din ang ginawa niya. Pero binaba ni aling criselda ang kamay niya at hinatak na si alice.

Bumalik ang tingin ko sa lalaking kaharap ko at nakitang nakatitig ito sakin. Napatikhim ako. Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha ko.

"What?"saad ko. At tinaasan siya ng kilay. Nanatili naman siyang nakatitig. Umiwas naman ako ng tingin at pinaglaruan ang daliri ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. Tumingin naman ulit ako sa kanya at umiling. Napabuntong hininga siya at kinuha ang isang kamay ako at marahan akong hinila para maglakad. Agad naman akong napabitaw ng maramdaman ko muli ang kuryenteng dumaloy sa magkahawak naming kamay. Napahinto siya at tumingin sakin.

"Ahh. Mauna ka nalang susunod ko."saad ko at napakagat labi. Napatingin siya sa labi ko at bahagyang tumikhim.

"Kung ganon tara na. Baka malipasan ka ng gutom."saad niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Nakasunod lamang ako sa kanya at panay ang sulyap ko sa likod niya habang naglalakad. Agad kong napansin ang gandang lalaki niya. Yung malapad niyang likod, malalaking braso na namumutok sa muscle. Mukhang palaban. Likod palang ulam na. Pano pa kaya kapag humarap na siya. Humagikgik ako sa isipan ko. 

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla akong sumubsob sa likod niya.  Mas higit na matangkad siya sakin kaya yung mukha ko nasa ilalim ng batok niya. Umatras ako at hinimas yung ilong ko. Ang sakit. Para namang nagulat siya at humarap sakin.

"Nasaktan ka ba?"hinawakan niya ang kamay ko at inalis para suriin ang ilong kong nasaktan.

"Bakit ka ba kasi huminto? Ayan tuloy tumama yung mukha ko sa likod mo!"pagmamaktol ko.

"Kanina pa ko tumigil sa paglalakad. Nais ko sanang sabihin na narito na tayo sa hapag kainan pero bigla kang bumunggo sa likod ko."saad niya.

Nawalan naman ako ng isasagot ng maalala ko na kaya pala di ko napansin na huminto siya ay kanina ko pa tinititigan ang sexy back niya. In short mukhang pinagnanasaan ko siya!

"Che!" Bulyaw ko sabay irap sa kanya at naunang maglakad. Narinig ko ang tawa niya kaya naman napanguso ako ng uminit ang pisngi ko at naramdaman ko nanaman ang abnormal na mga paru-paro sa tyan ko. Ay mali! Buong zoo na pala dahil pati puso ko kumakalampag eh.

My goodness! Ano bang nangyayari saakin?!


Alpha Series: I'm yours baby (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon