Chapter4

1.3K 44 1
                                    

Dahan dahan akong nagmulat ng mata ko saka nilibot ang paningin sa kinaroroonan ko.

Nasan ako?

Kumunot ang noo ko sabay napakamot sa ilong ko. Napaaray ako ng matinding sakit ang naramdaman ko at bumalik sa alaala ko yung nangyari sakin kanina. Nahilot ko ang sintido ko dahil sumasakit ito. Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang lalaking may katandaan na pero gwapo siya. Siguro nasa mga early 50's siya. Kasunod niya ang isang maliit na babae, assistant nurse niya siguro

"Magandang umaga sayo Luna. Kamusta ang pakiramdam mo?"pambungad niyang tanong sakin. Lumakad ito palapit sakin at inayos ang swero sa kamay ko. Di ko napansin na meron pala ako. Inabutan niya din ako ng tubig na maiinom.

"Masakit po ang ulo ko. Lalo na yung ilong ko. Aksidente ko pong nakamot dahil manerism ko rin po."sambit ko pagtapos kong mainom ang tubig na inabot niya.

"Masakit talaga yan dahil yan ang tumama sa sanga na nabunggo mo. Wala na bang ibang masakit sayo? Tiyak na mag-aalala lalo si aidan."sagot niya. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka kung sino si aida pero pinagsawalang bahala ko nalang.

"Kelan po ba ako makakauwi? Dapat po talaga kasi uuwi na ko kanina pero hinabol po ko ng maraming kasamahan nung lalaking matangkad na mukhang model." tanong ko.

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. Magsasalita na sana ako pero pabalibag na bumukas ang pintuan at pumasok ang isang taong kinaiinisan ko na ngayon.

"Alpha aidan " sambit ng doctor at medyo yumuko pa ito. Di niya pinansin ang pagbati ng doctor at tuloy tuloy ang lakad niya patungo sa direksyon ko.

Aidan pala ang pangalan niya.

Huminto siya sa harapan ng kinauupuan kong hospital bed at tumitig sa mukha ko. Tumaas ang kanang palad niya at humaplos yun sa kaliwang pisngi ko. Bumaba konti ang mukha niya para mas titigan pa kong mabuti at medyo kumunot ang noo habang nililibot ang paningin sa buong mukha ko.

"Okay na ba yung ilong mo?" Tanong niya sa mahinang boses. Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto na baka yung benda sa ilong ko ang tinititigan niya. Nag-init ang buong mukha ko at tinakpan ng dalawang kamay ang bandang ilong ko.

Napatawa siya ng mahina sa kinilos ko at marahang binaba ang kamay ko. Nainis naman ako sa ginawa niya mukhang pinagtatawanan pa niya yung benda sa ilong ko.

"Anuba! Nakakainis ka! Wag mo nga akong tinatawanan." Sabay hampas ko sa dibdib niya pero mukhang di manlang tumalab at ako pa ang nasaktan sa tigas ng dibdib niya.

"Hindi kita tinatawanan. Dont hide yourself to me love." Sabay niyang binaba yung dalawang kamay ko at di niya binitawan.

Napakagat-labi naman ako sa lambing ng boses na lumabas sa bibig niya. Taena halatang alam kung pano magpaamo.

"Dont bite your lips.. Its tempting me." Sambit niya sa matigas na boses kaya napasinghap ako. Napatingin ako sa likuran niya at nakitang nakangisi na ang mga kasama niyang pumasok dito.

Napalunok ako ng bumalik ang tingin ko sa kanya. Ang lalim niyang tumingin na tila inaarok ang buong pagkatao ko. Napaiwas ako ng tingin para iwasan ang tingin niyang yun.

"Sino nagdala sakin dito? Saka yung mga humahabol sakin kanina?"nagtataka kong tanong. Tumingin ako muli kay aidan at napansin na sakin parin ang tingin niya kaya tumikhim ako.

"Tatlong araw ka ng tulog luna. Dahil yun sa anesthesia na nilagay namin sayo. Kaya hindi mo masyado mararamdaman ang sakit pero pag nawala ang bisa asahan mo sasakit yan."sambit ng doctor na nasa gilid ng pinto. "Sige mauuna na ko." Paalam nito at lumabas na ito kasama ang assistant nurse niya.

Ako naman naiwang nakanganga dahil sa sinabi niyang tatlong araw na  kong tulog. Bumalik lang ako sa wisyo ng tumikhim si aidan.

"Halika uuwi na tayo sa bahay kelangan mong kumain."yaya nito sakin at binuhat akong parang bagong kasal. Nabigla naman ako kaya napakapit ako sa leeg niya.

Mabilis naming narating ang malaking bahay at heto kami ngayong dalawa sa harap ng hapagkainan kasabay ang mga ibang kasama niya na nagsisimula ng kumain.

Nag-init ang mukha ko ng itutok niya sa bibig ko ang kutsara at susubuan ako. Wala sa isip na napakagat labi ako at tumingin sa mga kasama naming kumakain. Ang mga lalaki ay nangingiti at ang ilang kababaihan na tila kinikilig. Bumalik lang ang tingin ko sa kanya ng pisilin niya ang kamay kong hawak niya.

Muli niyang iniumang ang kutsara sa bibig ko para subuan ako. Tumikhim muna ako bago binuka ang bibig at sinubo ang kutsara na may pagkain.

"Kaya ko naman.."bulong ko sa kanya sa mahinang boses pero di niya ko pinakinggan at pinagpatuloy ang paglagay ng pagkain plato para isubo sakin. Isa lang ang ginamit naming plato at kutsara. Parang indirect kiss.
Namula ako sa naisip.

"Youre blushing..why?"tumingin ako sa kanya at nakitang titig na titig siya sakin.

"W-wala.."nauutal na sabi ko. Pano ba naman kasi ang lapit niya sakin. Muli niyang kong sinubuan at wala na kong nagawa kundi kainin dahil hindi rin naman siya nakikinig sakin.

"B-busog na ko.."bulong ko sa tenga niya dahil balak niya yata ipakain lahat yung nasa plato. Bigla naman siyang lumingon kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Halos gahibla nalang ang pagitan ng mukha namin at halos hindi na ko makahinga ng maayos dahil kumakabog ang dibdib ko.

Tumango naman siya at binigyan ako ng isang basong tubig. Agad ko itong ininom at nagpasalamat.

"Come on. Lets go upstairs we have to talk about something." Sabi niya habang nagpupunas ng bibig. Agad naman itong napatingin sa labi niya ng humarap siya sakin. Daig pa ata ang babae sa sobrang pula nito.

Isang tikhim ang pumukaw sa atensyon ko at bumalik ang tingin ko sa kanya. Namula naman ako dahil nakangisi na siya. Nahuli yata ako.
Nag-iwas ako ng tingin at tumayo na. Nagpaalam muna siya sa mga kasamahan niya saka ako hinawakan sa kamay at hinatak pataas sa hagdan.

Nakarating kami sa isang malawak na kwartong nagsisilbing office niya. Nagtataasang bookshelves ang nakita ko at natuwa ako dahil mahilig ako sa libro. May isang malaking lamesa sa gitna at mga upuan na nakapalibot dito.

"Do you like it?" Tanong niya mula sa likod ko. Napatingin naman ako sa kanya na pinapanood ang bawat kilos ko.

"O-oo naman ang ganda kaya dito."nauutal kong sagot. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil kapag tumitingin siya sakin ay kinakabahan ako.

"Ano nga pala ang paguusapan natin?"tanong ko habang naglalakad palapit sa lamesa. Nakita ko sa peripheral view ko na sumusunod siya sakin.

Hindi siya sumagot agad kaya tumingin ako sa kanya at nakita ang matiim niyang titig sakin.

"Paguusapan natin ang pagtira mo dito"

©PineappleChunkiness

Alpha Series: I'm yours baby (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon