Chapter 2

1.4K 45 1
                                    

Genesis Devin

Gaano na ba kami katagal naglalakad?

Di ko na matandaan dahil buhat pa rin niya ko na parang sako ng bigas.
At nahihilo na rin ako dahil nakabaliktad ang ulo ko.

Ugh! Pumipikit pikit na yung mata ko. Tapos feeling ko nasusuka pa ko.

At dahil nahihilo na ko pumikit ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan  ako sa malamig na hanging dumadapo sa balat ko. Nakauwi na pala ko? Teka? Yung nangyari kanina panaginip ba yun?

Tatayo na sana ako ng maramdamang may nakapatong na mabigat sa beywang ko. Dahil dun nagising ang diwa ko at nilibot ang tingin sa kwartong kinaroroonan ko. Hindi ito yung cabin na tinutuluyan ko! Kahoy yun eh! Malamang! Eh puro gawa sa semento ito!

Napanganga ako ng makita ang kabuuan ng kwarto. Ang ganda mamsh. Halatadong pang mayaman. Ganito yung dream ko na masters bedroom.

"Hmm.." Natigilan ako ng nakarinig ng ingay sa tabi ko. At napasinghap ng mapagtanto kung sino.

Yung lalaki kanina?!

Totoo siya?!

Shet. Magkatabi kami sa kama.

"Ah!!!!" Sinipa sipa ko yung paa ko sa kama at pati ata yung katabi ko nasipa ko kasi may gumalabog.

"Shit! Nasan ang kalaban?!" Bigla siyang napatayo at nag fight stance. Napatingin ako sa itsura niya. Nakaboxers lang. Napanganga ako at  kinagat ang kamay ko.

Bumaling ang tingin niya sakin at kumunot ang noo niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? sama ng tingin niya sakin. Napakagat labi naman ako dahil di ko alam ang isasagot. Sinundan naman niya ng tingin yung labi ko at napansin kong napalunok siya dahil gumalaw ang adams apple niya.

Naalala ko nga pala kung bakit ako nandito.

"Bakit di mo ko ginising? Saka bakit tayo magkatabi sa kama?!" Hysterical kong tanong. Napangiwi naman siya sa lakas ng bosses ko.

Tinanggal ko ang pagkakabalot ng kumot sakin at tumayo.

"Kelangan ko ng umuwi. Yung mga gamit ko baka nanakaw na." pinagpag ko yung damit ko at naglakad para lumabas ng kwartong iyon. Ngunit di ko pa man naaabot ang sedura ay hinablot niya ang braso ko at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Hindi ka aalis. Dito ka lang sa tabi ko." Nanindig naman ang balahibo ko sa batok dahil sa boses niyang tila inaakit ako. Hindi maganda to.

Hindi dapat ako maattract sa kanya. He's my abductor duh. Dinala niya ko sa bahay niya ng walang pahintulot. Considered as kidnapping na yun.

"Aalis ako sa ayaw at gusto mo! At isa pa hindi naman kita kilala ah? Pwede pa kitang kasuhan ng kidnapping dahil sa pagkuha mo sakin ng labag sa loob ko." tila may dumaang sakit sa mga mata niya dahil sa binitawan kong salita. Para tuloy akong nakonsensya.

Hindi Genesis. Hindi ka dapat makunsensya. Malay mo ba kung anong susunod na mangyari sayo dito sa.lugar na to?

Tama. Hindi dapat ako magpapatalo. Para saan pa't pinanganak akong matigas ang ulo.

Baka mamaya sindikato pala sila ng mga nagbebenta ng laman-loob. Kinilabutan naman ako sa naisip.

"Basta. Hindi ka aalis. Walang aalis. Tapos" sabay naglakad siya palabas ng kwarto. Napaikot naman ako ng mata.

Ay iba din. Walk out king. Diba dapat ako ang nagwawalk out? Parang baliktad? Napabuga nalang ako ng hangin.

Tinitigan ko ulit yung kamang hinigaan namin kanina. Ipagpapabukas ko nalang ang pagbalik o kaya maagang maaga para di niya ko maabutan. Napahikab naman ako at talagang antok pa ko. Nakakasira pa naman ng araw kapag kulang ka sa tulog. Kaloka masakit sa ulo.

Naglakad ako pabalik sa kama at nagtaklob ng kumot.

Baka mamaya pag nagising ako katabi ko nanaman siya. At baka di lang sipa ang magawa ko.

Napatingin ako sa kisame at napansin ang mga stickers na glow in the dark. Ayos ah kung tititigan mo mabuti yung may ari ng kwarto parang wala sa itsura niya yung mahilig sa ganito abubot. Ilang beses ko pang tinitigan ang pintuan hanggang sa hilain na ko ng antok.




°°°°°°°°°°°
sa tingin ko istop ko muna to. Bukod sa wala pa ko maisip medyo busy sa school eh.

Alpha Series: I'm yours baby (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon