Everest Valley
Di pa rin talaga ako makapaniwala.
Isang cabin in the wood ang accomodation na nakuha ko. Pakiramdam ko nasa movie ako ng twilight.
Nandito pa rin ako sa labas ng bahay at nililibot ang paningin ko sa paligid.
"Sheeeeet! Ang lupet!" Impit kong tili.
Kinapa ko ang susi sa bulsa ko at agad na binuksan ang front door. Tumambad sakin ang maganda interior design ng bahay. Instagram worthy!
Well dahil sa likas na mahilig ako magupload?
Ya know the drill *winks*
Magsisimula na sana akong mag-upload ng maalala ko walang wifi dito at kelangan kong tawagan ang traveling agency na nakarating na ko.
Pero kung walang wifi wala ding signal. Badtrip naman men.Lumabas muna ako ng cabin at nagpasiyang maglakad lakad muna para makasagap ng signal.
"Grabe ano bang klaseng lugar to? Wala bang technology dito?" Tanong ko sa sarili.
Naglalakad lakad pa ko papunta sa likod ng bahay papunta sa gitna ng kakahuyan. Baka sakaling sa dulo ay may bangin. Maganda kumuha ng litrato. Habang naglalakad ay kumuha ako ng malilit na bato para palatandaan pagpabalik na ko.
Sa sobrang busy ko kakahanap ng signal at paglalagay ng palatandaan ay di ko napansin na napapalayo na ko masyado at mukhang walang bangin dito na may tubig sa baba.
Nakarinig ako ng mga yabag malapit sa kinaroroonan ko. Hala! Baka may black bear dito.
'Wag naman po sana' piping dasal ko.
Pero mas lalo akong kinabahan ng makaaninang ng maraming tao. Mukha silang nagbabantay.
Pero ang mas matindi mga hubadbaro sila!! Heck! Mga shirtless! Nakalabas ang abs. Nagpuputukan eh. Tapos mga gwapo pa?! Jusko.
"Lord ilayo mo po ako sa temptation?"bulong ko sa sarili.
Nagtago ako sa isang puno at pinanood sila. May ibang naguusap at yung iba nagiikot. Nahinto ang isang lalaki malapit sakin. Sumisinghot pa siya. Ay ano ba to parang aso? Turn off!
Napatingin ito sa gawi ko at agad naman akong nagtago. Ay shet baka akala nila sinisilipan ko sila!! Konti lang naman.
"Rogue!" Narining kong sigaw ng nakakita sakin. Oh hell no!
Nang oras na yun ay sing bilis ng cheeta ata ang takbo ko. Nakakita ako ng isang napakalaking puno at nagtago doon. Hingal akong napasandal sa katawan ng puno. Buti nalang medyo paloob to. Pero nakarinig ako ng mga yabag papunta sa pinagtataguan ko.
"Lumabas ka dyan! Mahuhuli ka rin namin! You rogue!" sigaw ng isa sa kanila. Mukhang marami ang humahabol sakin ah. Iisipin kong ang haba ng hair ko kung normal na sitwasyon lang to.
Napansin kong may isang lalaki ang naglalakad sa gilid ng puno. Isang maling galaw ko lang maaari ako makita. Sa sobrang dikit ko sa puno kita na double chin ko nito. Iikot sana ako sa mas tagong part ng puno ng biglang tumunog yung cellphone ko sa bulsa.
Bad trip!!! ba't ko ba nakalimutan na may phone pala ako. At nagriring pa kung kelan nasa gitna ng crisis. Kinapa ko ito sa bulsa at pinindot ang silent button sa gilid. Napahinga ako ng malalim at napaupo unti unti sa lupa habang hawak ang dibdib kong hingal na hingal.
Napapikit ako sa inaakalang ligtas na ko pero yun lang. Narinig ko may mga hakbang na huminto sa harap ko. Unti- unti kong inangat ang mukha ko at nakita ang madilim nilang anyo.
Oh well I'm in trouble.
"Akala mo ba hindi ka namin maririnig? Next time turn off your phone rogue." nakataas kilay nitong sabi habang pinasadaan ako ng tingin. Kanina ko pa naririnig yung rogue na yan eh. Ako ba yung tinutukoy nila?
"Sino ba yang rogue na yan? Di naman rogue palangalan ko! At saka bakit niyo ba ko hinahabol? Wala akong ginagawang masama!"paliwanag ko.
Tumingin naman ang lalaki sa gilid niya at tinanguan ang isa at tinanguan ito. "Sige itali siya" Lumapit sakin yung lalaki at tinali ako sa puno.
"H-hoy!! Ano to ha! Bakit mo ko tinatali?! Pakawalan niyo ko! Wala naman akong ginawang masama! Naligaw lang ako no!" Pumapalag ako habang nagsisisigaw. Ngunit tinalikuran lang nila ako.
"Papunta na ang beta at alpha maghanda kayo"Sabi muli ng lalaki sa mga kasamahan niya. Naiinis naman ako sa kinalalagyan ko ngayon. Kundi lang sa paghahanap ng letcheng signal sana nasa bahay ako ngayon nagtyatyaa eh.
"Warriors! Anong kaguluhan to?" boses ng isang lalaki ang umalingawngaw sa paligid.
"Paparating na ang alpha. Nag iisang rogue lang yan kelangan niyo pang magkagulo. Walang naiwan na magbabantay sa border!" Sa lakas ng boses niya parang dumadagungdong ang sahig. Napayuko naman ang mga ibang lalaki.
_______________________________________
Vote And Comment would be highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Alpha Series: I'm yours baby (On-going)
Manusia SerigalaWarning: Mature Content Unedited/Raw There might be technical and grammatical errors. Read at your own risk! Highest Rank: #82 in werewolf Mahilig sa lakwatsa si genesis. Nag signed up siya sa isang online traveling bucket list. Kung saan ang mana...