PAANO BA ANG MANGARAP

799 5 2
                                    

" PAANO BA ANG MANGARAP "

Written by Quille

PROLOGUE

ALYSSA DELA CRUZ...

Isang dalagang namamasukan lamang na katulong sa isang mayamang pamilya sa kanilang lugar.

Niyaya ng kanyang nobyo na lumuwas sa Maynila para magbaka-sakaling makipagsapalaran sa buhay sa nasabing syudad. At dahil ulila na siya at sobrang pagmamahal sa nobyo, walang pasubali siyang sumama. Lakas-loob na tatalima sa pagsubok sa lugar na lahat ng taga probinsya ay nais marating, sa paniniwalang doon nila makikita ang malaking pagbabago sa katayuan sa buhay… lakas loob na tangi nyang nararamdaman basta’t kapiling ang lalaking una nyang minahal at inaasahang sa hirap at tagumpay ay lagi nyang makakasama. 

Dala ang kaunting naipon sa pamamasukan, masasabi nyang sapat na iyon para maging tulay sa pagtungo sa lugar ng pag-asang hinahanap. Gagawin nya ang lahat para matupad ang mga pangarap, hindi man una sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang nobyong si Andrew Morales.

Napagplanuhan at napagkasunduang magiging kaagapay sa pag aaral ng nobyo… na ang tanging kagustuhan ay maging “Engineer”… punong –puno ng pangarap ang nobyo, kaya para sa kanya, ibubuhos nya ang lahat ng kanyang lakas, matupad lang ang pangarap ng lalaking pinakamamahal.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana….sa kabila ng hirap at sakripisyo, isang dalaga ang tuluyang aagaw sa puso ng lalaking sinisinta…..dala ng taas ng pangarap sa buhay at kagustuhang maiangat sa kahirapan ang pamilya sa probinsya, isang maganda at mayamang dalaga na may kakabit na pangakong mapapag aral siya sa America ang tuluyang pumalit sa puso ng kanyang nobyo.

Puno ng puot at hinagpis ang naramdaman ng dalagang inialay ang lahat para sa kapakanan ng minamahal…. Isang Ared Robles ang dumating at unti-unting nagbuo ng kanyang nadudurog na puso…Unang pagtatagpong dagliang nakapagbigay ng pag-asang makatayo sa kinasadlakang kalungkutan.

Sa pag-aakalang sapat na ang lahat para tuluyang ibigay ang nabuong damdamin kay Ared…. Muling nagbalik ang nang-iwang kasintahan….

May pagkakataon pa bang natitira para ibigay sa lalaking nagtaksil at nagpaluha sa kanya? Habang ang lalaking nagbuo ng kanyang puso ay higit na nagmamahal at umaasa na tuluyang ibibigay ng dalaga ang inaasam na pagsinta….

------ABANGAN-------

PAANO BA ANG MANGARAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon