Paano ba ang mangarap C-1

74 1 0
                                    

" PAANO BA ANG MANGARAP "

Written by Quille

Chapter One

HABANG nagbibiyahe sila ay sinasabi ni Adrew ang mga balak nito. MAtagal na pinagplanuhan ang lahat iyon na hindi mabubuo at mangyayari kung hindi siya kasama…

" Gusto kong makatapos mag aral Alyssa. Ang dami kong pangarap na gusting marating…para sa aking pamilya… sa atin dalawa at sa magiging anak natin”.” Kapag nakatapos ako mag aral ay gagagwin ko ang lahat para makahanap na agad ng magandang trabaho at kapag nagkataon ay natitiyak kung madali tayong aasenso”.

" Paano ka naman makakapag aral eh wala ka naman sapat ng pera para sa gastusin sa pag aaral mo?" tanong ni Alyssa.

" Tulungan mo ako alyssa, para naman sa atin dalawa eh." pakiusap niya sa dalaga at umaasang aayon sa hiniling.

" Tulong? Paano kita matutulungan? wala naman din akong pera at alam mo iyan." Sagot niya sa lalake.

" Hahanap agad tayo ng mapapasukan natin ng trabaho pagdating natin sa Maynila. Sa Pasay tayo tutuloy dahil doonnaninirahan ang Ninang ko na nangako na tutulong sa atin doon hanggat makapagtrabaho tayo, at baka matulungan ka pa nga nya na maipasok ka sa trabaho." sabi niya sa dalaga.

" Anung trabaho naman ang makukuha ko doon? Alam mo naman na high school lang ang natapos ko."

" Basta, si ninang Laida na ang bahala sayo, naniniwala naman ako na hindi nya tayo pababayaab dahil nakapangako siya na tutulungan tayong dalawa. Kaya huwag kang mag alala."

" Sige, gusto ko ring makatapos ka mag aral at maging Enginner… dahil kung makatapos ka sa pag-aaral, madali kang makakahanap ng magandang trabaho na me maayos na sahod, ung sapat na para ako naman ang matulungan mo…gusto ko rin kasing makatapos ng kolehiyo eh” aniya.

" Sure!, salamat at nauunawaan mo ako, huwag kang mag alala. Pangako ko sayo na tutulungan din kita. Magtulungan tayo para sa kinabukasan ng magiging pamilya natin…. ayaw ko maranasan pa nila ang hirap na nararanasan natin sa probinsya." sabi nito sa dalaga sabay halik sa ulo..

" Sige matulog ka na muna dahil malayo pa ang biyahe natin." wika nito at yumakap sa dalaga.

Mataas ang pangarap ni Adrew sa buhay, Tulad ng ibang mahihirap, gusto nitong yumaman at mahango ang pamilya sa kahirapan. Ang tanging nasa isip nito ay makakamtan ang lahat ng kanyang pinapangarap kung makakapagtapos lamang siya ng kanyang pag-aaral.

Umaga na ng nakarating sila sa Pasay. Saktong nagluluto ng almusal ang Ninang Laida ni Andrew ng makarating sila sa bahay nito. Agad silang pinatuloy nito sa kanyang tahanan. 

“Mano po Ninang… magandang umaga po” sabi ng binata. “Ninang, si Alyssa nga po pala…ang aking kasintahan.”pakilala ng binata. 

“Magandang umaga po, kamusta po kayo?” medyo nahihiyang tanong ng dalaga. “Mabuti naman Hija…kamusta ang byahe nyo?”…

”Maayus naman po” sagot ng dalaga. 

“Ninang, bale siya po ang sinasabi ko sa inyo na makakasama kong tumuloy dito” sabat ni Andrew. “Gaya po ng nabanggit ko po sa inyo nung huling nakapag-usap tayo sa telepono, kung maaari po sana, dito muna kami makituloy sa inyo habang naghahanap po kami ng trabaho” dagdag ng binata.

“Oo naman anak, walang problema dun, halika at ipasok nyo muna ang mga dala-dalahan nyo sa kwarto at sabay-sabay na tayo kumain ng agahan” wika ng Ninang ni Andrew.

“Alyssa, wag kang mahihiya sa akin ha, alam mo parang anak na ang turing ko sa kasintahan mo, bata palang ay kaibigan ko na ang Nanay nyan, halos nasubaybayan ko ang paglaki ng batang yan…gayong kasintahan ka naman nya, eh halos anak na rin kitang maituturing”. Magiliw na wika ng Ninang ni Andrew.

“Oo nga po Ninang, naaalala ko pa noong bata pa ako, halos sa inyo ako tumakbo kapag kinagagalitan ako ni Nanay” sabi ni Andrew.

“ Napakabait ni Ninang, parang pangalawang Ina ko na siyang maituturing” dagdag ng binata.

“Kaya ipalagay mo lang ang loob mo dito Mahal ko, pasasaan ba’t makakapag trabaho din tayo dito, sa tulong ni Ninang Laida ko”

“Sus, nambobola ka pa anak… sadya lang magiliw ako sa iyo noon, kahit pa naman ngayon.” Napapangiting sabi ng Ninang ni Andrew.

“Napaka-bibo mo kasi at malambing, kaya naman tuwang tuwa ako sayo” dagdag ni Aling Laida.

“ OO nga po Ninang eh, kahit napakakulit ko, di nyo man lang ako mapagalitan” sabi ng binata.

“Kaya masasabi ko sayo Mahal ko, parang Nanay talaga siya para sa akin, eh normal na maging ganoon na din sa iyo, syempre naman… ikaw ang magiging kabiyak ko eh” napapangiting sambit ng binata.

Tanging ngiti lamang ang naiganti ng dalaga sa kanyang kasintahan. Waring nahihiya pa sa mga pinagsasabi ng binata. 

Sadyang palabiro at malambing sa kanyang sariling pamamaraan si Andrew, kaya nga’t lubos na mahal na mahal ni Alyssa ang kasintahan.

TO BE CONTINUED

PAANO BA ANG MANGARAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon