Paano Ba Ang Mangarap chapter 4

21 1 0
                                    

" PAANO BA ANG MANGARAP "

Written by Quille

CHAPTER 4

Alas-tres ng umaga ay gising na si Aling Laida. Palibhasa ay nasanay na rin na maagang natutulog, nakaugalian na nya ring gumising ng ganoong oras. Halos magkasunod lang silang gumising ni Alyssa.

“Magandang umaga po” bati ng dalaga.

“Good morning hija” sagot na bati ni Aling Laida. “Mukang napaaga ang gising mo ah.. nakatulog kaba ng maayos?” tanong nya.

“Siguro po naninibago lang ako, medyo mababaw po ang tulog ko.. nasanay po kasi sa probinsya na puro kuliglig lang ang naririnig.” Paliwanag ni Alyssa.

“Ay sinabi mo pa, napakatahimik doon sa inyo, ang sarap matulog..presko pa ang hangin, di tulad dito, maaga palang marami ka ng ingay na maririnig…andiyan ang mga nagdadaang mga sasakyan, minsan me mga kabataang pang maingay diyan sa labasan” sabi ni Aling Laida.

“ Ayus lang naman poi yon, kalaunan po ay masasanay narin ako”

“Oo naman, lalo na kapag naging abala kana sa trabaho mo, hindi mo na alintana ang mga ingay na iyan”.

“Ang nobyo mo tulog paba?”

“Opo, himbing pa, mukang napagod sa kahahanap ng trabaho” sagot ni Alyssa.

“Maghahanda muna ako ng almusal at gisingin mo siya pag naihanda ko na”

“Tulungan ko napo kayo Ninang” alok ng dalaga.

“Oh sige hija, paki-prito nalang itong mga itlog, bibili lang ako ng pandesal diyan sa tapat na tindahan”

Ginawa ng dalaga ang inihabilin ng Ninang ni Andrew. Di katagalan ay nakabalik na din si Aling Laida dala ang pandesal na binili.

“Alyssa, ako na diyan, gisingin mo na si Andrew at maaga pa ang pasok mo. Maige yung maihatid ka nya ng maaga, para maaga rin siyang makapagtuloy sa paghahanap ng trabaho.”

“Opo ninang.”

Agad na pinuntahan ni Alyssa ang nobyo at ginising. “Mahal ko gising na, baka abutan pa tayo ng liwanag dito, maaga pa pasok ko sa bakery” sambit ni Alyssa.

“Hmmmmm….”ungol ni Andrew sabay unti-unting dinilat ang mga mata.

Dahan-dahang tumayo ang binate at lumakad na diretso sa banyo.

Napangiti nalang si Alyssa sa ikinilos ng nobyo. “Nananaginip pa ata yun ah” sabi nya sa sarili.

Dumiretso na si Alyssa sa kusina at tumulong kay Aling laida sa paghahanda ng almusal.

Sandali pa ay sumunod na din si Andrew na basa pa ang buhok.

“Aba, nakapaligo kana pala! Bilis ah..” bati ng Ninang laida nya.

“Morning po Ninang…. Naligo napo ako para maalis ang antuk ko, maaga padin kasi ang lakad ko ngayon” sagot ng binate.

“Maige naman, para makarami ka ng lakad” sagot ni Aling Laida.

“Kumain na tayo at ng makapag ayos nadin kami ni Alysaa.”

“Ihatid mo ang nobya mo ha, may pupuntahan pa kasi akong kaibigan sa Makati, makikibalita nadin ako sa kanya kung may open na sa kumpanya nila.

“Hindi kana mahihirapan pang maghanap pa ng trabaho dito kung magkataon na me tanggapan na sa kanila… sa hotel nagttrabaho yung si Neri na dati kong kasamahan sa trabaho.”

“Mabuti naman po Ninang kung ganoon, napakahirap din po kasing maghanap ng trabaho dito sa Maynila, kahit anong klaseng trabaho naman po pupwede ako” sabi ni Andrew.

PAANO BA ANG MANGARAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon