Claire Marquez
"Bruha!"
"Hoy babaita tunaw na siya!"
"Ay wala pa rin! Tinutunaw talaga!"
*PAk!
"What the!?" sigaw ko. May bumatok kasi sakin. Tinignan ko ang dalawang babaeng katabi ko.
Nandito kami ngayon sa court dahil first day of class wala naman klase.
"Anong problema nyo?!" iritang sigaw ko kay Vienna at Rizza.
Bestfriend ko na simula elementary kaya halos magkakapatid na ang turing namin sa isa't isa.
Nagpeace sign naman silang dalawa. "Sorry na! Ikaw kasi tunaw na tunaw na si cloud ayaw mo pading tantanan!" hirit ni vienna
Napairap nalang ako at muling tinignan ang lalaking di kalayuan sa pwesto namin. Si Cloud Martinez.
Ang lalaking bumihag sa puso ko simula palang. Unang tungtong ko palang sa skwelahan na ito. Muling bumalik ang alaalang iyon sa kin.
-
"Helllo?! Ano nasan na ba kasi kayo?!" sigaw ko mula sa kabilang linya kausap ang isa sa mga kaibigan ko.
(Oo na eto na ang excited mo naman!)
"Syempre unang araw natin dito tapos malalate kayo! Bilisan mo na at tatawagan ko pa si rizza! Ambabagal nyo!"
(Oo na oo na eto na! Bye!)
Then i ended the call. At pinaring ang cellphone ni rizza.
Sinagot din naman niya ito agad.
(Hello?)
"Nasaan ka nang babae ka?!" muling sigaw ko sa kabilang linya. Nahihighblood ako sa mga kaibigan ko! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kaibigan na mababagal!
(Napakahighblood mo na naman! Nandito na ako naglalakad nasaan kaba?!)
"Nandito ako sa pathway saan ka?"
(Nandito sa may canteen sige na puntahan nalang kita.)
"Hindi ako nalang pupunta dyan magugutom na ako eh"
(Okay sige bye)
Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ko. Alam ko naman na kung saan ang canteen dito dahil nilibot na namin ito nung nag eenroll palang kami.
Malawak talaga ang school na to kaya hindi na ako magtataka kung puro mayayamang estudyante ang nag aaaral dito.
BINABASA MO ANG
Desperate To Have Him
Teen FictionPaano kung ginawa mo na lahat para magustuhan ka niya pero still...wala pa rin? will you continue or will you give up?