CHAPTER 3: Papaibigin ko siya Sakin

17 1 0
                                    

Claire Marquez

"Pasok na tayo?" tanong ni rizza sakin. Lutang na naman ang isip ko.

"Mamaya nalang." tinignan ko ang relo ko. "Maaga pa naman"

Bumuntong hininga siya. "Hanggang kailan ka ba mananahimik?"

Ako naman ang bumuntong hininga. "Hanggang mawala na yung feelings ko?"

Umirap ito. "Gaga! Akala mo naman mawawala agad yan? Eh halos sa kanya na nga umikot ang mundo mo eh!"

"Tama!" sigaw ni vienna. Nagtandem na naman sila ng pang aasar sakin.

"Ewan ko sa inyo!"

"Bakit? Totoo naman kasi eh sa kanya na talaga umikot ang mundo mo."

"Naalala mo ba yung halos madapa na tayong tatlo wag lang tayong mahuli ni cloud na naglalagay ng love letters sa locker niya?" natatawang sambit ni rizza.

"Oo natatandaan ko pa yun! Haha. Tapos hindi maipinta yung mukha natin kasi pawis na pawis tayo kakatakbo." pagsang ayon naman ni vienna.

"Eh nung nagbake siya ng cookies tapos muntik ng hindi umabot sa pagdala natin kasi matatapos na yung practice nila?" tawang tawang sambit pa ni rizza

"Hahahaha oo nga! Eto pa yung mas epic! Nung valentines last year? Hahahaha!"

"Oo nga!! Hahahahahahah! Yung..." hindi na nila magawa pang sabihin dahil tawa na sila ng tawa! Shit!

Naalala ko bigla ang nangyaring yun. Gumawa pa ako ng collage ng mga stolen pictures niya tapos nung ibibigay ko na bigla naman akong nadapa at nalagay sa putik ang ginawa ko. Iyak ako ng iyak nun. Excited pa naman akong ilagay yun sa locker niya pero wala kaya ang ending? Tinapon ko nalang sa basurahan. Ang epic nun talaga dahil sa kalampahan ko hindi na talaga ako nakapagpakilala... hanggang ngayon.

Haaaay. Sign na rin siguro yun ni god na hindi ako umamin dahil mapapahiya lang ako dahil may gusto na siyang iba.

"Sorry claire! Sorry!"

"Hala hindi na. Hindi ka na namin aasarin, sorry na!"

Narinig kong sabi nila. Bakit?

Naramdaman ko nalang na may mga luha sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako?

Hindi ko manlang namalayan. Kahit noon pa man basta may maaalala ako tungkol sa kanya ay bigla nalang tumutulo ang luha ko.

Mapakla akong ngumiti. "Okay lang no alam nyo naman kapag tungkol sa kanya eh mababaw lang ang luha ko."

"Ah basta sorry na. Sorry na." nag aalalang sambit ni rizza.

"Ayos lang rizza. Okay lang ano ka ba? Ako pa? Naku"

"Walang klaaaaaaaaaase!" malakas na sigaw ng isa sa nga estudyante. Kaya napalingon kami dito.

"Paanong wala?" tanong ng isa sa mga estudyante.

"May meeting ang lahat ng teachers from first to fourth year. So ayun walang klase!"

Naghiyawan na sa buong canteen. Masayang masaya na naman dahil walang klase.

"So anong balak natin girls?" tanong ni rizza.

"Saan nga ba? Hmmm.." tila nag iisip si vienna.

"Hi guy's!" biglang may lumapit saming estudyante. Classmate namin sila. Si Althea. Siya yung lumapit samin nung unang araw palang namin.

"Hello!" nakangiting bati nung dalawa.

Desperate To Have HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon