Claire Marquez
"Stop! Will you?" naiinis na sigaw ni vienna sa lalaking ngayon ay nasa likod namin.
"Hey! Bakit ba ang sungit sungit mo sakin ha?" si dice. Yes si dice ang sinisigawan ni vienna.
Paano nangyari?
Kahapon habang kumakain kami nilapitan siya ni Dice at binigyan ng sausage. Nagulat kaming tatlo lalo na yung mga nasa canteen.
Walang nagsasalita samin ng bigla siyang ngumisi kay vienna at nagsalita.
"Sausage for you. Vienna."
Sabay hagalpak ng tawa. Halos manlaki ang mata ni vienna ng marealized kung anong sinasabi nito.
Buong araw siyang nakasimangot lalo na kapag nakikita niya si Dice.
And now eto na nga nandito siya sa likod ng upuan namin at kinukulit si vienna at nakabusangot na naman ang mukha. Pang dalawang araw na niya yang ginagawa. Kung iisipin mo nga e naiinlove na to kay vienna. Haha.
Napalingon ako sa lalaking katapat ko. Ang tahimik niya habang nakatingin sa librong hawak niya.
"Claire crush mo ba si cloud?"
Halos malaglag ako sa upuan sa narinig kong sinabi ni dice.
Nilingon ko si cloud at nagulat ako ng nakatingin ito sakin ng nakakunot ang noo.
Umiwas ako ng tingin at sinamaan ng tingin ang lalaking gumulo ng mundo ko.
"Oh woooah! Easy lang e paano tunaw na siya kakatitig mo."
"Tumigil ka nga!"
"Claire samahan mo nga ako sa cr." si rizza
Tumango ako. "Sige."
"Hoy sama ko!" sigaw ni vienna
"Sausage wag na dito ka nalang" sabay tawa
Siraulo talaga.
Umirap si vienna saka tumayo..
"Arggh! Nakakabwisit talaga yung unggoy na un!" inis na sabi ni vienna.
"Halata ngang bwisit na bwisit ka na e."
"Bakit ba naging feeling close yung unggoy na yon!?"
"Aba malay namin no?"
"Argh nakakainis talaga!"
Sabay sabay kaming pumasok sa cubicle.
"Alam mo thea feeling ko may gusto yung claire kay cloud iba makatingin e." rinig ko sa labas. Ako? Sinong thea? Sigurado ako narinig din yun ng dalawa.
"I know girls kaya nga kinakaibigan ko sila diba? For me to know kung paano siya maging kalaban." si... Althea yun ah?
"Ang smart mo talaga thea!"
"I know right!"
"Tara na nga baka may makarinig satin dito!"
Makarinig?! Eh rinig na rinig ko na nga! Mga bitch!
Feeling ko naman wala na sila kaya lumabas na ako ng cubicle. Narinig ko rin naman na bumukas ang ibang cubicle.
"Wow ha! Eh impaktita pala yung mga babaeng yun e!" inis na sabi ni rizza.
"Kanina ko pa nga gustong gustong lumabas at pagsasabunutan ang mga impaktang yon!" bwisit na sabi ni vienna.
"So anong say mo claire? Eh pangalan mo nga ang binanggit nun!"
BINABASA MO ANG
Desperate To Have Him
Teen FictionPaano kung ginawa mo na lahat para magustuhan ka niya pero still...wala pa rin? will you continue or will you give up?