Claire Marquez
"Claire tara na." yaya sakin ni rizza. Nandito kasi kami ngayon sa canteen at nag aalmusal. Maaga kasi kaming pumasok ngayon.
Parang nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw.
Parang hindi ko makayanan kung magkakasama kami sa iisang room lang. Lalo na ngayon na alam ko ng meron siyang nagugustuhang iba.
Paano ko nalaman?
-
Flashback.End of School Year
Nandito kami ngayon sa canteen halos lahat ay nakapalibot kala cloud. Maging kami din ay nandito at nakikinig sa kanila. May importante daw kasing sasabihin sila. At parang kinakabahan ako.
Nagpatawag kasi sila ng end of school year meeting dito sa canteen. Wala namang teachers na involve sadyang nagpatawag lang sila ng meeting, at hindi ko din alam bakit kami sumama dito.
Tumayo si Dice sa isang upuan. Isa sa barkada ni Cloud. He cleared his throat at nagsimula nang magsalita.
"Okay. Haha paano ko ba ito sisimulan? So ganito." pambibitin nito. Maraming pigil hininga, nagsimula ulit siyang magsalita. "Gusto lang namin ipaalam sa inyong lahat. Lalo na sa may gusto kay Cloud.." muli siyang tumigil, tumigil din yata ang pagtibok ng puso ko. Pati na rin ang mga babaeng nakaabang. "Meron na siyang nagugustuhan.."
Tumayo si Cloud at nauna ng umalis. "That's all. Thankyou!! See you next year guy's!"Tapos umalis na din si Dice at Joe. Naiwan kaming luhaan.
"What!? Sinong gusto ni baby cloud? Huhu!"
"May mahal na ang honey ko!"
"Bakit?! Sino ang babaeng yun!"Rinig ko pang may mga umiiyak na akala mo namatayan. Pero ako?
"Claire okay kalang?"
Pumikit ako at dun kolang naramdamam na umiiyak na pala ako. Parang binibiyak ang puso ko. Huli na ako... Huli na.
End of Flashback.
-
"Claire Marqueezzzzzz!!" aray ang sakit naman sa tenga ng boses nito!
"Oo na wait lang naman!" sigaw ko pabalik.
"Halika na no! Mamaya malate pa tayo."
"Oo nga tara na claire mamaya ka na magday dream"
BINABASA MO ANG
Desperate To Have Him
Teen FictionPaano kung ginawa mo na lahat para magustuhan ka niya pero still...wala pa rin? will you continue or will you give up?