Kabanata 3
******
Mamaya ay magaganap na ang pagbibigay ng mga Brilyante sa mga bagong tagapangalaga .
"Ako'y Hindi na makapag hintay na maging ganap na tagapangalaga ng mga Brilyante." Wika ni Prinsesa Mahara.
"Parehas lamang tayo aking kapatid, Nagagalak ako dahil tayo ang Napili ng tadhana upang ipagtanggol ang buong kaharian." Wika naman ni Prinsesa Sahara.
"Kasabay ng Pag alaga natin sa mga Brilyante ay may kaakibat naman ito ng Mabigat na Responsibilidad para sa atin". Nag-aalalang wika ni Prinsesa Payara.
" Mahirap man ay dapat nating kayanin at tiisin. Sapagkat Hindi hahayaan ng tadhana na piliin tayo kung Hindi natin ito makakaya". Wika ni Prinsesa Cayara.
- Nasa Kamay ng Tadhana ang kapalaran ng lahat. Maski ang Dyos at Dyosa ay walang magagawa upang pigilan at baguhin ang Tadhana. Nararapat na tanggapin nalang nila ang magiging kalalabasan.
******
Dumating na ang Oras upang sila ay maging ganap na tagapangalaga.
Dumating na ang mga Prinsesa na sila Sahara , Payara , Mahara , Cayara.
Nakaupo na sa Trono ang mag-asawang Dyos Tarakala at Dyosa Ahraza .
Sinimulan muna ni Dyos Tarakala ang pagbibigay ng basbas sa mga Prinsesa.
"Ako si Tarakala ang Dyos ng Lahat. Ang Makapangyarihan sa lahat ay Binabasbasan ang mga Bagong Tagapangalaga ng mga Brilyante.
Binabasbasan ko din kayo upang maging tagumpay kayo sa inyong misyon ." Wika ni Dyos Tarakala.Nagulat ang magkakapatid dahil narinig nila ang Misyon na sinabi ng kanilang Ama. Wala silang ideya sa misyong tinutukoy nito.
Pagkatapos ng pagbabasbas ay Sumunod na tumayo ang Inang Reyna si Dyosa Ahraza.
"Ngayon naman ay ipagkakaloob ko na sainyo ang mga Brilyante . Ako si Dyosa Ahraza ang Makapangyarihang Dyosa sa lahat narito ako upang ipagkaloob sa into ang mga Brilyante." Wika ng Dyosa.
"Ang Brilyante ng Hangin ay ipinag-kakaloob ko Kay Prinsesa Sahara Ikaw ang Napili ng Brilyanteng ito bilang bagong Tagapangalaga. Naway Gamitin mo ito sa Tanging Kabutihan lamang. Naway mapanatili mo ang kapayapaan hawak ang Brilyante ng Hangin." Wika ni Dyosa Ahraza.
Agad na napunta sa palad ni Prinsesa Sahara ang Brilyante ng hangin.
"Malugod ko pong tinatanggap ang pagiging bagong Tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin." Wika ni Prinsesa Sahara.
"Sunod naman na Napili ng Brilyante ng Apoy ay si Prinsesa Payara bilang bagong Tagapangalaga. Nais Kong gamitin mo ito laban sa mga masasama." Wika ng Dyosa
"Malugod ko po itong tinatanggap , at nangangako po ako aking Inang Dyosa". Wika ni Prinsesa Payara.
Napunta sa palad ni Prinsesa Payara ang Brilyante ng Apoy.
"Ang Brilyante ng Tubig naman ay Napili si Prinsesa Mahara bilang bagong Tagapangalaga nito. Busilak ang iyong puso gaya ng Tubig ". Wika ng Dyosa.
" Nagagalak ko po itong tinatanggap mahal na Dyosa." Wika ni Prinsesa Mahara.
Napunta ang Brilyante sa palad ni Prinsesa Mahara.
"At ang huli naman na Brilyante ay mapupunta Kay Prinsesa Cayara.Gaya ng Brilyante ng Lupa na sumisimbolo sa iyong katatagan sa pakikipaglaban ". Wika ni Dyosa Ahraza.
" Tinatanggap ko po ang Brilyante ng Lupa bilang bagong Tagapangalaga. Pangako mahal na Dyosa ". Wika ni Prinsesa Cayara.
Napunta ang Brilyante sa palad ni Prinsesa Cayara.
"Malugod ko kayong binabati Bilang bagong Tagapangalaga ng mga Maka pangyarihang Brilyante." Wika ng mag-asawang Dyos Tarakala at Dyosa Ahraza sa lahat.
Nagpalak pakan ang lahat at kasabay nito ang pagseselebrasyon ng mga kaharian .
Maligayang Araw.
BINABASA MO ANG
Princess Sahara : The Last Air Warrior
FantasyPaano kung malaman mong ikaw ang itinakda? Paano kung sangalan ng kapayapaan ay kailangan isakripisyo ang mga buhay ng bawat isa? Magagawa kaya ito ni Prinsesa Sahara? Magawa niya kayang isakripisyo ang kanyang sariling buhay para sa kapayapaan o...