Kabanata 6
*****
Malalim na ang gabi ng mahimbing na natutulog ang lahat.
Subalit agad na nagising si Dyosa Ahraza dahil sa kanyang Masamang Pangitaiin .
"Hindi!!". Malakas na sigaw ni Dyosa Ahraza.
"Mahal ko Ano iyon ayos ka lamang ba?". Nag-aalalang wika ni Dyos Tarakala.
" Disgusio Irevale ,Mahal ko(Masamang Pangitain , Mahal ko.)". wika ni Dyosa Ahraza
"At Ano naman iyon?". Wika ni Dyos Tarakala
" Tungkol sa ating mga Anak, mahal ko. Nakita ko sa aking pangitain na Sila ay mamatay at isa lamang sa kanila ang mabubuhay at iyon ang itinakda". Umiiyak na wika ni Dyosa Ahraza.
"Si Sahara? Subalit Hindi pa tayo nakakasiguro na siya nga. Mahal kung mangyayari man iyon Alam mong wala tayong magagawa. Alam mo ding May Dahilan kung bakit mangyayari ang lahat na itinakda ng Tadhana sa kapalaran nila". Wika ni Dyos Tarakala.
" Alam ko subalit bilang magulang nila at Dyosa wala man lang tayong magawa. Pakiramdam ko ay wala tayong silbi na Magulang . kaya nating protektahan ang mga mamamayan subalit ang sarili nating mga anak ay Hindi natin maprotektahan". Wika ni Dyosa Ahraza.
"Wag mo sabihin iyan. Batid natin na ito ang kanilang kapalaran.Dapat nating tanggapin ang itinakda ng Tadhana para sa ating mga Anak". Wika ni Dyos Tarakala sabay yakap Kay Dyosa Ahraza.
" Naway kahit ngayon lang ay Mali ang aking pangitain." Wika ni Dyosa Ahraza.
"Makakaya natin ito". Wika ni Dyos Tarakala
Bumalik sa pagtulog ang mag-asawang Dyos at Dyosa.
Nananalangin na naway Mali ang kanilang pangitain.
Naway kumpleto silang makabalik sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Princess Sahara : The Last Air Warrior
FantasyPaano kung malaman mong ikaw ang itinakda? Paano kung sangalan ng kapayapaan ay kailangan isakripisyo ang mga buhay ng bawat isa? Magagawa kaya ito ni Prinsesa Sahara? Magawa niya kayang isakripisyo ang kanyang sariling buhay para sa kapayapaan o...