Kabanata 7
*****
Attention!!! Please yung Kabanata 8 muna ang inyong Basahin ! Nagkaron kase ng problem.
Thanks and please understand
Liwanag. Napunta ang bangkay ng mga Prinsesa at si Prinsesa Sahara naman ay nawalan ng Malay kaya naman pinagpahinga muna siya.
"Mahal ko patawarin mo ko Napaslang ni Dyosa Dazara ang ating tatlong anak." Iyak na wika ni Dyos Tarakala
"Hayop siya! Hindi ako makakapayag na isunod niyang paslangin si Sahara siya nalang ang natitirang anak ko. Lalo na ngayong nalaman na niyang si Sahara ang itinakda ". Wika ni Dyosa Ahraza habang humahagulgol sa iyak at habang yakap ang labi ng kanyang mga anak.
" Gagawa tayo ng paraan upang mailayo sa panganib si Sahara ". Wika ni Dyos Tarakala
Hindi nila alam na susunod si Dyosa Dazara sa Isla kaya naman wala silang nagawa. Tinaggap na lamang nila. Alam nilang makaka piling pa din naman nila ang kanilang anak kahit na isa na itong Ishtra. Subalit ngayon ay kailangan muna nilang ilayo si Sahara sa panganib.
" Ano ang iyong plano ?". Wika ni Dyosa Ahraza
" Kakausapin ko si Emperador Dezoni". Wika ni Dyos Tarakala
"Emperador Dezoni? Sa Emperyo ng Haradaza? Nahihibang ka na ba? Paano natin maipagkakatiwala ang buhay ni Sahara sa isang Emperador?!". Wika ni Dyosa Ahraza
" Huminahon ka . Nais paslangin ni Dazara si Sahara at dito niya lang makikita si Sahara. Kaya naman ititira natin si Sahara sa Emperyo na ating pinangangalagaan at tanging ang Emperador at Emperatris lang ang nakakaalam ng plano. Walang nakaka alam sa itsura ng Prinsesa Sahara tanging ang pangalan lamang ang Alam nila.Palalabasin nating isa lamang siyang Prinsesa sa Emperyo. At Tatanggalan natin siya ng Alaala at Brilyante. Kusa itong babalik sa oras na nakatakda na niyang naalala ang lahat ng mga pangyayari at pagkakakilanlan niya." Wika ni Dyos Tarakala
"Papayag ako subalit ipangako Mona gagabayan natin siya hanggat wala pa siyang kapangyarihan". Wika ni Dyosa Ahraza
" Pangako. Malalagpasan din natin ito. Bukas ay kakausapin kona ang Emperador ". Wika ni Dyos Tarakala.
Inasikaso na nila ang labi ng mga Prinsesa at tuluyan ng kinuha ng mga Liwanag.
Hindi maawat ang hagulgol na iyak ng dalawang Dyosa at Dyos.
Lahat ay nabalitaan ang Nangyari sa mga Prinsesa kaya naman lahat ay nangungulila.
BINABASA MO ANG
Princess Sahara : The Last Air Warrior
FantasyPaano kung malaman mong ikaw ang itinakda? Paano kung sangalan ng kapayapaan ay kailangan isakripisyo ang mga buhay ng bawat isa? Magagawa kaya ito ni Prinsesa Sahara? Magawa niya kayang isakripisyo ang kanyang sariling buhay para sa kapayapaan o...