Kabanata 1
*****
Sa Pagmamahalan nila Tarakala at Ahraza Ay Nagbunga ito ng Magandang Prinsesa na Si Sahara.
****
Madilim na at oras na ng pagtulog. Abala si Dyos Tarakala sa pag papalit ng damit. Habang si Dyosa Ahraza ay papunta na ng higaan ng bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang tiyan. Siya ay nagdadalang tao. At oras na ng kanyang panganganak.
"Oh Dyos ko, Tarakala!!!! Aray,Aray...Tarakala manganganak nako!". Sigaw ni Dyosa Ahraza.
" Mahal ko huminahon ka , halika humiga ka muna dito at tatawagin ko ang babaylan". Nagmamadaling sagot ni Dyos Tarakala.
"Bilis !". Sabi niya.
Agad na tinawag ni Dyos Tarakala ang Babaylan .
Oras ang Lumipas ay Naipanganak na ni Dyosa Ahraza ang kanyang Panganay na anak Na Si Prinsesa Sahara.
Iniabot ni Dyosa Ahraza Kay Dyos Tarakala ang kanilang anak Na mahimbing na natutulog.
" Sadyang Napaka ganda talaga niya, Taglay niya ang iyong Kagandahan mahal ko".sabi ni Dyos Tarakala.
"Ikaw talaga, Anak natin siya kaya naman ay natural lang na taglayin niya ang Kagandahan ko". Biro ni Dyosa Ahraza.
" Oo na ". Sabi ni Dyos Tarakala.
Masayang nag-uusap at nagbibiruan ang mag-asawa habang mahimbing na natutulog ang sanggol.
Nang malaman ng Buong Kaharian na Nagsilang na ng Malusog na Sanggol ang Dyosa ay Agad silang naghanda ng Selebrasyon.
Tinawag nila ang unang anak ng Dyosa Ahraza na ito ang Itinakda.
" Mabuhay si Prinsesa Sahara! ".sigaw nila.
" Mabuhay!".
"Mabuhay ang Itinakda!".
****
Kaharian ng Dilim
Sa kabila ng selebrasyon ng Buong Kaharian. Sa kabilang Kaharian ay nag aalab ang galit si Dyosa Ng Dilim .
" Punyeta! Akala ko Hindi na siya mabubuhay! Ako ay Mamatay na siya sa panganganak! Impakta ka talaga Ahraza! ". Galit na sabi ni Dyosa Dazara.
" Mahal na Dyosa ,tinatawag nila na Itinakda daw ang unang anak ng Dyosa Ahraza ". Sabi ng Tagapagsilbi.
" Ano? Itinakda? Hahaha kung gayon dapat pala akong magsaya din! Darating ang panahon ay makakaharap ko ang Itinakda at ako ang papatay mismo sa kanya !". Galit na sabi ni Dyosa DAZARA.
Sa pagsilang ng Itinakda kasabay nito ang peligro ng buhay ni Prinsesa Sahara.
BINABASA MO ANG
Princess Sahara : The Last Air Warrior
FantasíaPaano kung malaman mong ikaw ang itinakda? Paano kung sangalan ng kapayapaan ay kailangan isakripisyo ang mga buhay ng bawat isa? Magagawa kaya ito ni Prinsesa Sahara? Magawa niya kayang isakripisyo ang kanyang sariling buhay para sa kapayapaan o...