Tula 1

131 2 0
                                    



Isa, dalawa, tatlo


 'di na mabilang mga pananakit mo,

di man pisikal lahat ng 'to,

 lahat ng sakit ay tumatagos sa puso ko,


 Bakit nga ba hindi mo mapansin? 

Heto ako sa harap mo naghihintay parin, 

bakit nga ba di moko mabigyan ng dahilan?

 Dahilan na inaasam-asam ko pero hindi ko makamtan,


 Marami akong dahilan para sukuan ka, 

pero lahat ng 'yon di ko pinansin dahil Mahal kita,

 Oo mahal kita , mahal na mahal sobra 

Na kahit harap-harapan mong ipinapakita na wala akong halaga,


 Nasasaktan ako sa twing may ibang nagpapangiti sayo,

 Oo nagseselos ako kahit wala namang "TAYO"

 Masakit para sakin na balewalain mo ang nararamdaman ko,

 pero anong magagawa ko? Di mo nga napapansin ang isang tulad ko,


 Oo ako lang ang may kasalanan dito,

 kasalanan ko dahil minahal kita ng buo

pero sana ito'y iyong tandaan

 Na kahit kailan ang pagmamahal ko sayo'y hindi ko pinagsisihan,


 Naging masaya ako nang magustuhan kita,

 Simpleng pagngiti mo ako'y ayos na, 

 Pero saan pa nga ba tutungo to sinta?

 Baka tuluyan nakong mahulog pag ito'y tinuloy kopa,


 Masaya ako na ika'y aking nakilala

 Pasensiya na kung lihim na minahal kita, 

 Pero pangako ititigil ko na to,

 dahil pag tinuloy ko pa to masasaktan lang ako,


 Alam ko na hindi ako yung tipo mong babae,

 kahit masakit, kailangan tanggapin eh,

Maging masaya ka sana sa yugto ng buhay mo,

 Salamat parin dahil sa kabila ng lahat ay napasaya mo ang puso ko.

Written PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon