Isa, dalawa, tatlo
mga pangakong bigla nalang naglaho,
mga pangarap na bigla nalang kinalimutan mo,
nasa'n na nga ba ang dating tayo?
Dating tayo na masaya sa lahat ng bagay,
kuntento na sa anumang kayang ibigay,
na di alintana ang anumang mga problema,
ang dating tayo'y nasaan na nga ba?
Ako lang ba, o talagang nagbago kana?
nagbago kana ba dahil sakin 'di kana masaya?
nagbago kana ba dahil may mali akong nagawa?
o nagbago ka dahil mayroon ka nang iba?
Ako ba'y nagkulang sayo?
nagkulang ba'ko sa pagmamahal na binibigay ko?
nagkulang ba ko? ano? saang anggulo?
sagutin mo naman ako, dahil sobrang naguguluhan na yung utak at puso ko
, Aaminin ko di ako perpektong tao para sayo,
pero diba nagawa naman kitang pasayahin kahit papano
?minahal kita ng sobra at tapat
,Pero, para pala sayo hindi pa 'yon sapat.