Chapter 1 - Letter
Iya
"Are you serious?!" Napasigaw ako nang natalo na naman ako ni kuya Kyle sa Fortnite. "Aha! Talo kana naman! Sa 'kin na yung cake!" Pasigaw na sinabi ni kuya habang tumatawa na tumatakbo ng paikot-ikot sa kanyang kwarto. "Kuya naman eh! Ibigay mo na lang kasi sa 'kin ang cake!" I whined. "Tumahimik ka dyan. Akin na yun." Sabi niya.
Hay nako kuya baliw ka talaga. Gusto mo dalhin kita sa mental?
Si kuya Kyle ay mas matanda sa 'kin ng 2 years. 18 ako, 20 siya. Turning 21. Eww. Ang tanda na. Charot. Itong si kuya Kyle, ang pogi. May abs pa. Oh ano? Dito ka nalang sa kuya kong pogi, may muscles and abs.
Joke lang! Di ko ipamimigay kuya ko no. Bawal.
"Sabi ko na kasi sa 'yo na huwag kanang lumaban sa 'kin." Aniya. "Wow?! So, ako pala yung mali rito? E, ikaw nga yung nagsabi sa 'kin na mag laban tayo ah?" Sagot kong na iirita. "Wala akong pake. Sana hindi kana lang din lumaban kasi legend ako." Pang mamayabang niya. "Legend my ass. Kapal ng mukha." Tahimik kong sinabi habang naka cross ang arms ko na nakaupo sa kama niya.
May binili kasi si mommy na cake. Saktong-sakto rin na sabay kami ni kuya Kyle lumabas at pagtingin namin sa lamesa sa kitchen area namin ay nakita namin ang isang box ng cake. Napatingin pa nga ako kay kuya Kyle no'n at nakitang nakatitig na pala siya with a huge smirk plastered on his face.
Kaya ilang segundo lang, nagtakbuhan na kami dalawa patungo sa lamesa habang hinihila namin ang box.
"Akin to!" Sigaw ko kay kuya Kyle. "Ayoko nga! Akin na 'to!" Sigaw niya pabalik.
Nakita kami ni mommy na nagsisigawan at lumapit sa amin at kinuha ang box. "Magbili na lang kaya kayo para hindi na kayo mag-away-away. Palagi na lang eh. Tutal, may pera naman kayo." Sabi niya sa 'min habang nilalagay ang cake sa refrigerator. Ugh!
"E mom, sa akin naman po talaga yung cake na yun pero inagaw ni Iya!" Sumbong ni kuya kay mommy habang nagpa-pout. "Wow ha?! Ako pa yung may kasalanan e, sa akin naman talaga yung cake!" Sagot ko sa kanya na namumula na ang mga mukha namin.
Don't get me wrong pero mahal na mahal ko ng sobra yang kambal ko. Kaya nga lang, strikto siya minsan at annoying pa. Nakakabwesit.
Kuya Kyle, kahit na palagi tayong nag-aaway, basta itatak mo sa isipan mo at puso mo na mahal na mahal kita. Sobra. I love you, kuya Kyle.
Inanyayahan niya kasi ako na maglaro ng Fortnite. Kung sino raw ang mananalo, sa kanya na raw yung isang slice ng cake. Kapag talo daw, maglaway kana lang raw.
I was snapped back to reality nang kinaway-kaway nito ang kamay sa aking mukha. "Okay ka lang?" Tanong niya. "Huh? Oo naman. Ako pa." Minamadali kong sagot at inayos ang sarili ko sa pag-upo. "Okay. 'Kala ko kasi hindi mo 'ko tignan habang kumakain." Sagot niya with a smirk on his face.
Kapal talaga ng mukha nitong mokong na 'to. Sarap sapakin. Mayabang talaga tong panget na 'to.
"Ako? Maglalaway?" Tanong kong natatawa. "Oo. Paborito mo yung cake diba? Ako yung kakain, then you, you'll just watch at me while I was eating it and ikaw, maglalaway." Sabi niya. Wow. Kailangan pa talagang iexplain?
Na iirita na talaga ako sa kanya. Bwesit. "Baliw kaba? Bakit naman ako maglalaway sa 'yo habang kumakain ka no'n? Ano ba ako? Aso?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. "Bahala kana nga dyan." Dagdag ko habang lumalabas na sa kanyang kwarto papunta sa akin. "I love you, Iya!" Sigaw niya bago ko pa masara ang pintuan niya. "Love you too, kuya!" Sigaw ko rin pabalik.
Pagka pasok ko sa kwarto ko, may nakiga agad akong papel sa ibabaw ng kama ko. Nakakunot ito na parang naging bilog. Napansin ko rin na bukas yung window ko so, posible bang may nag tapon nito at nag land sa kama ko? Wow. Ang galing.
Kumunot ang noo ko at nilapitan ko ito. Kinuha ko ang papel at binuksan. May nakasulat dito at hindi na 'ko nag hesitate na basahin ito.
Dear Iya,
Hi, Iya. Ba't ba ang ganda-ganda mo? Habang nakikita kita sa school mas lalong nahuhulog lang ako sa 'yo ng todo. Alam kong cheesy yan pero gusto kong malaman mo na gustong-gusto kita. Simula pa no'ng unang pagtapak mo sa school natin. Gusto mo bang malaman mo kung bakit ako nagka gusto sa 'yo? Well, hindi ko pa yun sasabihin kasi hindi pa 'to ang perfect na time. Sana hindi pa maubos ang pasensya mo. Basta tandaan mo lang na mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
A <3Wow. May secret admirer na pala ako? Sa'n ba 'to galing? Hindi ko alam na may umiibig pala sa 'kin ng pa secret lang. Na shock talaga ako. Kasi halos lahat ng nagkakacrush sa 'kin inaamin nila eh.
Ang confused kong mukha ay napalitan ng ngiti. Alam kong dahil yun sa letter na sobrang cheesy yet, kinilig naman din ako.
Pagtingin ko sa orasan ko, 11:00 PM na. Buti nga't napag-isipan kong matulog na lang kasi may pasok pa ako bukas.
Pero bago pa man ako nakatulog, tinawagan ko muna yung kaibigan kong bakla. Si Fred.
Alam na alam kong gising pa siya ngayon dahil matagal yun natutulog. Parang mga 3:00 AM na nga yun natutulog eh.
Mga ilang rings lang ay sumagot na siya. Salamat naman Fred at naisipan mong sumagot. Thank you talaga.
"Ano?" Tanong niya na parang na iirita. "Good evening din sa 'yo." Sagot ko. "Ay! Sorry, Iya! Ikaw pala yan." Aniya. "Oh? Anong meron?" Dagdag nito. "May nagpadala sa 'kin ng letter." Sabi ko at ito'y ikinatawa niya.
'Eto talaga ang ayaw ko sa kanya. Haysss. "Seryoso? Anong klase?" Tanong niya. "Love." Maikli kong sagot. "Okay... Pwede bukas na lang tayo sa school mag-usap? Gusto ko na kasing matulog." Aniya. "Sige. Sige." Sagot ko at agad kong hinung up.
Makatulog na nga lang. Good night.

YOU ARE READING
My Brothers Best Friend
Short StoryHey guys! Ito pong story na 'to ay walang mga mature scene kundi, ito po ay yung sweet masyado and I bet na macri-cringeyhan kayo. :))