Chapter 5 - Over Exaggerate
Iya
Nang nakauwi na kami, hindi maiwasan ng parents ko na ihug ako. Alam kong alam na nila ang nangyari kasi I assume na tinawagan ng mga pulis ang parents ko at sinabi ang mga nangyari.
Nandito pa sina Ashton at Theodore dahil hindi nila gusto na umalis pa. Sinabihan ko sila na umuwi na kayo dahil may pasok pa bukas pero sabi nila na suspendido raw yung pasok bukas hanggang Thursday. So, sa Friday na kami babalik.
Luh? Ba't di ko alam na walang pasok in 3 days? Ano pa lang meron?
Nasa dining area na kami. Peacefully eating our dinner. Nasa left side ko si kuya at nasa right side naman si Ash then Theo.
Hindi naman umangal ang parents ko kung bakit tahimik lang kami dahil alam naman nila na wala kaming gana magsalita. But, Theo being Theo, nagsalita.
"So, tita and tito? Kamusta na po yung business niyo?" Tanong niya, politely habang pinupunasan ang kamay nito sa napkin na nakalagay sa lap niya.
Teka? Random question yan ah? Nevermind na nga lang.
"Okay lang naman. Lumalago na nga eh." Sagot ni daddy. "That's great po. Ay! May sinabi rin po pala si mommy. Gusto niya raw po kayong pumunta bukas sa bahay. Magdi-dinner raw po. With us." Sambit ni Theo na ikinatingin ko sa kanya. Pero hindi naman talaga ako nakatingin sa kanya, kundi, sa likod ni daddy.
"TITO WYATT!!" Sigaw ko na ikinagulat ng lahat bago ako tumakbo papunta sa kanya. Tumalon ako ang hinug si Tito at alam kong tinitignan na kami nina mom, dad, kuya Kyle, Theo at Ashton. My favorite tito.
Si Tito Wyatt Fernandez. Kapatid ni papa. My favorite tito. Ngayon lang kami muling nagkita for 5 years dahil nasa States siya. Pinapalago niya yung business niya dun which is a 5-star restaurant. Miss na miss ko na siya. Sobra. Dito rin siya nakatira sa amin dahil wala pa siyang pamilya at ayaw niyang tumira mag-isa sa bibilhin niyang bahay. So, I suggest to him na dito na lang siya tumira. Spino-spoil pa nga ako ni tito eh. *pabebe alert!*
Alam kong senior student na ako at childish ako. Alam ko yun. Don't blame me pero ako lang yung nag-iisang babae sa mga cousins namin. Well, hindi pa natin alam ba ka may darating pa na babae. Remember? My tito Wyatt, wala pang girlfriend. Sana nga.
"Ang laki mo na, Iya! Miss na miss kita!" Sambit niya habang hinug ako pabalik. "Tito, ba't ngayon ka lang? Tapos, hindi mo pa sinabi na darating ka pala." Naiyak na lang ako pero hindi sad, kundi happy. "Sorry na. Alam ko kasing may pasok ka nga ngayon kaya hindi na kita inabala." Sabi ni tito habang hinihimas ang buhok ko.
Bumaba na ako galing sa kanya at muli siyang hinug. Well, you can't blame me. Ilang years kaya siya wala dito sa bahay kaya sobra ko siyang na miss. And also, he's my favorite tito.
Habang hinihimas ni tito ang left hand niya sa buhok ko, bigla itong na stuck.
"Aray! Aray!" Sabi ko habang hinihila ang buhok ko. "Sandali lang. Na stuck siya." Sabi ni tito at nifi-feel ko na habang sinasabi niya ito ay parang natatawa kasi I was still in his arms so it means nagva-vibrate yung katawan niya.
"Ayan tanggal na." Sabi ni tito as if na naka victory siya sa Mobile Legends. Tssk.
"Teka lang tito. Ano ba yun?" Tanong ko habang naka cross ang arms ko sa chest. Madali-daling itinago ni tito sa kanyang likuran ang kanyang kamay na ikinunot ng noo at kilay ko. Ano kayang sikreto nito.
"Kain na ako. Kanina pa ako gutom eh." Dali-dali niyang sagot at bilis na pumunta sa kinauupuan ko. Ugh! May iba namang upuan ah.
Sinundan ko siya habang nakatingin sa kanyang kamay. May napansin akong kumikinang pero I just shrug it off kasi alam kong mga alahas niya lang yun pero iba yung feeling ko eh. Hindi kaya- huwag na nga lang baka nag-aasumme lang ako.
"So tito, how come ngayon mo lang naisipan umuwi?" Tanong ni kuya Kyle. "Uh, may sasabihin kasi ako sa inyo." Sagot ni tito na seryosong-seryoso at ito nagpa excite sa 'kin. Ano kaya ito???
"Ano po yun tito?" Tanong ko na may malaking smile sa bibig. At na feel kong tinututukan ako ni Ashton pero hindi ko nalang 'to pinansin.
Tito sighed then held up his left hand and I saw a diamond ring. It was really gorgeous! Sobrang mahal nito pero somehow, na aafford ito ni tito kasi mayaman 'tong lalaking 'to eh. Mas mayaman pa sa parents ko.
"Kinasal kana?!" Nagugulat kong tanong.
Diba kapag nasa kamay na nung lalaki yung ring ay it means kasal na siya? Diba?
When realization hits me, "Tito! Hindi mo kami inimbitahan sa kasal mo! Alam mo ba na matagal ko nang gustong pumunta ng America pero hindi mo kami inimbitahan sa pinakamalaking occasion sa iyong buhay?! Makikita ko na sana asawa mo at mga anak mo! Tito naman eh! Diba sabi ko sa 'yo na imbitahan mo kami pag kinasal kana? Tapos nag sumpaan pa tayo na dapat lima magiging anak mo tapos ako ang godmother nilang lahat?! Diba! Diba!" Sabi ko, dramatically na ikinalaki ng mga mata ng lahat.
Oops. I embarrassed tito Wyatt. Sorry, tito.
"Um, I'm so sorry if I embarrassed you tito. Hindi ko po sinasadya I swear! I'm really really sorry. Like as in. Sorry po talaga." I apologized looking at him with pleading eyes na sana mapatawad na niya ako.
Tumawa lang si tito Wyatt at sumagot, "Nag o-over exaggerate ka lang, Iya." Nnagtawanan silang lahat at ako ay yumuko dahil namumula na ang mga pisngi ko.
"Sorry po." Pagpapaumanhin ko at dumagdag, "Pero tito, seryoso? Kinasal kana?" Tanong kong muli. Nag sigh si tito Wyatt at tumango.
"Oo. Dito naman kasi kami dapat magpakasal pero ang mga magulang ni Savannah gusto nila na magpakasal muna kami dun, tapos dito naman daw. So, ayon. Si Savannah, ang parents niya and some of her cousins ay nandito. Para sa second wedding namin. At, imbitado kayo." Sambit ni tito at hinug ko siya with a kiss on his cheeks.
"Congrats, tito! Dapat ang anak mo ay kambal o kaya, triplets." Sabi ko na ikinatawa ng lahat.
What an eventful and a detailed day.

YOU ARE READING
My Brothers Best Friend
Short StoryHey guys! Ito pong story na 'to ay walang mga mature scene kundi, ito po ay yung sweet masyado and I bet na macri-cringeyhan kayo. :))