When They Find Support

3.8K 283 31
                                    

March 21, 2018:

ND: So, nasabi niyo na pala sa Dabarkads? *asks R&M from across the table during their private dinner celebration for the Mendoza parents's 31st wedding anniversary*

M: More like sinabi nila sa amin, pina-confirm lang. *giggles*

TD: Paano? *chuckles* Sabagay, sa tagal niyo nang kasama ang mga yun araw-araw, pamilya niyo na rin sila at wala naman talagang maitatago sa pamilya, hindi ba, Pare? *nods at DB who sits at the other end of the long table*

DB: Oo naman, Pare. Kaya nga nung mga panahon na mag-boyfriend pa lang sila at tinatakas nitong si RJ ko si Meng noon sa condo para patulugin sa Nuvali pag nami-miss ni Mommy, kinakabahan ako na malaman niyo eh. Mahirap kasi talagang magtago ng lihim sa pamilya.

TD and ND: *jaws drop*

R: *glares at DB and mumbles* Dad...

DB: Bakit?

Riza: *whispers to DB* Mukhang hindi pa rin po alam nina Tito at Tita yun, Daddy.

Angel: *snickers* Lagot ka na naman po kay Kuya, Daddy. 

Matti: *looks at R then DB then TD* Wowo... Agot. *wags his finger at DB*

DB: Akala ko kasi alam na din nila ngayon, alam nina Niki at Coleen yun eh pati nina Nico at Dean dahil madalas sila ang kausap ni RJ kung paano hindi mahahalata na umalis si Meng. 

Riza: *facepalms* Daddy, hindi po ata yun nakatulong. Usok na ilong ni Kuya. Tignan mo po. Pulang-pula na. 

DB: Ah... eh... Ibig sabihin lang nito. Totoo talaga yung sinasabi mo, Pare. Walang maitatago sa pamilya. Kaya sa pamilya natin talagang kusang lumalabas ang mga natitira pang lihim. Di ba, Pare, Mare? *smiles and raises his wine glass to a toast* Happy Anniversary!

Everyone: *sparsely raises their glasses and echoes* Happy Anniversary.

Niki: *speaks after a few seconds of awkward silence that followed* Mag-asawa naman na po sina RJ at Meng, okay na po yun. 

Coleen: Oo nga naman, Tay, Nay, magkaka-apo na nga po kayo oh. Tignan niyo tiyan ni Menggay. Laki na ng pamangkin ko dun oh. Malapit na nating makita. Excited ka na di ba, Tay? Iniisip mo na nga po kung paano ako palalayasin sa kwarto namin ni Meng para lagyan ng crib. *laughs*

TD: *chuckles* Hindi ka na namin palalayasin. Gagawan ng bagong kwarto sina Menggay.

Coleen: *pouts* Dapat akin yung bago.

Dean: *elbows Coleen, mumbles* Wag ka na kumontra. Lusot na tayo eh.

ND: Ano na naman ang pinagbubulong-bulungan niyo diyan? 

Nico: Oo nga. Wala namang kaso yung pagpunta ni Meng at pagtulog kina RJ dati, alam naman nating mamahalin at aalagaan siya doon at malaki ang respeto nina Tito kina Tatay. *speaks without looking at anyone as he continues to slice the piece of steak on his plate*

Everyone: *nods in agreement* 

TD: Maiba tayo, ngayon na alam na sa Bulaga, anong balak niyong mag-asawa? Tama si Coleen, lumalaki ang tiyan mo, Meng. Sa ngayon, mukha ka pa ring naparami lang ng kanin at sabaw pero pagsampa ng anim na buwan niyan, hindi na talaga maitatago lalo na at lahat ng mata ng tao nasa inyong dalawa nakatutok palagi.

R: *nods his head and holds M's hand tightly under the table* Balak na po namin talaga, Tay, na mag-announce na po. Kumukuha lang ng tamang tiyempo. 

ND: Anong tamang tiyempo pa? Kawawa ang apo ko.

M: *sighs and looks at R before turning to her parents* Madali lang po yung magsabi, yung announcement kahit kailan pwede namang magsalita. Si Koochi din po ang iniisip namin eh. Yung reaction po ng mga tao ang kailangan naming paghandaan. Kagaya po nung open letter at iba pang mga issue na kahit gaano kaliit, hindi namin inaasahan na ganoon kalala ang magiging reaction ng mga tao. Paano pa po ito di ba?

R: Opo, Nay, Tay. Ang takot ko lang din baka magaya dati. *looks at M* Ayaw ko pong ma-stress ulit ng sobra si Meng baka kung ano pang mangyari sa kanila ni Koochi. *takes a deep breath* Parang ang daling gawin pero yung mga consequences po ang kailangan naming paghandaan. *squeezes M's hand as they look at each other eye to eye, finding strength in each other*

TD: Natin.

R&M: *look at TD and ND* 

ND: Nating paghandaan. *smiles reassuringly* 

DB: Sama-sama tayo dito. 

R&M: *look at DB then at their siblings who all nod in agreement*

Niki: Walang Iwanan. Kala niyo sa AlDub Nation lang uso yan? Dito din uy. 

John: Dito yan orig. Walang Iwanan. Peksman. Magka-bombahan man. *chuckles then stops when Ate Niki glares at him* Di ba? Tama naman? Parang bomba yang announcement na papasabugin nila Meng. 

Niki: Sige. Lusot. *grins*

TD: Mga anak, hindi naman talaga magiging madali pero tandaan niyo na lagi lang kaming nandito para sa inyo. Suporta niyo kami kahit anong mangyari. 

ND: Gaya namin ni Tatay, hindi naman kami tumagal nang ganito na walang naging problema pero sa bawat pagsubok, may pamilya at mga kaibigan din kaming nakasama. 

DB: Kahit kailan niyo mapag-desisyunan na sabihin na, kasama niyo kaming lahat. 

R: Thanks, Dad. *looks at TD and ND* Maraming salamat po, Tay, Nay. Sa inyong lahat. *sighs and smiles then gazes at M* Ready when you are, Love. 

M: *nods her head then closes her eyes as R cups her cheek and touches their foreheads together* I'll be ready. *rubs her belly* We will be. Soon, Love. 

*********

Unbeta'ed and not proofread. 

Thank you for reading. 

Payb Takes 4-ever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon