Chapter 34: I killed my Father

4.8K 117 6
                                    


Keliah

Hindi...lumabas na ang dragon. The Dark Demon Dragon.

"Kel..." Nagulat naman ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Meliah? Umalis ka dito!" Wika ko.

"Kel...ikaw ang prinsesa ng Feria." Wika ni Mel.

Ako ba talaga?

"Kel...papatayin ko ang may gawa nito! Papatayin ko si Setan. Sunugin mo ang libro...sige..." Sabi ni Mel at agad umalis.

Pero...wala nang oras. Sasabog na ang Memoranta.
Wala na akong magagawa.

Ok...kaya ko tu! Sisirain ko ang...

"Te-teka...si...sino ka?" Gulat na wika ko nang makita ang batang lalaki na may itim na aura na nakahood. Nagulat naman ako nang tignan niya lang ako ay napalipad ako palayo. Saka kinuha niya ang  libro.

"Waaag...hindi!!! Noo!!!" Sigaw ko at agad na sinipa siya ngunit nahawakan niya ang aking paa.

"Matatalo na kayo...wala na kayong magawa...kukunin ko na ang libro ko. Aalis ako dito at dina babalik pa kasama ang aking libro. Sasabog na ang memoranta kaya wala na kayong magawa. Isasama ko sa akin ang deadly sins. Hahayaan ko kayo diyan. Wala na akong paki! Ito ang tandaan mo...ikaw ang prinsesa ng Feria. Si Filomena ang prinsesa ng Jakunsia. Si Alexandria ang nawawalang prinsesa ng Magisia at ang nawawalang prinsesa ng Kradulia ay si...si..."

"Sino..."

"Mel...Meliah!" Wika ni Hell saka naglaho at naiwan ang isang kwintas. Agad ko itong pinulot.

Si Mel...si Mel ang prinsesa ng Kradulia. Hindi tu maaari...papatayin niya ang kanyang ama. Hindi!!! Pipigilan ko siya sa kanyang binabalak. Kahit pa masama...hindi niya alam na ama niya si Setan. Lagot!!!

Alexandria

Loke!!!

"Loke...lumabas na si Hell..." Wika ko.

"Wa...wala...na...tayong...ma...gaga...wa!" Wika ni Loke na hinang-hina na.

"Kailangan ko siyang kalabanin!" Wika ko.

"Wag...aalis na siya kasama ang mga deadly sins...at pag makaalis na siya...sasabog na ang Memoranta!"

"Ano? Si Hell...ang key upang sumabog ang Memoranta?" Gulat na wika ko.

"Oo...kaya...ginawa...ni...Liana...sakin...ito!" Wika ni Loke.

Liana? Si Landice ba si Liana?

"Loke...kailangan na nating umalis dito..." Wika ko.

"Wag ka nang mag-alala sa...sa akin. Dapat mo na palang pigilan...si...Hell!"

"Sabi mo Wag..."

"Baka...hindi mo kasi...siya matalo! Mapapahamak ka lang!" Wika ni Loke!

"Hindi...kaya ko tu Loke! Papatayin ko si Hell!" Sabi ko.

"Iwanan mo na ako. Pigilan mo na siya! Bilis!"

"Pero..."

"Ano ka ba...ok lang ako..." Wika ni Loke.

Fantazia Academy: The Powerful Princess Of Magisia √completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon