Nicole's POV
"Ma!" Tawag ko sa nanay ko na nakaheadphone at ang lakas lakas ng tugtog.
Padabog akong pumunta sa sofa na inuupan nya at hinalikan sya sa pisngi at dun lang sya nagtanggal ng headphone nya.
"O? Aalis kana anak?"
"Opo ma. Kanina kopa kayo tinatawag ang lakas ng sounds nyo."
"Pasensya na anak hehe. Ingat ka ha? Magaral mabuti."
Pumunta ako ng kusina at lumapit kay papa.
"Pa! Alis nako!" Nakipag fist bamp sya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Ang pogi ng anak ko a! Binatang binata na!"
"Aba syempre! Mana sa tatay e."
"Hindi kana ba pwedeng maging dalagita anak?"
"Pa naman!" Sinuntok kosya ng pabiro sa braso at kunwaring naiinis.
"Biro lang. O sya! Magingat ka ha?" Tumango ako at lumabas ng bahay.
Agad kong nakita si Black.
"Hi there baby! How are you? Namiss kitang gamitin hays. Okay ka lang ba? Imissyousomuch baby ko!" Hinimas ko ang bawat parte ng motor ko at tsaka pumunta sa kotse ko.
Nagmaneho ako papunta sa school ko at pinark ang kotse ko sa favorite spot ko.
"Woo! Wala kang pinagbago Silvia Academy."
Pumasok ako at agad bumungad sakin ang mga studyante.
"Hoy tomboy na mahaba ang buhok!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin.
"Par! Grabe hindi kita namiss a! Medyo pakyu ka pa din hanggang ngayon!" Sinalubong ako ng yakap ni Miguel at niyakap ako.
"Wala kang pinagbago Cole! Kahit kelan bakla kapa din!" Binatukan ko naman sya at hinimas nya ang batok nya.
"Ulul ka. Nasan si Matthew Silvia?"
"Ayun nasa mga babae nya. Hinaharot nanaman yung mga babaeng bagong transfer." Napailing nalang ako at natawa. Inakbayan nyako at agad kong syang sinuntok sa tagiliran.
"Yung buhok ko!" Inayos naman agad nya at dahan dahan syang umakbay ulit na akala mo babasagin ako na kailangan ingatan.
"Tomboy pero hanggang bewang yung buhok! Wierdo ka talaga!"
"Anong magagawa ko? E ayaw pagupitan ng nanay ko!"
"Magtali kanga!"
"Maghintay ka! Kita mong basa pa e!"
Sabay kaming pumunta ng room at nakita ko agad si Matt na kausap yung tatlong transfer na babae.
"Hoy monggol! Nandito na ang tunay na prinsesa!" Sigaw ni Miguel kaya hinampas kosya.
"Oy Nics! Namiss kita!" Tumayo sya at sinalubong ako ng yakap.
"Kamusta? Hindi kapa din pala nagpapagupit? Hanggang bewang nayan a?"
"Ganun talaga e. Sisihin mo nanay ko hehe." Ginulo nya ang buhok ko kaya sinamaan kosya ng tingin.
"Bakit kapag kay Matt ang bait mo makipagusap? Sakin barubal ka!" Sabat ni Miguel.
"Wala kang pake! Pakyu!" Umupo naman ako sa tabi ni Matt at sa tabi ko si Miguel kaya nasa gitna nila ako.
"Hi. I'm Mhay." Pakilala nung isang babae.
"I'm N--"
"Jacole, Pangalan nyan Jacole." Sabat ni Miguel.
"Tarantado!" Binelatan nyako at naglagay ng earphones.