Miguel's POV
Habang naghihintay kami sa labas ng emergency room biglang dumating si Cole na umiiyak. Naawa ako sakanya. Minsan kolang makita umiyak ng ganto ang bestfriend ko.
Nilapitan kosya at niyakap. Umiyak lang sya ng umiyak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong ginawa nya kung bakit nya kami pinauna e. Pero nararamdaman koyung itim na aura sa mukha nya kanina kahit na umiiyak sya.
"Cole anong nangyari?" Tanong ko. Kumalas sya sa yakap ko at pinunasan ang luha gamit ang kamay nya.
"May nakaaway kasi akong tatlong babae sa cr tapos binalikan ako ng dalawang kaibigan nila kaya nung binato ako ng baso nung isa sinalo ni Lancelot kaya sya nandito ngayon. Pinauna ko kayo dahil tinuruan ko ng leksyon yung babaeng gumawa nyan sakanya." Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kilala ko si Cole alam kong hindi magandang magalit sya ng sobra dahil kahit ano gagawin nya masaktan kalang. Triple ang ipapadanas nyang sakit sayo.
"A-anong ginawa mo?" Nauutal kong tanong. Baka binasagan nya ng baso sa ulo? O kaya sinapak nya ng paulit ulit hanggang sa mawalan ng malay?
"Sinampal kolang sya. Pasalamat sya at nakakapagpigil pako. Kamusta na si Lancelot? Ayos na ba sya? Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyari sakanya." Umiiyak padin sya. Pulang pula ang mata at ilong nya. Niyakap sya ni Matthew.
"Par wag kang magaalala. Magiging maayos sya. Wag kanang umiyak." Pero humagulgol sya lalo sa dibdib ni Matthew. Jusko bat ba sya ganyan umiyak? Parang mamamatay na si Lancelot e. Mga babae talaga minsan OA pero naawa ako sakanya.
"Gusto mobang balikan namin yung gumawa nyan sakanya?" Tanong ko pero umiling sya.
"Kaya kona to." Tumango lang ako. Lumabas ang doctor. Kaya lumapit sakanila si Cole.
"Family of the patient?" Umiling agad si Cole.
"Mga kaibigan nya po kami doc. Ano pong lagay nya?" Pinipigilan nya yung iyak nya pero ayaw tumigil ng luha nya. Hays.
"Stable na sya. Tinahi namin yung sugat nya. Masyadong malakas yung pagtama ng baso o bote sa ulo nya. Maraming nawalang dugo sakanya kaya kailangan nyang magpahinga. Pwede nyo na syang puntahan." Nagpasalamat kaming tatlo at agad na pinuntahan si Lancelot.
Nicole's POV
Tulog pasya ng pinuntahan namin sa room nya. Ang amo amo ng mukha nya. Mabuti nalang at okay na sya. Hindi ko alam yung sasabihin ko sakanya kapag nagising na sya. Nahihiya ako ng sobra. Hindi ko maiwasang maiyak kapag naalala koyung mukha nya kanina nung bumagsak sya.
Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Hays kakakilala lang namin pero napahamak na sya ng dahil sakin. Una kaaway ko si Miguel ngayon napahamak sya ng dahil sakin. Ganon ba ako kasamang kaibigan? Naiinis ako. Hindi ko manlang naramdaman yung paglapit nya sakin kanina sana ako nalang yung sumalo ng baso.