Lancelot's POV
May ngiti sa labi ko ng umuwi ako sa bahay. Hindi ko maalis sa isip koyung maganda at matapang na mukha ni Michie.
Napakaperpekto nya sa paningin ko. Simula nung nabangga kosya nung gabing yon. Para akong stalker na sinusundan sya kahit saan. Ang totoo nyan sinadya kong magpalipat ng section para mas makilala kosya. Natutuwa ako sa tuwing namumula sya. Natutulala sya kapag ngumingiti o tumatawa ako. Siguro ganun kalakas ang dating ko sakanya? Pero mas malakas ang dating nya sakin. Papalapit palang sya sakin para nakong hihimatayin. Kakaiba ang epekto ng babaeng yun sakin.
Hindi ko namalayan na nandito nako sa bahay. Bumaba ako ng kotse at ngingiti ngiting pumasok sa bahay.
"Kuya!" Sinalubong ako ng lalaking kapatid ko sya ang bunso namin.
"O namiss mo naman ako masyado!" Ginulo ko ang buhok nya at pumunta ng sala.
"Mom.." Busy ang mommy ko sa pinanonood nya kaya naman napalingon sya sakin. Nilapitan kosya at hinalikan sa pisngi.
"Mukhang masaya ka anak ha? Dahil bayan sa babaeng natutulog dun kanina?" Kinikilig na tanong nya pero ngumiti lang ako ng malaki sakanya.
"As if naman na may ligawan yan mommy. Si kuya pa?! Sobrang choosy nyan. Ni hindi nga nagpapakilala yan sainyo ng girlfriend nya! Bakla kasi yan mom!" Yung kaninang masayang mukha ko napunta sa pagbusangot. Umeepal nanaman ang pangalawang kapatid kona babae. Third year highschool sya. Isang taon lang ang tanda ko sakanya.
"Tumigil kanga Lacey! Alagaan mona lang ng mabuti si Lars para may magawa ka sa buhay mo!" Sigaw ko sakanya kaya ngumuso sya.
"Nagaaral ako no! Marami akong ginagawa! May taga pag alaga si Lars kaya bakit kailangan pabantayan mosya sakin!!" Hindi sila magkasundo ng kapatid kong bunso dahil lagi syang inaaway ni Lars.
"Bakit moba ko sinisigawan Lacey Gail Sandoval! Baka nakakalimutan mong kuya moko at mas matanda ako sayo!" Tumayo sa harap namin si mommy at hawak ang sintido.
"Ano ba! Lagi kayong nagaaway! Ikaw Grey wag monang patulan dahil mas nakakatanda ka! At ikaw Gail matuto kang rumespeto sa kuya mo! Wag kayong magturuan kay Gian dahil bunsong kapatid nyo yon! Parehas nyong alagaan para parehas kayong may magawa! Pinapainit nyo ang ulo ko!!!" Sigaw ni mommy. Kapag ganyan puro second name na namin ang binabanggit nya nagagalit na sya at seryoso sya don. Kinuha nya si Lars at iniwan kaming dalawa sa sala ni Lacey.
Lacey Gail Sandoval. sya ang pangalawang babaeng kapatid ko. Amazona, masungit, maarte at napakaingay. Masyadong maraming napapansin at maraming sinasabi. Maganda nga pero yung bunganga daig pa yung nanay ko. Kung maingay ang mommy ko doble ang kanya. Sya lagi ang kaaway namin ni Lars siguro dahil nagiisang babae din sya samin.
Lars Gian Sandoval. Sya ang bunsong kapatid ko. Kasundo ko. Makulit, jolly at malambing sya masyado sakin. Parehas kaming lalaki kaya nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. May sariling tagapagalaga pero ang bilin ni mommy samin kailangan padin namin alagaan si Lars dahil kami ang ate at kuya nya.
Lancelot Grey Sandoval. Ang pinakagwapo sa lahat. Gwapo, mabait, matulingin, mapagbigay, gwapo ulit. Lahat ata nasakin na. Isa nalang ang kailangan ko. Ang babaeng mamahalin ko panghabang buhay.
"Ano ba kuya! Tatayo kana lang ba dyan! Umalis kana sa harap ko!!" Mabilis akong lumapit sakanya at kinotongan sya.
"Waaaaaaaa! Isusumbong kita kay daddy! Napakasama mo! Ansakit non!!" Natawa naman ako sa reaksyon nya.
"Isa pang sigaw mo sakin ibibitin kita patiwarik! Magaral kana lang ng mabuti at alagan si Lars! Masyado kang maingay. Tsk.." Hinalikan kosya sa pisngi dahilan para mandiri sya at todo punas sa pisngi nya. Sa ganoong paraan kosya naasar madalas. Napakaarte.