Chapter 13

1.1K 41 14
                                    

Sana's PoV

Hawak ko ang kamay ni Dahyun habang naglalakad kami sa long way street.

Hindi na ko nakapagpigil na lapitan siya kase miss na miss ko narin siya.

Nagalaw pa nga niya yung sugat ko sa tagiliran kaninang niyakap niya ko pero kahit masakit okay lang.

"San tayo pupunta?" tanong niya.

"Tutal pagabi na punta tayong riverside sa Han River. May mga nagtitinda ng street foods dun, alam mo ba kung ano yun?" saad ko.

"Street foods?" takang tanong niya kaya natawa nalang ako dahil mukhang di niya alam, laking mall kasi.

"Crab sticks, fishballs, orange eggs or kikiam? Or grilled chicken feet, barbeque and liver?" tanong ko.

"Pagkain pa ba yun? Chicken feet papatulan ko pa eh." angil niya.

"Basta sumama ka lang sa akin. Wala akong ipapakain sayo na ikamamatay mo." sabi ko at tumuloy na kami sa riverside.

"Isa lang naman ang pwedeng ikamatay ko." napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"At ano nanaman yun?" seryosong tanong ko.

Tumigil siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Ang mawala ka sa buhay ko." saad niya tsaka mabilis na umupak sa dalawang paa ko at hinalikan ang labi ko na agad rin siyang bumaba.

Hindi ako nagsalita pero hinawakan ko lang ang kamay niya.

Nang makarating kami sa bilihan agad akong nagpaluto ng iba't ibang street foods.

Nagulat pa siya ng makitang mura lang ang binayaran ko.

Nang matapos bumili dala ang pagkain umupo kami sa may edge ng riverside na pwedeng maupuan.

"Sure ka hindi nakakalason 'to?" nag aalangang tanong niya.

"Ipapakain ko ba sayo kung ikamamatay mo? Malayo ka lang nga di ko halos kayanin, mamatay pa kaya?" deretsong saad ko na hindi nag abalang isipin ang mga salitang nasabi ko.

"Kundi ka lang sweet." sabi niya at dahan dahang isinubo yung fishball na sinawsaw sa suka. "Masarap naman pala eh." saad niya.

"See? Ubusin mo yan ah, wala kang ititira sayang pera." bilin ko.

"Oo na, baka magtake 2 pa ko nito." segunda niya.

"Antakaw mo ah. Bilisan mo dyan, ihahatid narin kita pauwi at gabi nadin." saad ko.

"Aw, ang bilis ng oras ih. Bukas talaga magka-cutting na ko." angil niya.

"Cutting ka dyan." banta ko.

"Wala akong klase bukas sayo. Hayop na schedule yan." reklamo niya.

"So porke di ako ang teacher mo? Umayos ka nga pwede ka namang pumunta sa akin kapag wala ka ng klase eh. Tsaka kapag ikaw napaghalataang hinaharot ako palalayasin ako sa school." saad ko.

"Wala naman tayong label pa. Edi kapag naggraduate ka dun na kita jojowain pero akin ka ah." paniniguro niya.

Oo na, sayo na kung sayo Dahyun.

Hindi ako sumagot kundi kumain nalang ako ng inihaw na binili naming dalawa.

Nang matapos kaming kumain umupo lang siya dito sa tabi ko at sumandal sa balikat ko habang tinatanaw ang river na tinatamaan ng ilaw mula sa buwan.

Mahinang hampas ng tubig, payapang simoy ng hangin, iilang ingay ng mga tao at kaming dalawa na magkahawak kamay habang pinakikinggan ang natural na estado ngayong gabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Off Limits||SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon