Kim Dahyun's PoV
"Dahan dahan maputol yang lapis sa higpit ng hawag mo dyan." awat ni Chaeyoung sa akin.
"Nakakainis si Sana." malayong sagot ko.
"3 days na siyang wala, gaga. Yan parin ang dialogue mo." sabi ni Jungyeon unnie. Edi burn ako sa no jam bros na 'to.
"Hindi niya man lang naalalang magtext." sabi ko pa.
"Baka busy lang." sabi ni Momo unnie habang kumakain.
"Ganyan din si Nayeon. Mawawala tas di kana ko-contact-in." sabi ni Jihyo unnie. May sama ng loob 'to kay Nayeon unnie.
Halata namang gusto nila ang isa't isa pero hindi ko alam bakit pinipigilan nila. Hindi naman big deal ang same sex relationship sa school namin kase marami ring bisexuals dito.
"Babalik din naman sila. Wag niyong masyadong isipin." sabi ni Mina unnie.
Sa lobby kami ng main building namin nakatambay, wala kaming mga magawa.
Si Tzuyu nakatulog na nga sa may sofa katabi ni Jihyo unnie tapos the rest nakaupo na at ako nagsusulat ng notes kaso naalala ko si Sana.
Hindi man lang ako hinabol nung magwalk out ako. Ang hirap ding basahin ng bwisit na yun, minsan sweet siya, minsan parang wala namang pake. Hindi ko siya maintindihan.
"Kanina pa kayo, Sana ng Sana at Nayeon ng Nayeon tigilan niyo nga yan. For sure kanina pa inuubo sa kanilang dalawa." naiiling na sabi ni Momo unnie. "Babalik din mga yun soon." paniniguro niya pa.
"Last year na ni Nayeon sa school na 'to absent padin siya ng absent. Akala ko tuluy tuloy na yung lagi kaming magkasama pero hindi pala." reklamo ni Jihyo unnie.
Tama naman kasi, maraming absent si Nayeon unnie lagi nung makilala namin siya. Lagi siyang umaalis ng walang paalam.
Dati super close sila ni Jihyo unnie pero one time dumating si Nayeon unnie parang naging ilag na siya kay Jihyo unnie nun.
Kaya itong si Jihyo unnie ang kawawa, iniiwasan siya ng di niya alam ang dahilan.
Buti si Sana eh, nagpapaalam pero magkaiba kami ni Jihyo unnie kase ako di ako kaagad nakakaintindi. Matampuhin din ako kaya ganun.
Nakuha ko na ngang nagwalk out last time pero wala eh parang wala lang naman kasing sense.
Si Sana kase iba siya sa lahat ng mga kaibigan ko, binabakuran ko siya lagi kase inaamin kong nahuhulog na ko sa kanya.
Pero hindi ko kase alam kung may pake ba siya sa nararamdaman ko. She's slightly cold and mysterious type that's why it's getting harder for me para intindihin yung nararamdaman niya.
"Pagbalik ni Nayeon hindi ko na siya hahayaang umalis pa." sabi ni Jungyeon unnie. Napahinto ako, kase love triangle ata ang ganap dito.
"Ako bestfriend dito, wag ka nga unnie." pairap na sabi ni Jihyo unnie.
"Bestfriend ka nga? May nagagawa ka ba kapag umaalis siya bigla? Kapag ba bumabalik siya updated ka sa mga naganap sa kanya. Nonsense, Jihyo." pambabara ni Jungyeon unnie.
"Easy! Oy, wag nga kayo. Pareho lang kayong dinidedma ni Nayeon unnie wag na pabibo." singit ni Chaeng.
"Accurate." sabi ni Mina unnie at ngumisi pa.
"Burn." Momo and I frowned.
Napaghahalataang merong kung anong thing sila kay Nayeon unnie eh. Haba ng hair. Juske.
Pero si Sana, lagot talaga yan sa akin pag uwi niya. Miss ko na kase pagsusungit niya.
Minatozaki Sana's PoV
In the first 3 days ang screening ng mission. Planning pa lang sila kaya ngayong araw pa lang kami nakarating ng China.
"Napano si Jihyo? Nagtatampo ata sayo." sabi ko kay Nayeon unnie na kasabay kong naglalakad. Nasa hallway kami ng headquarters namin dito sa China.
"Ganyan talaga yun." parang walang pakeng sagot niya.
"Sus. Wag ako." sabi ko.
"Wag mo kong i-judge pero higit pa sa subject ang tingin ko kay Jihyo at hindi pwedeng malaman ng heads yun lalo na ang unnie mo dahil mapu-pull out ako sa mission. Ayokong mapaaga ang paglayo kay Jihyo." seryosong tugon niya. Kaya pala, kaya pala todo warning siya sa akin.
"So anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Umiiwas ako sa kanya, di ko na siya masyadong kinakausap para malayo na loob niya sa akin. Pero sa part ko, ang paglayo ko ang nakakapagpalalim pa ng feelings ko." tugon niya.
"Torture yan." napapailing na sabi ko pero nanahimik na lang siya.
Ma-pull out kaya ako sa misyon ko kapag nalaman rin ni Unnie na napapalapit ako sa subject ko?
Magagaya kaya kami kay Nayeon unnie at Jihyo? Hindi naman siguro kase hindi pa naman ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko.
As we entered the plan room, nakita ko ang mga teammates namin sa mission na 'to.
Si Chan ang leader ng mission na 'to habang si Hyunjin ang planmaker.
Sila Jisung naman kasama sila Sowon unnie at Joy ang back up.
"Finally! Andito na ang Top Agent at Class A Agent namin." kantyaw ng baliw na si Joy unnie.
"Done planning na? Kailan isasagawa ang operation?" tanong ni Nayeon unnie tsaka lumapit sa blueprint ng plano.
"Mamaya ng madaling araw syempre. Sa port natin siya iko-corner mamayang paalis yung barko na sasakyan niya paalis ng China. For sure may dala yung drugs so on the spot ang pagkakahuli sa kanya." sabi ni Hyunjin.
"Oy Hyunjin natututo kana kay Seulgi unnie. Bawas bawasan mo pagpapatrain mo at pagsama sa osong yun baka maging pervert ka din." biro ko.
"Si Director may sabi kay Seulgi noona daw ako magpa-train." nagkamot pa ng batok ang baliw. So slow, nako.
"Seryoso na kasi. Magready na kayo. We have 18,000 seconds para magmatyag sa target and then just 300 seconds para mahuli siya." sabi ni Nayeon unnie.
"Ayoko na sa Earth. Bwisit na mga numero yan. Kung sa military time onto hundreds sila tayo segundo lagi ang sinasabing oras. Naiirita ako hirap kaya i-solve." sabi ni Jisung. Nabatukan naman siya ni Sowon unnie.
"Hoy Jisung, mahiya ka. Mga pinsan mo ruler ng agency na 'to tas ikaw medyo gunggong ka time reading pa lang?" sabi ni Sowon unnie.
"Magbihis na nga kayo. Si Sowon, Hyunjin at Sana ang sasabay sa akin papunta sa port then the rest kay Chan sasabay." sabi ni Nayeon unnie.
"Sinama mo pa si Hyunjin hyung para lang may driver ka. Pabibo 'to." sabi ni Jisung.
"Bat ba kasama sa back up 'to ah? Dapat kayong duo nalangb dito. Sila Felix at Jeongin na sinama niyo." pairap na sabi ni Joy unnie.
"Wala kaming choice. May fielding din yung anim sa New York so pagtatyagaan ko na yang si Jisung." sabi ni Chan.
"Uy, cousin inaaway ako oh!" reklamo ni Jisung.
"Deserve mo yan." sabi ko tsaka siya nginisian lugi talaga siya sa akin.
Nine kase sila sa grupo nila. Isa sila sa mga pinakabatang agents namin. Stray Lane ang pangalan ng group nila, nakakaloko nga eh Kids dapat yun kase mga totoy pa 'to kaso pabibo si Chan ayaw paawat haha.
Sila Chan kase at ang grupo niya ang kayang makipagsabayan sa mga major fielding pero para sure na safe may guide sila ng Forces which kame yun.
Nang makarating kami sa port naghiwahiwalay na kame sa pagstandby at sa akin natapat ang target. Malamang, mga baliw 'to eh. Sa akin talaga ibibigay alam kasi nilang shooter ako bukod kay Mina.
"Wag kang mag uuwi ng kahit anong sugat, Sana. Iwasan mo kung ayaw mong mahirapan pagbalik mo sa pinakamisyon mo. Susuyuin mo pa si Dahyun." sabi ni Nayeon unnie bago kami maghiwalay.
Napailing ako at ginanahang matapos agad 'to pagkadinig ko ng pangalan ni Dahyun.
Let the show begin. Can't wait to see Dahyun again. God, I miss her.
~
BINABASA MO ANG
Off Limits||SaiDa
Fiksi PenggemarMinatozaki Sana has given a mission by her sister Irene. She has to protect and to find out the person who's behind Kim Dahyun's dangered life. Common story? Read it now to know that you're probably mistaken. Note : A gxg story, no homophobic allow...