14

729 14 0
                                    

Portinnnn emeged :>

Pahirapan kaya natin si Mameh Karylle, hmm? HAHAHAHAHA sama coe

---
Di parin mawala sa isip ni Karylle kung paano nya itinaboy si Vice.

Tuwing maalaala nya ang nangyari, parang kinukurot ang puso nya. Masakit? Oo, pero kaylangan nyang panindigan ang naging desisyon.

May kaunting pagsisisi syang nararamdaman dahil kahit ngayon, mahal parin nya si Vice.

Pero ayaw nya na.

Masakit ngayon dahil hindi na sila.

Pero mas masakit kapag sila pero may kalandian itong iba.

Mas mabuti nang ganito.

Ilang linggo na ang nakalipas nang mangyari yun at nasa bahay lang sya.

Si Yael, di parin bumabalik. Di naman nito sinasagot ang tawag nya.

Alam nyang tinatanggap pa ni Yael ang lahat ng sinabi nya sakanya.

Napahingang malalim nalang sya.

Napabangon sya nang malakas na tumutunog ang cellphone nya.

Inabot nya ito at nakitang hindi registered ang nunber ng tumatawag.

Walang pagdadalawang isip na sinagot nya.

"Hello, sino po to?"

"Maam, isa po ako sa nag rescue sa asawa mo. Sinugod po namin sya sa *** Hospital dahil na hit and run sya ng rumaragasang SUV. Ikaw po ang tinawagan namin dahil ikaw ang nasa recent call log ng cellphone nya..."

Marami pa itong sinabi pero nabitawan nya ang cellphone na hawak.

Yael!!

She immediately grabbed her keys and ran pababa ng garage.

Dali dali nyang pinaandar ang sasakyan at nagdrive palabas ng gate.

At dahil nga walang tao sa bahay nila kundi silang dalawa lang ni Yael, bumaba sya para isirado ang bahay at ang gate.

Mabilis syang sumakay sa sasakyan pero bigla rin syang napapreno nang may lalaking humarang sa harap ng sasakyan nya.

Susugurin nya sana ito ngunit nang humarap ito,

"Vice?"

Sht! Wag ngayon kaylangan ako ni Yael!

"Karylle! Karylle lumabas ka muna please! Sweetie mag usap tayo please lang!" rinig nyang pagmamakaawa ni Vice habang kinakatok ang kotse nya.

Sunod sunod na pinalo palo nya ang horn ng sasakyan dahil sa frustration dahil hindi parin ito umaalis sa harap ng sasakyan nya.

Ayaw nya munang kausapin si Vice ngayon dahil ayaw nya munang problemahin ito. Kaylangan sya ni Yael ngayon.

Nang di sya makatiis, padabog syang lumabas ng sasakyan at inunahan nang magsalita si Vice.

"Vice pwede ba wag muna ngayon?! Kaylangan ako ni Yael! Nag aagaw buhay sya for shit's sake! Please leave me alone!"

Nakita nyang may dumaang sakit sa mata ng lalaki. Nawala ito nang tumawa ito ng mapait.

"Ah, hahaha! So you're choosing him over me? Mas mahal mo yung lalaking yun kesa sakin o pinaglalaruan mo lang ako? Na kunwari mahal mo ako ganun?"

She bit her lip.

"Ano Karylle?!"

"Sorry Vice pero kaylangan ko na talaga syang puntahan." Tinalikuran nya ito at mabilis na sumakay sa sasakyan.

Habang nag d-drive, di nya maiwasang mag isip kay Yael at Vice.

Pero kaylangan nyang unahin ngayon si Yael.

Importante parin naman si Yael sakanya. Naging magkaibigan rin sila.

--
OH 3 CHAPTERS NA YAN KOTA NA? HAHAHAHAHAHHAA WET WET

AFFECTION AND DESPAIR (VICERYLLE FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon