16

604 14 2
                                    

Ay. Wala pa yung about Vk vid. Panira tong pldt ilang araw na kainez. Di ma upload.

SINO PAPASHOUT OUT SA BIDYO? HEHEZ

--
Ilang araw nang nakahilata lang sa kama si Vice.

Ano pa bang silbi ng pagbangon nya?

Hindi na sila ni Karylle.

Bakit? Kasi pinili nya si Yael.

Akala nya mahal sya ni Karylle eh. Pero bakit si Yael.

Nakahilata lang sya sa kama pero wala syang tulog. Ang sakit ng ulo nya dahil naglasing nanaman sya kagabi.

Andami nang naghahanap sakanya lalo na sa showtime.

Sabi naman nya na masama ang pakiramdam nya. Naka silent ang phone nya dahil sa tumatawag sakanya ang mga kaibigan nya na nag-aalala.

Kulang nalang nga e pagbahayan na ang bahay nya ng mga bubuyog sa dami ng nagpapadala ng bulaklak e. Na akala mo lamay nya.

Lamay ng puso nyang namatay.

Charot. At nakapagjoke pa sya sa pinagdadaanan nya ngayon ha.

Inabot nya ang remote na nasa gilid ng kama nya at binuksan ang t.v.

Saktong showtime naman at Ms. Q and A na.

"Bakit mo ginaya nanaman yung outfit kong floral?" Pagtataray ni Bella kay Jaki.

"Sinabayan ko lang, malungkot yung pagkafloral nung sakin e."

"Bakit ka malungkot?"

"Wala kasi si Vice e." sagot nito. Napangisi naman si Vice sa panonood. Talagang may future sa acting itong babaeng to. Magaling syang umacting lalo na't impromptu.

"May message kaba kay Vice today?"

"Vice, pagaling ka ha. Hintayin ka namin dito."

Mabilis na napabangon sya nang may maisip.

Kaylangan nyang bawiin si Karylle. Di nya kayang wala ito sa buhay niya.

Walang makakapigil sakanya kahit pa si Yael na asawa nito.

Pero bago yun kaylangan niya munang ayusin lahat.

Mabilis syang nag-ayos at pumunta ng showtime studio sabay hanap sa writer ng showtime. Specifically sa Ms. Q and A.

"Mrs. Santos, pwede bang itigil na namin ni Jaki ang ginagawa? Ikaw naman talaga dapat ang sabihan hindi ba." habol niya kay Mrs Santos na isa sa mga writer ng showtime.


"Vice, nakakailang sabi naba ako? Pinagalitan kapa ng management dati. Diba sabi ko saiyo dati na hindi pwede. Bababa ang ratings natin! Masasapawan tayo ng ibang channel."


"Pwede naman sigurong mag isip ng iba diba or ibang loveteam? Basta wag na yung sakin please." pagmamakaawa nya.

Alam nya kahit hindi sabihin ni Karylle, si Jaki ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito sakanya.


Alam nyang nasaktan ito nang malamang pinapatuloy parin nila ni Jaki ang pinapagawa sakanila ng management.


Dahil nangako sya nung nasa Sarangani palang sila na ititigil na nya ang sakanila ni Jaki.


At pagdating ng Manila, pinagalitan pa sya nung sinabi nya sa management na kung pwede ay ititigil na nya.

Pero wala. Napilitan syang icontinue ang pakikipagloveteam sa showtime dancer na si Jaki.

AFFECTION AND DESPAIR (VICERYLLE FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon