PANG'S habangbuhay na ala-ala

27 3 0
                                    


Unang salta ko palang sa eskwelahan, alam kong may patutunguhan pero hindi ko alam kung hanggang saan. Mga araw ay lumipas at gabi'y nagdaan pero ako'y malungkot pa rin habang iniisip kung kailan at saan naman kaya ako mag mumukmok sa isang malawak na paaralan. Oo, no'ng una'y malungkot ako at mag-isa pero biglang nagbago ang lahat simula nang dumating ka.. Ah este KAYO pala. Haha!

Madalas tayong magkabungguan kahit malawak ang ating pinapasukan (ops! don't be so green) pero hindi natin kilala ang isa't-isa. Natatandaan ko pa ang mga pagkakataong anino lang kayo sapaninginko at ganon din akosainyo.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang ating pagkakaibigan pero ang mahalaga, yung ngayon, yung pagkakataong ito nabatid kong hindi ko makakalimutan magbago man ang ikot ng mundo (corny haha) Salamat sa mga tawa, kalokohan, kabaliwan, tiwala at sakit na ating pinagsaluhan.. na sana'y araw-araw para may handaan. HAHA

Patawad sa mga kasalanan at pagkakamaliko. Alam ko namanyl yun dahilan para matuto't gabay para maging mabuting tao. At oo, maganda lang ako pero hindial ako perpekto. Hahaha jk.

Sa totoo lang? minsan hindi ko maiwasang maging malungkot.. sapagkat ako'y nalulungkot malamang. Haha seryoso na. Minsan sa buhay ng tao, hindi maiiwasang malungkot, magalit, magtampo't magdrama kung ang TIWALA ay nauwilangsa WALA. Oo, may mga pagkakataon na ako'y nasasaktan sa mga salitang inyong binibitawan, nagnanais na hindi ko na lang napakinggan kay MASAKIT man baya sa dughan bisan sabihon ta na WARA. LOL Pero seryoso, masaktan man ako, okay lang at least kayo ang aking sandigan na kailanma'y hindi magigiba. Sabihin na nating minsan yung ekspektasyon ko sainyo sumisemplang pero yung salitang PAGMAMAHAL ay lamang na lamang.
SALAMAT! Salamat sa mga oras na nariyan kayo. Salamat sa mga pagkakataong mabigat ang pakiramdam ko pero pinapagaaan niyo. Salamat sa mga jokes at punchlines dahilan para humagalpak tayo sa katatawa. Salamat dahil kahit may sama man ng loob at mag away-away man tayo, may puwang pa rin sa puso ng bawat isa ang salitang "magkakaibigan".

Sa haba ng tulang ito, nais ko lang ipabatid ang dalawang bagay na'to.. SALAMAT at PASENSYA. Salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko at pasensya sa mga pagkakamaling aking nagawa.

Ngayong magtatapos na tayo, sana'y mapatunayan natin na merong poreber kahit sa pagkakaibigan manlang haha! Sana'y ganito pa rin ang ating turingan maging si Roding man kag si Bulan (starring) HAHAHA Mahal ko kayo mula sa kaibuturan ng aking puso. Mwa! :*


- Prettiest
Dedicated to Pang's

March 03, 2018

Poems For YouWhere stories live. Discover now