Ikaw at ako.
Ikaw na kaibigan ko,
ako na iniibig mo.
Bakit nga ba nagkaganito?
Bigla na lang umiba ang ikot ng tahimik kong mundo, hindi alam kung bakit nagkaganito,
Magulo't nakakalito
Tsk! Baliw na yata ako.Parang kaylan lang ng tayo'y maging tunay na magkaibigan;
nagkasama sa mga lakad at tawanan,
pati sa mga kalokohan at seryosong usapan.. tinatanong ang sarili kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo,
bakit sa akin pa piniling gumusto?
Bakit? Sa english, Why?Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ibang-iba ka sa karamihan;
Hindi mo man masabi ang tunay mong mararamdaman,
batid ko naman yun dahilan para matauhan;
matauhan sa katotohanang minsan lang ako makadama ng pagpapahalaga't pagmamahal eh bakit ko pa bibitawan?Nakakataba ng puso na malamang ginagawan ka niya ng tula, pinapaguran at kadalasa'y tulala sa kaiisip ng magagandang salita, makuha lang ang tamang timpla ng mensaheng nais ibalandra walang iba kundi ang mga salitang "Mahal Kita".
Lumipas ang mga araw at buwan ngunit patuloy ka pa rin sa pagpaparamdam,
hindi kanaman multo pero bakit ako kinakabahan sa tuwing ipinapadama mo sakin na ako'y mahalaga?
halagang hindi matutumbasan ng mabubulaklak na salita;
halagang ako at ako lang;
halagang..
Hindi ko mapahalagahan.Hindi mo man masabi ang mga salitang.. "Gusto kita" o "Mahal kita"
damang-dama ko naman yun sa twing nasisilayan lang ang mapupungay mong mga mata..
O kay gandang pagmasdan ng mga ito,
hindi man kasing ganda kagaya ng sa oppa ko, totoong totoo naman ang mensaheng ibinabato.
Yaay napakakorni ko. -.-Sa pagdaan ng araw at gabi,
Bigla kang nawala sa aking tabi.
Maging ang mga mata ko ay naging saksi sa mga tawa niyo't mga ngisi.
Labis akong nasaktan sa hindi malamang dahilan.
Huli ko nang nalaman, ako pala sayo'y may nararamdaman.Masakit sa damdamin
at kay hirap tanggapin
na kaya mo akong mahalin,
Pero di mo kayang hintayin.Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon ka pa sumuko kung kailan ako'y hulog na hulog na?
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon ka pa lumayo kung kailan mahal na kita?
Bakit? Sa english, Why?-Belle áme
Dedicated to BrowniesMarch 26, 2018