"Gandang hapon Ma,Pa!"sambit ko at isa-isang nag-mano kila mama at papa."Oh?san ka galing nak?"tanong ni papa sa akin.at nagpatuloy sa pag-lilipat ng chanel sa t.v.
"Ah!.nag Enroll po ako sa J.I.S."sambit ko at nginitian si papa.
Nakita kong lumungkot ang mukha ni mama habang nag-aayos ng plato sa hapag.
Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod.
"Ma,wag kang mag-alala sa hapon didiskarte ako sa banda.tapos sa madaling araw naman mag iiskwela na ako."sambit ko at ipinatong ang aking baba sa balikat ni mama.
"Anak,nag-aalala lang naman ako sayo.kung pag-sasabayin mo ang pag-aaral mo at pagtatrabaho ay mahihirapan ka nang husto.Vhei Anak,iniisip ko ang kapakanan mo kaya wag mo sanang masamain."sambit nya at nagpapatuloy sa pag aayos.bumitaw lang ako ng umalis si mama at kumuha ng mga kutsara't tinidor.
"Ma....kaya ko to! Si Vhei kaya to! Masipag at Matiyagang bata! Alam nyu namang sa inyo lang natakbo ang mundo ko eh."sambit ko at tinulungan ko na si mama sa pag-sasandok sa kanin.
"O,sya--sya..sige na kung anong gusto mo.Tawagin mo na si Bien dun sa kwarto,at nagkukulong na naman.sabihin mong kakain na."sambit ni mama at pinuntahan na si papa.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Bien at may narinig ako.may kinaka-usap sya kaya hindi muna ako pumasok at nakinig na muna.
"Bakit mo ba ako binigyan ng Cellphone? Hindi ko naman kailangan to Cassandra."sambit nya sa Samsung na maliit na cellphone.
Sumagot na yata ang nasa kabilang linya dahil narinig ko ule si Bien na nagsasalita eh.
"Oh sige,Cassey..okay na?"-Bien
"So anong purpose nito?"-Bien
"Eh maka-usap kalang pala.eh lagi naman tayong nag-kikita sa school."-Bien
"Tapos?"-Bien
"Ha!? Hindi naman ako nanliligaw ah."-Bien
Grabe tong si Bien,pakipot pa eh.
"Boyrfriend?!Hell no!"-Bien
Aba't saan nya natutunan yung hell no?
"Baka masapok pako ni ate eh."-Bien
Dinamay pako ng mokong huh.
"Hindi naman sa ganon.Oo gusto kita pero bata pa ta---"hindi nya natapos.
dahil pakalabog kong binuksan ang pintuan nya at sumigaw nang..."oy Bien! Kabata bata mo pa't may pa boyfriend o girlfriend kanang nalalaman ha! Ikaw sinasabi ko sayo! Gusto kong mag-aral ka at hindi lumandi ah!."sigaw ko at nakita kong in-off nya agad ang cellphone.
"Ano ba ate! Kita mong may kausap ako eh! Hindi ka manlang kumatok!"pasinghal nya sa akin.at maayos syang umupo.
"Aba! Wag mokong singhalan ng ganyan ah! Ate mo parin ako!.atsaka! Lumabas kana at kakain na tayo! Mamaya tayo mag-usap tungkol dyan Bien."sambit nya at tinuro ko ang kusina.
Naglakad naman sya nang padabog at kumakamot sa batok.pinalo ko naman sya sa pwet kaya napa-aray sya,at tinignan ako nang masama.nakaharap at naka tingala naman sya sakin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pitikin sya sa noo.pag-tapos ay tumakbo naman sya nang naka sapo sa noo.narinig ko rin ang sumbong nya kay mama.at humalakhak lamang sila.habang si Bien naman ay naka-pout at marahas na umupo.
Umupo narin ako at pinangunahan na ang Prayer.
"Sa ngalan ng ama,ng anak,at ng espirito santo amen.panginoong hesus salamat sa pagkaing naka hain sa aming harapan.nawa'y wag nyu po kaming papabayaan at ilayo mo kami sa lahat ng kapahamakan. Mananatili ka rito sa aming puso't isipan.Maraming salamat sa lahat lahat Diyos ama.sa ngalan ng ama,ng anak at ng espirito santo amen."nag sign of the cross na kaming lahat.
Kumain na kami.....
---
"Bien! Ikaw! Akala mo matatakasan mo ako ah!"sigaw ko at naka habol sa pintuan ng kwarto nya bago pa nya ito mai-lock.
Naka-pasok na ako nang tuluyan.
"Kasi naman ate..kasalanan ko bang may gusto sya sakin at talagang desperada na makuha nya ako."sambit nya at umupo sa kanyang comforters.
"We?..Bien alam mo wag kanang mag-maang maangan pa! Dahil narinig ko sa usapan nyo na gusto mo rin sya."sambit ko at umupo narin sa harapan nya.
Nag patuloy sya sa pag e-explain at natapos na at nagkaintindihan na kami kaya pumunta na kami sa Sarili naming kwarto.
---
Nagising ako ng maaga.nagluto ako ng mabilis at nagsulat sa isang papel nang note kela mama.
Buong araw akong Magbabanda
---
Now playing:Jeepney Love Story
By:Yeng Constantino."Sumakay ako sa Jeepney...
Ikaw ang nakatabi...
Di makapaniwala...
Na parang may hiwagang nadama...
Nang bumaling sayo,ang aking mga mata ahhhhh..."kanta ko sa harap ng mga tao sa Bar.Ang ingay ng mga tao sa aking harapan.kanya-kanya ang kanilang ginagawa at onti lamang ang mga nanonood sa akin.
"At nagsiksikan na,dahil tumigil Ang jeepney sa tapat ng iskwela ahhhh...
Biglang nag-kadikit,puso ko'y biglang sumikip.at natulala aaahhh...
Sabi nila'y walang hiwaga..
Kung wala'y bat kumakabog itong dibdib..."May nakikita akong lalaki sa aking peripheral vision..napansin kong kanina pa nakatuon ang pansin nya sa akin.halos pito na ang aking nakakanta ay hindi parin nawawala ang paningin nya sa akin habang kumakanta.minsan na te-tense na rin ako kasi sobra ang pagtingin nya na para bang walang kurapan.
Sa loob ng apat na minuto ay natapos na ako.pumunta muna ako sa backstage para kumain at magpahinga.ang kasunduan kasi ay 16 ang kailangan kong kantahin sa isang buong araw. 12:30 na.may oras pako para makapag perform ng walong kanta.6:00 nang umaga ako umalis sa bahay at nakarating sa bar ng 6:30.
Balak ko sanang umalis upang bumili ng makakain ngunit may humablot ng braso ko.pagkatingin ko'y si ate Nichola lang pala.ang kapatid ni kuya Nicholas at ni Nicholai.
"Hi Vhei! I am wondering if you can join us on that table!."tinuro nya ang table na pabilog kung saan parang V.I.P ito dahil may salamin na naka harang.
"B-bakit po ate Nichola?"sambit ko na may pagka-nerbyos.
"I want to introduce you to my friends.may i?"sambit ni ate nichola sa malapad na ngiti.
"S-sure ate!"narinig ko syang bumungis-ngis at hinila na ako patungong V.I.P room.
Kaya ako pumayag kasi Friends lang naman daw eh.hindi ko makikita yung asungot na Jady na yun.
Nang papalapit na kami ay naaninag ko ang pinaka kinasusuklaman kong lalaki.
---
(A/N:masyado nabang naiinis si Vhei kay Jady? Mukhang itinadhana silang magkasama ah? O may gumagawa lang talaga ng paraan para mapagsama sila..Anung Guess nyu guys?Comment your Guess! Thankyou for continue reading!)
-Gaile🌸

YOU ARE READING
The Perks Of Being A Gravador {On Going,On process}
Teen FictionVheianne Charlotte Alvarez is not that type of typical probinsyana.oo at nangangailangan sila ng malaking halaga ng pera.ngunit di ito hadlang upang bumuo ng isang totoong pagmamahal. kahit pera ang habol nya wala akong pake as long as mahal ko sya...